CHAPTER 15 - THE GAME.PART 1

1122 Words
TRISXH's POV   Friday..   I'm waiting for Adrian, susunduin daw niya ako para sabay na kaming pumunta sa Sports Complex kung saan gaganapin iyong game nila.  Ang bilis ng pangyayari, akalain mo iyon halos hindi na kami mapaghiwalay ni Adrian. Hindi ko akalain na magiging close kami. Hatid-sundo na nga niya ako. Kung iisipin, para na siyang nanliligaw sakin, pero hindi naman namin iyon napag-uusapan. Kuntento na naman ako kung ano mang meron sa'min.   *totoot totoot*   From : Sarah Mie “girl, nood ka ng game?”   si Sarah, new found friend..   Simula noong malaman sa school iyong totoong background ko, marami ng gustong makipagkaibigan sa'kin including Sarah and since friendly naman talaga ako, kaya push! Hindi ko na rin kasi masyadong nakakasama si Beshie at iyong apat. Si Adrian naman naging busy din sa practice. Okay na rin kami ni Gem, hindi ko alam kung anong pinakain sa kanya ni Beshie pero bigla siyang nagbago. Bumait na siya at nagkapagtatakang lagi siyang nakabuntot kay Beshie. Dagdag na naman siguro sa mga fan girls niya.   Mabuti nga at nagkakasundo sila noong apat.   *FLASHBACK*   “Ms. Perfect.. si ano yan ah..” salubong ni Chelle kay Beshie, nasa canteen kami at hinihintay si Beshie. “si----” – Crisel “Mich Valdez. MV. TB ay----” singit ni Mely “Bakit mo ako binatukan?” “Nababaliw ka na naman e..” sita ni Melai. “Si G-Gem..” saad ko naman at tipid na ngumiti.   Siya iyong isa sa nangbully sa'kin noong Monday. Bakit kaya kasama niya si Beshie? Kanina kasama niya rin sa gym ito ah.   Napayuko naman si Gem. Wala namang reaction si Beshie at naupo lang.   “Gem? iyong kambal ni Fem na friend ni Helena?” tanong ni Crisel. “Di ba siya iyong umaway sa'yo Trisxh?” tanong naman ni Mely. “Aawayin din natin siya? Igaganti natin si Trisxh?” wika naman ni Chelle. “Ahm—magsosorry sana ako. Sorry Trisxh..” – Gem “Sorry pooooooo!” sabay-sabay naman na saad noong apat saka nag-apir.   Natawa tuloy ako.   “Okay lang iyon, friends?” saad ko. “Talaga?” excited na tanong niya.   Tumango naman ako. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.   “Group hug!!” turan naman noong apat at nakisali sa'min.   Kung hindi naman kasi sa ginawa nila, hindi kami magiging close ni Adrian. Parang blessing in disguise na rin ang nangyari.   “Ms. Perfect.. Sali ka!” yaya ni Chelle.   Umiling lang naman si Beshie na tahimik lang na nakamasid sa'min. Gutom na siguro ito. Tatayo na sana siya para pumila nang dumating si Troy, kaklase naming nerd, na may dalang pagkain.   “M-ms Perfect.. para sa'yo..”   Napakalas naman kami sa group hug at tinitigan ang nangyayari.   Close na rin sila ni Beshie? Bakit parang hindi ako updated?   “No thanks..”  wika ni Beshie. “P-pero.. pasasalamat ko lang naman..” “Napadaan lang naman ako noon” bored na tugon naman ni Beshie.   Ano kayang pinag-uusapan nila? NakakaOP. Anong bang klaseng bestfriend ako,  hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay ni Beshie.   “P-pero..” “Okay.” inis na saad naman ni Beshie.   Ngumiti naman si Troy at iniwan na kami.   “A-anong meron?”  turan ni Chelle. “Oo nga, close na rin kayo ni Troy?” – Crisel.   Hindi naman sila pinansin ni Beshie at nagsimula ng kumain.   “B-bili na tayo ng pagkain..” yaya naman ni Gem.   Sumang-ayon naman iyong apat. Ako? Nakatingin lang kay Beshie. Gusto ko sanang magtanong kaya lang hindi ko alam kung paano sisimulan. Nasaan ba ako noong mga panahong may nangyayaring maganda kay Beshie?   “I saw him being bullied, I just try to help him..” wika ni Beshie na kumakain pa rin.   O________o Nabasa ba niya ang iniisip ko?   “I saw her crying, because of financial problem.. “ saad niya ulit. “Just trying to help.”   Napangiti naman ako. Ang bait talaga ni Beshie.   “Basta Beshie, ako pa rin dapat ang bestfriend mo ah..”   Tiningnan niya lang naman ako at kumain na ulit.   “Thank you Beshie..” turan ko at sumunod na sa pagbili ng pagkain, at nadatnan silang nagsasabog ng kaweirduhan. “Sa tingin niyo bakit kaya binigyan ng pagkain ni Troy si Ms. Perfect” – Chelle “Shm kasi naisip ni Troy na walang pera si Ms. Perfect..” – Crisel “Kasi nagandahan si Troy kay Ms. Perfect..” – Gem “Maganda din naman tayo, bakit walang binigay sa'tin?” hirit ni Mely “Oo  nga, oo nga..” – Melai “Kasi nga malabo iyong mata ni Troy, kaya hindi niya napansin ang kagandahan natin.” turan ni Chelle “Aba, ang galing mo dun ah, tama ka!” wika ni Gem. “Ayieeh! may utak ka na ngayon ah..” puri naman ni Crisel. “Wahahaha!” – Melai & Mely   Naiiling na lang ako habang pinagmamasdan sila.   *END OF FLASHBACK*   *tootot* *tootot*   From: Adrian <3 “Hey, andito na ako..”   Hala, andiyan na pala si Prince Charming.   Dali-dali naman akong lumabas ng sarili kong kwarto at kinatok si Beshie. Mukhang tulog pa siya. Simula ng naging coach siya napapadalas ang pag uwi niya ng sobrang gabi. Ang alam ko naman 5 PM, tapos na ang practice nila. Ano nga kaya ang pinagkakaabalahan nito? Baka naman may boyfriend na si Beshie. Pero bakit hindi man lang niya sinabi sa'kin. Naglilihim na si Beshie?   *erase* *erase*   Wala naman akong alam na pwede niyang maging boyfriend.   “Beshie?” tawag ko sa kanya.   Inilapat ko pa ang tainga ko sa pintuan niya para marinig ko kung sasagot siya.   “Beshie?”   Mukhang tulog pa nga. Maaga pa naman, ibibilin ko na lang siya kay yaya Helen.   Lumabas na ako ng bahay at sinalubong ako ni Adrian. Napangiti tuloy ako. Ang gwapo niya! Ngumiti lang din siya sa'kin at nakipagtitigan.   Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagtititigan hanggang sa may manyak na mang-istorbo.   “Babe, hindi mo ikagaganda ang pagtitig kay Adrian..”   Tiningnan ko lang naman siya ng masama.   “oh oh, hindi mo rin ikagaganda kung ako iyong tititigan mo.” then he winked.   Yabang talaga!   “Hey, nasaan si coach?” singit ni Karl.   Akala ko pa naman kaming dalawa lang ni Adrian.   “Natutulog pa siya..” sagot ko. “Pinaninindigan talaga ni coach, ang pagiging sleeping beauty.” hirit naman ni Blake.   Sinimangutan ko lang naman siya, panira kasi ng moment.   “Let's go Trisxh..” yaya naman ni Adrian at binuksan ang pinto ng kotse niya.   Magkatabi kami!   Sa backseat iyong dalawang asungot. Okay na rin iyon kahit papano at least magkatabi kami ni Adrian ko hihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD