RiSH'S POV
Wednesday .
Two days before the Elimination Round, back to practice na ang basketball team. Mabuti na lang at sa Monday pa ang resume of classes. Checking of exams lang ang gagawin ngayon at bukas. Then on Friday, walang klase, para magpakita ng suporta sa team.
“Coach, bakit kaming lima lang ulit? Nasaan iyong anim?” tanong ni manyak.
“Oo nga coach, kahit naman madalas sila sa bench, kailangan din nila nilang mgpractice.. paano na lang kung mainjured si Blake..” saad naman ni Mr. Kamay.
“Karl! Bakit naman ako iyong maiinjured?” bulalas ni manyak.
“Example lang naman Blake, hindi ka naman lampa di ba?” turan ni Mr. kamay.
Sumimangot lang naman si manyak.
“Teka? Bakit nga pala tayo andito?” singit ni saint guy na pasimpleng nagtetext.
Andito kasi kami sa main building. Wala pang mga estudyante kasi 5:30 AM pa lang naman.
“Oo nga coach, maggo-ghost hunting tayo?” excited na tanong ni manyak.
Binigyan ko lang siya ng Are you serious look?
Nagkibit-balikat lang naman siya. Ang daldal niya lang, parang hindi lalaki.
Bakit hindi na lang siya gumaya kay Mr. Late na tahimik lang na nakikinig sa'min, ngumingiti lang kapag tinitingnan ko o kay sunget na ang sama ng tingin sa'kin. Hindi pa ata nakakarecover sa ginawa kong pagsipa sa tuhod niya. Si saint guy naman kanina pang nagtetext, at pasimpleng ngingiti. I'am sure si Trisxh ang ka-text niya, simula kasi noong Monday, naging instant close na 'ýung dalawa. Hatid-sundo na nga ni saint guy si Trisxh e.. siya ang kauna-unahang lalaking nakatapak sa bahay. For sure, makakarating iyon kay Lolo.
Hindi na naman ako nag-aalala na baka malaman nila ang totoo kong estado sa buhay, alam ko namang mapagtatakpan iyon ni Trisxh, lalo na ngayon na may mangilan-ngilan nang nakakaalam na si Trisxh ang anak ng may-ari ng TLC hotel & restaurants, & TLC Group of Companies. Marami ring nagtataka kung anoong ginagawa niya dito sa public school, pero sinasabi niya lang na for experience daw, hindi ko nga lang alam kung may naniniwala sa lame excuse niya.
May nagdududa na din na bigatin daw ako pero pinaninindigan ko lang na pinag-aaral lang ako ng lolo ko na nasa probinsya.
“Coach?! Tutunganga na lang ba tayo dito?” bulalas ni manyak.
“Umuwi ka na nga lang Blake, mukha kang reklamo” - Mr. Kamay
*sighed.*
“Okay, let's start.” agaw ko sa atensyon nila. “Mag akyat-baba kayo mula first floor to fourth floor, 5 laps.” saad ko.
“What?!” sabay sabay nilang saad.
For sure may pahabol pa ang hari ng reklamo.
in ..
5
4
3
2
1..
“Papatayin mo ba kami?”
I ignored him at umupo na lang sa may bench, then i looked at my watch.. malapit na magdatingan ang mga estudyante.
“Plus 5 laps?” I asked .
“Ha?! Hindi---” aangal pa sana si manyak, pero hinila na siya noong tatlo at sumunod kay sunget na nauna ng humakbang.
1st lap pa lang hinihingal na agad sila. Masyado ata akong sumobra, pero kailangan nila yan para sa kanila naman lahat ng pinagagawa ko.
May mangilan-ngilan ng estudyanteng dumarating, iyong iba nanonood na sa kanila at kumukuha pa ng pictures. Kahit pawis na pawis na kinikilig pa rin daw sila. May mga pasimple ring kumukuha ng pictures ko, karamihan mga lalaki.
Tumayo na lang ako para maglakad-lakad muna. Dederetso naman sila sa may gym.. dun ko na lang sila hihintayin.
Habang naglalakad ako, napansin ko iyong kaklase kong nerd sa may hallway. May mga nangbubully sa kanya. Uso rin pala ang pangbu-bully sa public school? Mukhang hinihingi noong tatlo ang baon niya pero ayaw niyang ibigay.
Kung ako iyon..
.
.
.
Hindi ko rin ibibigay..
Hinawakan noong isa ang collar niya at akma siyang susuntukin, kaya lumapit na ako.
“Ehem..” pag-agaw ko sa atensyon nila.
“M-ms.. P-perfect?” nangangatal na saad ni nerd.
“Ano eepal ka? Gusto mo ring masaktan?” hirit noong may hawak sa collar niya, mukhang siya ata ang leader nila.
“Dude, hindi mo ba kilala 'yan?” tanong noong medyo payat.
“Hindi.. bakit siya ba ang Presidente ng Fans Club ko..” sagot naman nito.
“May Fans Club ka ba?” saad naman noong isa na singkit.
“Bakit may angal ka?!”
“W-wala ah.. nagtatanong lang..”
“Wala naman pala, oh sino ka ba?!” tanong niya sa'kin.
Hindi niya pa rin binibitiwan ang nanginginig nang si nerd.
“Dude 'yan iyong tinatawag na Ms. Perfect, iyong coach ng basketball team, iyong walking encyclopedia at iyong nakita nating sumipa kay Xander..” paliwanag naman noong medyo payat.
Bigla niya namang nabitawan si nerd at nanlaki ang mga mata.
Kaya siguro ang sama ng tingin sa'kin ni sunget, may nakakita pala ng ginawa ko sa kanya.
“B-bakit hindi mo agad sinabi sa'kin.. oh ano pang tinatayo-tayo niyo dyan tara na at baka malate pa tayo sa klase..” yaya niya sa dalawang kasama.
“Teka? Paano iyong baon niya?” tanong noong singkit.
“Ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan? Gusto mo bang mabugbog..”
Then binatukan niya iyong singkit at pasimpleng bumulong, “Si Xander nga na kapatid ng Principal, hindi niya pinatawad, tayo pa kaya?! Ayaw kong mabalian ng buto..”
Bulong ba iyon? Naririnig ko kaya.
Tumingin pa siya sa'kin saka kumaripas ng takbo, sumunod naman iyong dalawa. Nakakatakot na pala ako ngayon?
“S-salamat..” saad ni nerd at pinulot ang mga librong nagkalat.
Tumango lang naman ako at nagsimula nang maglakad.
“T-teka..” wika ni nerd at hinawakan pa ang braso ko.
Agad din naman niyang binitiwan iyon ng tingnan ko siya. Inayos niya ang malaki niyang salamin saka muling nagsalita.
“s-sayo na ito, pasasalamat ko..”
Iniabot niya sa'kin ang isang..
.
.
.
Boy bawang..
“A-ayaw mo ba?” kinakabahan niyang wika noong titigan ko lang siya.
Ano namang gagawin ko sa boy bawang? Panlaban sa mga tiktik? Weird.. bagay siya sa barkada noong apat. Lima na silang weird.
Tinalikuran ko na lang siya ulit at binilisan ang paglalakad ko para hindi na niya ako habulin.
Nasa may garden na ako ng school ng may marinig ako. Umiiyak. Tiningnan ko ang paligid pero wala akong nakikita, ano na naman kayang mangyayari?
*hanap*
*hanap*
*hanap*
Gotcha! Nakita ko ang isang familiar na babae. Nagsasalita pa ito habang umiiyak.
“Paano ba yan rose napakiusapan ko nga si Ms. Principal na wag akong patalsikin pero hindi naman ako makakapag-exam, hindi pa kasi ako fully paid sa tuition. Last chance ko na ito, two days na nga akong late sa pagkuha ng exam.” sumisinok nitong turan. “Hindi naman ako makahingi kay tatay, wala na siyang trabaho. Si nanay naman wala ding maibibigay. Karma na yata namin ito sa mga ginawa naming pambubully.”
Kausap niya iyong..
.
.
.
Bulaklak.
Isa na namang weird.
“Hindi naman namin gusto iyon tinatakot kasi kami ni Helena kaya nakikisama kami sa kanya. Gusto ko lang talagang makatapos para sa pamilya ko, ano bang dapat kong gawin, rose?”
Tinitigan ko siyang mabuti, hindi na siya coniyo.. mas simple na rin ang ayos niya ngayon. Alam ko iyong ginawa nila kay Trisxh. Nakita ko, actually, pero dumating naman si Adrian kaya hindi na ako nakialam noon..
Kailangan ko ba siyang tulungan? Ano bang dapat kong gawin?
Kumuha ako ng pera sa wallet ko.
Teka? Magkano ba ang tuition dito? Si lolo naman kasi ang nag-asikaso ng pagpasok ko dito. Okay na kaya ang two thousand? Siguro naman papayagan na siyang mag exam nito.
Pero paano ko ibibigay?
Hindi ko naman pwedeng iabot, nakakahiya.
Pinagmasdan ko ang hawak kong pera, ginusot ko ng konti. Tuwid na tuwid kasi halatang hindi pa nagagamit.
Unti unti akong lumapit.
Bahala na!
“Sa'yo ata ito, napulot ko.” seryoso kong saad sa kanya.
“Ikaw si--”
Kinuha ko na lang ang kamay niya at inilagay iyong pera.
“Ha? Pero hindi naman--”
“Anong pangalan ng father mo?”pagpuputol ko sa sinasabi niya.
“Jules Ditan, b-bakit?”
Nagkibit-balikat lang ako at nagsimula nang maglakad ulit papuntang gym.
Masyado atang obvious, tama ba iyong ginawa ko? Dapat ata ibinato ko na lang. Tiyak na magtataka iyon, hindi ko naman ugaling makipag usap sa iba.
Sablay!
Magulo pa rin ang isip ko hanggang makapasok ako sa gym, lumingon naman silang lahat sa'kin. Nagpupunas ng pawis iyong lima, halatang pagod na pagod.
“B-Beshie..”
Andito na rin pala si Trisxh. Ako ang tinawag niya pero sa likod ko siya nakatingin. Weird.
“Coach, bakit kasama mo sila?” tanong ni Adrian.
Huh?
“Bagong recruite mo coach?” tanong naman ni Mr. kamay.
“Wow, water boy at chix para sa'kin? Bait mo naman coach.” turan naman ni manyak.
Ano bang pinagsasabi nila?
“Troy! Anong ginagawa mo dito?” turan naman ni Mr. Late
Lumingon naman ako sa likod ko.
Sila? Hind ko namalayan na sinoondan pala ako ni nerd at ni flower girl.
Nakita kaya ni nerd iyong ginawa ko?
Tiningnan ko lang sila. Tinitigan lang din naman nila ako, ngumiti at..
.
.
.
.
.
Tumakbo palabas.
“Anyare?” tanong ni manyak.
Umiling na lang ako at umupo sa bleacher. Dati naman wala akong pakialam sa paligid ko, bakit ngayon unti-unti ko na atang napapasok ang mga buhay nila.
Ano bang nangyayari sa'kin?
Nagiging weird na rin ata ako.