CHAPTER 16 - THE GAME.PART 2

1814 Words
TRISXH’s POV   “Naku naman..” saad ni Darwin nang maagaw na naman ng kalaban ang bola.   Nagsimula na ang game, actually second quarter na. Andito ako sa bench nila kasama iyong apat, ay lima na pala.   “Go team, kaya niyo yan!” – Crisel “Sugod lang ng sugod!!” – Chelle “Habang may oras, may pag-asa!!!” – Melai “Think positive, wag kang aayaw!” – Mely “Kahit anong mangyari, gwapo pa rin kayo!” – Gem   I think, that’s there way of giving moral support. Kailangang-kailangan kasi ng team, kanina pa kasi sila naghahabol. Masyadong magaling ang kalaban nila. Kawawa naman si Adrian ko, pagod na pagod na siya.   “30 seconds time out!! EXO High!” saad ng referee.   Tumayo naman kami at inabutan sila ng towel at tubig.   “Wala pa rin si coach?” tanong sa’kin ni Adrian.   Umiling naman ako, kaya napabuntong-hininga siya.   “Tawagan mo kaya babe..” saad ni Blake. “Wala siyang cellphone..” nakasimangot kong saad.   Masyado na kasi siyang nasnasaanay na tawagin akong babe. Si Adrian lang dapat ang tumawag sa’kin noon.   “Ano?! Walang cellphone si coach?!” halos sabay-sabay nilang saad.   Makareact naman ang mga ito,  masyadong hysterical.   “May tao pa palang walang cellphone?” saad ni Karl “At si coach pa talaga ang nawalan noon, hindi niya ba alam na importante siya” wika naman ni Jake. “Importante?” singit ni Xander. “O-oo.. importante sa’tin.. coach natin siya di ba?” sagot naman ni Jake na umiwas ng tingin at uminom. “So, ano ng gagawin natin ngayon?” tanong ni Adrian. “Masyadong matinik ang kalaban natin, nahuhulaan nila ang bawat galaw ni Xander..” – Karl “Baka naman manghuhula talaga sila?” hirit naman ni Blake, na binato ni Karl ng towel.   “Kadiri ka Karl, puro pawis mo kaya ito..” “Kung andito lang sana si coach” saad ni Jake   Natahimik naman sila hanggang sa pumito na ulit ang referee, hudyat na magsisimula na ulit ang laro. Wala man lang silang napag-usapan. Matatalo ba kami? Nnasaan na ba kasi si Beshie?     RISH’s POV   Lagot. Tinanghali ako ng gising. Ang sakit pa ng katawan ko. Pinilit ko lang talagang bumangon.   “Ya! Alis na po ako..” nagmamadali kong paalam kay yaya Helen. “Teka kumain ka muna at uminom ng gamot.” “Hindi na po!” saad ko at tumakbo na palabas ng bahay.   Hindi ko pa pala alam kung saan iyong Sports complex na iyon. Hindi rin ako sanay mgcommute. Nauna na daw si Trisxh, sinoondo ni saint guy. Ano ng gagawin ko?   “Airish!”   Lumingon ako sa likod ko.   “SC President..”   Natawa naman siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?   “Hydee na lang masyado kang pormal..”   Tumango na lang ako.   “Teka, di ba ngayon ang game niyo? Anong ginagawa mo dito?” “Naiwan ako ni Trisxh..” saad ko. “Ah ganoon ba? Tara, sumabay ka na.. papunta na rin naman ako dun..”   Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumunta na agad ako sa passenger seat. Hindi ko alam kung namalik-mata ba ako pero parang nakita ko si nerd bago ako sumakay sa kotse ni SC President..   “Sobrang late na tayo..” bungad ni SC President habang naglalakad kami papunta sa bench ng team.   2 minutes na lang at matatapos na ang Second Quarter.   45-20.. lamang ang kabilang team.   “Coach!” tawag noong anim na nakaupo sa bench. “Beshie? Anong nangyari? Sorry ha, dapat pala ginising na kita..” – Trisxh “Ms. Perfect, namiss ka namin!” hirit noong payat na sinang-ayunan naman noong apat.   =______=   “Anong nangyari?” tanong ko naman dun sa anim. “Nababasa nila ang galaw ni Xander..” wika ni emo guy “Mahigpit din ang depensa nila sa kanya, hindi siya nalilibre..” segunda naman ni Mr. Dimples. “Mukhang pinag-aralan talaga nila ang team natin..” turan naman ni Smiley na seryoso ngayon.   Pinanood ko naman sila. Tama nga, hindi nila pinagbibigyan si sunget. Napatingin ako sa kanya, mukhang mangangain na siya ng tao sa sobrang seryoso. Hindi niya siguro inaasahan ito. Siya pa naman ang captain ball at star player, pero ngayon wala siyang magawa.   Natapos ang Second Quarter, may 15 minutes break bago magsimula ang third quarter.   50-20.. 30 points ang lamang ng kalaban.   “Coach, bakit ngayon ka lang? Tingnan mo oh, matatalo na tayo..” saad ni manyak. “Ano ka ba..” saway ni Mr. Kamay “Okay ka lang ba?” tanong naman ni Mr. Late “Bakit ngayon ka lang? Ganyan ba ang isang coach, iniiwan ang mga players niya sa ere?” singhal ni sunget. “teka Xander----” awat ni Mr. Late “Ano? Kakampihan mo siya? Matatalo tayo dahil lang sa walang kwentang coach!” – sunget “Teka dude, wag naman ganyan..”awat ni emo guy “Oo nga, hindi mo alam ang sinasabi mo..” – Mr. Dimples “Wag kang padala sa emosyon mo Xander, hindi kasalanan ni coach kung bakit hindi tayo makapuntos..” hirit ni kapal kilay. “Tama na yan..” singit ko naman.   Tumahimik naman si sunget, mukhang galit na ewan. Kapag natalo, kami for sure bubuga na ito ng apoy.   “Magpahinga muna kayong lima, sila muna ang maglalaro.” saad ko. “Yes!” sabay-sabay na wika noong anim. “Sigurado ka coach? Hindi pa naman kami pagod..” wika ni saint guy. “Dude, tiwala lang! Mananalo tayo..” nakangiting pahayag ni Smiley. “Oo nga naman, kami naman ang magpapasikat..” turan naman ni gangster guy. “Wag kayong mag-alala hindi namin kayo ipapahiya” saad ni snow guy.   Wala na naman silang nagawa at pinagwarm-up na iyong anim. Tsk.. medyo nahihilo na ako.   @____@   Mabuti na lang pala at nag-jacket ako,  masyadong malamig dito.   “Wag ka munang pumasok..” turan ko kay emo guy. “Sige coach.” nakangiti naman niyang wika. “Bago matapos ang Third Quarter dapat lamang na tayo.” paalala ko sa kanila. “Coach? Hindi ba dapat ang sinasabi mo habulin muna ang lamang nila..” singit ni manyak. “Okay lang iyon Blake, kayang kaya!” wika ni gangster. “Hangin!” sagot naman ni manyak, na nginitian lang noong anim. “Sige, game na!” saad ni Smiley at nauna ng pumasok sa court, sinoondan siya noong apat. “Psh..” turan ni sunget at naglakad palayo.   Sinoondan naman siya ni emo guy.   Magsisimula na ang game.   After 8 minutes.. “EXO High!! EXO High!! EXO High!!”   60-60 na ang score.   “Woah! Kailan pa sila natutong maglaro ng ganyan?” tanong ni Mr. Kamay “Oo nga, grabe!! Pang-NBA na!” saad naman ni manyak. “Ang bibilis na rin nila at ang depensa sobrang higpit..” puna naman ni saint guy. “Halos hindi pa sila nagmimintis ah..” turan naman ni Mr. Late. “Ang ganda din ng mga play nila, saan nila natutunan iyon?” muling tanong ni saint guy. “Ayos di ba?” singit naman ni emo guy na kadarating lang. “Si Xander?” tanong ni manyak. “Kasama si Hydee.” sagot niya at umupo sa tabi ko.   Hydee? Si SC President? Close pala sila.   “Teka, anong ginawa niyo at gumaling sila ng ganyan?” tanong ulit ni manyak. “Dahil kay coach, tinulungan niya kaming mag-improve.” – emo guy “Paano? Hindi nga kayo uma-attend ng practice..” wika ni Mr. Late “Pagkatapos niyong magpractice, kami naman iyong gumagamit ng gym. 6pm-10pm nagpapractice kami..”   O_____O – sila   “Hindi nga?!” wika ni saint guy. Tumango naman si emo guy. “Mas grabe iyong practice namin, mula basic hanggang sa magagandang play. Nakakahiya nga kay coach, siya pa ang naiiwan para maglinis ng gym..” “Hala? Kaya pala late na umuuwi si Beshie!!” singit ni Trisxh.   =______=   Kung mag-usap sila parang wala ako dito ah.   “Kaya pala palaging inaantok at nakakatulog si coach kapag may practice..” turan ni saint guy. “Tsk.. grabe ka naman coach, dapat pala tinulungan mo rin kami para mas gumaling..” – manyak   Binatukan naman siya ni Mr. Kamay.   “Ikaw nga itong numero-unong reklamador..” – Mr. Kamay “Nag-improve din naman kayo, kung tutuusin mas gumaling kayo..” wika ni emo guy. “At utang natin lahat iyon kay coach..” – Mr. Late “Waah! Group hug!!!” hirit ni manyak. “Pasali kami!!” sigaw naman noong lima.   =_______=   Tapos na pala ang Third Quarter,  hindi ko na namalayan.   “Coach, mission accomplished.” – Smiley “71-87 coach.” – kapal kilay “Ayos guys.” bati naman ni emo guy na nakipag-apir pa sa kanila. “Kayo ha, masyado niyong ginagalingan, baka masapawan na kami niyan..” hirit naman ni Mr. Late na tinawanan lang noong lima.   @_____@   Nahihilo na talaga ako. Tsk.. tumayo na ako.   “M-mauna na ako..” “Hindi pa tapos coach..” saad ni saint guy. “Kaya niyo na ‘yan, paglaruin niyo si emo guy..” “E-emo guy?!” wika naman ni manyak, “Sino iyon?”   Tinuro ko naman si emo guy.   O________O – sila +______+ - ako   “Don’t tell me, may mga codenames kami?” wika ni Mr. kamay   Tumango naman ako at inisa-isa ang mga codenames nila.   “hahahahahahahaha!!!!”   =_________=   Pagtawanan ba ako.    “Grabe, ang sama mo coach, manyak talaga? Kailan kita minaniyak?” tanong ni manyak.   Tumingin naman ako kay Trisxh, umiling siya kaya nagkibit-balikat na lang ako. Oo nga pala, mukhang hindi siya natatandaan ni manyak, saka andito si saint guy.   “Good luck sa game, ipanalo niyo..” saad ko. “Teka Beshie, sasama na ako sa’yo..”wika ni Trisxh na napatingin kay saint guy na parang na-disappoint. “No. Stay here, ikwento mo na lang mamaya kung anong nangyari..” turan ko. “S-sigurado ka?”   Tumango lang naman ako.   “Ikaw na bahala Mr. Late..” pagbibilin ko, since siya naman iyong vice-captain. “Ipapanalo namin para sa'yo coach, pahinga ka ah!” sagot naman niya. “Ingat coach ^___^” – Mr. Kamay “Sure win na ito coach!” – snow guy   Pumito na ang referee kaya nagsimula na rin akong maglakad palabas. Parang nagdo-doble na ang paningin ko. Dapat pala nagpasama na lang ako kay Trisxh, hindi ko rin kasi alam kung paano uuwi.   Bakit ba nawala iyong limang weirdo? Saan kaya nagpunta ang mga iyon? Kung kailan kailangan, saka nawala.   “R-rish..”   Lilingon na sana ako kaya lang biglang umikot ang paligid ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD