CHAPTER 13 - THE PERIODICAL EXAM

937 Words
RISH's POV   It's our Examination days. Maaga sana akong papasok kanina pero tinanghali ako ng gising. Kaya pinauna ko na si Trisxh, mag-aaral pa daw sila kaya maaga silang papasok noong apat na weirdo.   Pagpasok ko ng gate, ang dami na namang estudyanteng hindi pinapasok.   “Alam niyong  mag-eexam kayo, hindi kayo nagsuot ng tamang uniform. Sinasayang niyo lang ang  pera ng mga magulang niyo!” narinig kong sermon ng guard sa mga lalaking naka-rubber shoes at nakamaong pants.   “Manong, naiwan ko po ID ko, hindi na po ako makakabalik, malayo pa po ang bahay namin.” hinaing naman noong isa. “Itatanong ko sa home room teacher mo, pakifill-up nito..” sagot naman noong guard.   Wala akong mapapala kung papanoorin ko pa sila kaya naglakad na ako papunta sa building namin.   Papunta akong E Building, dahil daw sa ako si Ms. Perfect sa library ako mag-eexam, alone. One on one kami noong librarian na siyang magbabantay sa'kin. The principal and the teachers agreed with this set-up para daw maiwnasaan ang leakage at copy-paste. Ganito pala kahigpit sa public school.   Madadaanan ko ang X Building, kung nasaan ang gym, sakto naman na lumabas si sunget. Ang alam ko sa Wednesday pa magreresume iyong practice kasi nga two days iyong Periodical exam.   “Where are you going?” tanong ni sunget ng makita niya ako “Library..”   Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa relo.   “Why? Magstart na ang exam.” “Doon ako mag-eexam.” “Okay..” tugon naman niya. “Hatid na kita.”   I gave him a Why? look. Nagkibit-balikat lang naman siya.   “No need..” sabi ko. “I insists..” “Nah.. I can manage.” “But i want to.” “Tsk..”   Nauubos na ang pasensya ko sa lalaking ito. Bakit ba ang kulit niya.. hindi naman kami close para mag-inarte siya ng ganyan..   Tiningnan ko siya ng masama. Nginitian lang naman ako.   The heck.   Kung ordinaryong babae lang ako, siguro naramdaman ko na iyong tinatawag nilang kilig. First time niya lang kasing ngumiti. Pero dahil hindi ako ordinaryong babae, naaasar lang ako lalo.   Ano bang nakain nito at ngumingiti ngayon?   “Why are you staring? I know I'am handsome, crush mo na ako niyan?” then he smirked.   Kapal. Crush? Infatuation?   Hindi ba niya alam na wala sa vocabulary ko iyon. Tsk..   At dahil inuubos niya ang pasensya ko.. . . . . . Sinipa ko siya.   “Aw!” daing niya at napahawak sa tuhod.   Tiningnan ko lang siya. Then I walked out.   Agang aga, sinisira niya ang araw ko!   “Amazona!” pahabol pa ni sunget.   Hindi ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya!     Nakarating na ako sa library. 5 minutes na lang pala at magstart na ang exam. Umupo na lang ako.   “Ms. Montero? Ready ka na ba?” tanong noong librarian.   Tumango naman ako.   “Here's the test paper.. Mathematics muna..you have 1 hour to finish it. Approach me when you're done, so that you can proceed to the next subject..”   Tinanggap ko naman ang test paper at nagsimula ng magsagot. Pasulyap-sulyap lang siya sa'kin, just checking on me, I guess. Nagfocus na lang naman ako sa pagsagot and after 15 minutes, I'am done. So I called her.   “Tapos ka na agad?”   Tumango lang naman ako. She scanned my test paper. Palipat-lipat siya ng tingin sa test paper tapos sa'kin.   I can't blame her.  100 items kasi iyon, tapos halos lahat problem solving pa.   “Okay, here's the next subject..”   Inabot niya sa'kin iyong test paper sa Economics. Wala na siyang sinabi at bumalik na lang sa pwesto niya. Sinagutan ko na naman agad iyon. May ibang items na hindi ko matandaang nadiscussed sa'min, like Decision Making and Cost-Benefit Analysis. Maybe, wala pa kami ni Trisxh noong nagdiscussed siya, mabuti na lang nabasa ko na ang tungkol dito.    Natapos ko din agad iyong exam. Gulat na gulat pa ang librarian ng muli ko siyang tawagin.   “Mam, pwede po bang itake ko na lahat ng exams?” I asked.   8 subjects lang naman iyon. 4 ngayon, 4 bukas. Sa tingin ko naman kaya ko ng mag-exam. sabi nga nila, kung kaya mo ng gawin ngayon, bakit kailangan pang ipagpabukas?   “Sigurado ka?”   Tumango naman ako.   “I'll asked the Principal first..” then kinuha niya iyong cellphone niya at tinawagan si Ms. Principal.   Hawak niya pa rin iyong test papers ko. She's still scanning it.   After 10 minutes, ibinababa na niya iyong phone, then lumapit siya sa'kin.   “Pumayag naman siya, hintayin na lang natin iyong mga test papers..” she said, then bumalik na siya sa pwesto niya.   Napatingin naman ako sa paligid, may napansin ako isang CCTV. Kaya siguro dito ako pinag-exam. Mukhang kumpleto rin sila sa mga books. May mga encyclopedia pa. Malaki rin kasi iyong library. Pero mas malaki pa rin iyong library ni lolo. Bookworm kasi iyon at sa tingin ko iyon ang namana ko sa kanya. After 15 minutes dumating na iyong test papers, then binigay na sa'kin ni Ms. Librarian. She reminded me na wag daw magmadali, mahaba pa naman ang oras.   Inuna ko muna iyong Physics, then English, Filipino, History, TLE and Computer subject.   After 2 hours, natapos ko na. Natulala naman iyong librarian.   I just ignored her.   Bumalik na lang ako sa upuan ko.   Inaantok ako.   Ok lang naman sigurong matulog. Hindi naman siguro ako palalabasin, nag-eexam pa kasi ang mga estudyante. I yawned. Umupo ako ng maayos, inilagay ang mga braso ko sa table, then pinatong ko ang ulo ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD