TRISXH's POV
Monday..
Periodical exam na. Obviously, hindi natuloy iyong group study namin noong Saturday, dahil nga sa pagkalunod ko.
Thanks to Beshie, I am still alive.
After Beshie saved me, nagcollapse siya dahil na rin siguro sa pagod at takot. Gabi na rin siya nagkamalay. Kumain lang siya ng dinner then nagpahinga na ulit.
Kami naman ng girlfriends ko, after namin masecure na ok na si Beshie, nagpahinga na rin kami. Sa bahay ko na sila pinatulog.
Yesterday, pinilit talaga namin na makapagreview. Habang nagrereview kami, si Beshie, nanonood lang ng favorite show niya. Spongebob! Buti pa siya hindi na niya kailangan mag-aral, tamang basa lang ng notes then voila, memorize na agad niya. Thanks to her photographic memory.
”Ouch!” saad ko ng may matigas na bagay na bumangga sa'kin. Naglalakad kasi ako sa hallway papuntang room.
“You didn't tingin kasi sa dinadaan you eh!” hirit noong isa.
“She's tama!” segunda naman noong isa.
“Look oh, you make dumi na my precious bag! Dumikit na sa dirty balat mo..” saad naman noong nabangga ko.
Sakit ng ilong ko!
Sa bag pala tumama, bakit kasi iwinawagayway..
“S-sorry..” wika ko naman.
“What's your sorry, if you already dumi her bag..”
May mga warfreak at coniyo rin pala sa public school? Tiningnan ko naman iyong bag. LV iyong tatak.. Pero alam ko namang fake iyon, collection ni mommy ang mga LV bag kaya alam ko kapag genuine.
“Babayaran ko na lang?” hindi ko siguradong saad.
Hindi ko naman talaga alam kung anong dapat gawin.
“What? Do you think you can bayad us?” - alalay 1.
“She's tama, you didn't alam how much ang bag na yan..” – alalay 2.
“Right, hindi mo afford kaya don't alok na lang..” – lider
“Okay?” wika ko naman.
Ako ang nahihirapan sa pagcoconiyo nila.
Lalakad na sana ako ng biglang hawakan noong dalawa iyong mga braso ko.
Oh-oh..
I smell trouble..
Masyadong mahigpit ang pagkakahawak noong dalawa, kaya kahit anong pagpupumiglas ko, hindi nila ako pinapakawalan. Kinakaladkad na nila ako sa likod ng building.
May mangilan-ngilang estudyanteng nakakakita pero mukha namang natatakot silang makialam, kaya patay-malisya na lang sila at kunwaring walang nakikita..
Gosh! Nakaligtas nga ako sa pagkalunod, pero mukhang ngayon na talaga ako susunduin ni kamatayan. Walang Beshie na magtatanggol sa'kin ngayon!
Unti-unti ng namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Why I am so weak?
ADRIAN's POV
*hikab* *hikab*
Inaantok pa ako. Kung hindi lang Periodical Exam ngayon, hindi ako papasok. Mukhang male-late pa ako. Bakit ba hindi na lang ako nagpahintay kay Karl noong dumaan siya kanina sa bahay. Makakatipid pa sana ako sa gasolina noon.
Habang naglalakad ako papuntang room, ang dami na namang babaeng bumabati. At dahil ako si Adrian Pascua, kailangang magsmile.
“waaaaaaaahhh, ngumiti siya!” – girl 1
“ihhhh! Kilig grabe!” – girl 2
“I'am gonna die! I'am gonna die!!!!” – girl 3
“Mapeperfect ko na ang exam nito!” – girl 4
“Naiiyak ako sa kilig!” – girl 5
Ayan, nakapagbigay pa ako ng good vibes ngayong araw na ito.
Pag-akyat ko ng 4th floor, napansin ko ang grupo nina Helena.. ang Coniyo Queen ng EXONHS. Tsk, mukhang may binubully na naman sila. Sinabi ko na kay Xander na ikick-out na ang mga ito ah. Dapat pala kay Dad ko na lang binanggit, shareholders din kasi ang pamilya naming apat sa school naito. Simula first year, dito na kami nag-aral, wala namang batas na nagsasabing bawal mag-aral ang mga mayayaman sa public school di ba?
And besides, I can assure you na quality education ang makukuha niyo dito. We accept scholars itoo. May ime-maintain ka nga lang na grades. Kaya kadalnasaan, nasa section A, iyong mga scholars. Kaya enrol na!
Anyways, dahil ako si Adrian Pascua, sinoondan ko ang grupo nina Helena na nagtungo sa likod nitong building. Kung may daan papuntang rooftop, may daan din pababa ng building, so I guess.. dun sila pupunta.
Mukhang late na talaga ako makakapunta sa room nito. Di bale na nga, ang mahalaga, makatulong ako.
Naabutan ko sila sa likod ng building na walang dumadaan at malayo sa faculty. Hindi ko makita iyong mukha noong binubully.. natatakpan na kasi ng buhok niya, pero naririnig ko ang mga hikbi niya.
Nakaupo siya sa damuhan at parang nanginginig na..
”And now you're iiyak-iyak there..” wika ni Fem, kasama ni Helena.
“Yeah, natatakot na ba you sa us?” hirit naman ni Gem, kakambal ni Fem.
“It's your kasalanan, you make dumi may bag, you hindi tingin sa way..” turan naman ni Helena, “Girls, you start na! you make her kalbo! Here's the gunting..” utos niya, sabay abot ng gunting sa dalawa niyang kasama.
Bago pa makalapit iyong dalawa sa babae, nagpakita na ako sa kanila.
“ahem.. anong meron?” bati ko sa kanila.
O_____o
^______^
*O*
Reaction nila at akmang susugudin nila ako ng yakap.
“Anong meron?” ulit ko in a serious way.
Nakita ko namang pasimpleng tinago noong dalawa iyong hawak na gunting. I crossed my arms and lean on the wall while waiting for their explanation.
“We're just having saya here” masaya pang saad ni Helena.
Tumango-tango naman ako.
“So, who's that girl?” turan ko.
“Ah-eh..” wika ni Fem, sabay tingin kay Helena.
“Ahmm..” turan ni Gem, then tumingin din kay Helena.
“Helena?” saad ko, mukhang siya lang naman ang pwedeng makasagot.
“Nothing, she's there na, when we dating here.. di ba girls??” turan ni Helena.
Tumango naman iyong dalawa.
“I see.. then, what's this?” I show them their video a while ago.
Tama po kayo.. dahil ako si Adrian Pascua, kinuhanan ko sila ng video kanina.
Namutla naman ang tatlo at hindi na mapakali.
“Gotcha!” nakangiti kong turan sa kanila. “Umalis na kayo!”
Pagkasabi ko naman noon, halos magkandarapa na sila sa pagtakbo. Iiling-iling na lang ako at nilapitan na iyong babae.
“Hey! ok ka lang?” turan ko habang tinatapik iyong balikat niya.
Nag-angat naman siya ng tingin at inayos iyong buhok niya.
“Adrian/Trisxh?!” sabay naming saad.
Pagkakataon nga naman, siya pala iyong magandang bestfriend ni coach. Maganda naman talaga siya. iyon nga lang kapag tumatabi siya kay coach, pangit na siya. I mean, iyong kagandahan kasi ni coach, walang kapantay!
Kabaligtaran talaga siya ni coach, kung amasona si coach, parang Maria Clara si Trisxh. Kung tahimik at serious si coach, maingay at bubbly naman siya.
“Bakit ka naman nagpapaapi sa mga iyon?” tanong ko habang inaalalayan siyang tumayo.
Nahawakan ko tuloy mga kamay niya. Ang lambot!
“Ha? Natakot kasi ako..”
“Paturo ka kasi kay coach ng flying kick..” saad ko.
“Hindi naman ako sporty na tao.. saka nnasaanay lang ako na laging andyan si Beshie para ipagtanggol ako..” naiiyak na turan ni Trisxh.
Naalarma naman ako, kaya bago pa tumulo ang mga luha niya, pinoonnasaan ko na, mukha namang nagulat siya at napatingin sa'kin. Inaalis ko rin ang ilang hibla ng mga buhok na nasa mukha niya.
“Hayaan mo, simula ngayon, dalawa na kami ni coach na magtatanggol sa'yo..” seryoso kong saad habang nakatingin sa mga mata niya.
Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hawak ko ang mukha niya. Hindi ko alam kung anong sumanib sa'kin, pero unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kanya. Inaamin ko naman. Attracted na ako sa kanya simula noong ipinakilala siya sa'min ni Jake. Hindi man siya kasing ganda at kasing talino ni coach. Siya pa rin iyong tipo kong babae, iyong gugustuhin mong alagaan at mahalin sa abot ng makakaya mo.
At ngayon, Ipinapangako kong poprotektahan ko siya at hindi ko na siya hahayaang umiyak at masaktan.
Habang nakatingin ako sa mga mata niya, wala akong ibang naririnig kundi ang lakas ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ba ako?
3 inch closer..
Tumatama na iyong hininga niya sa mukha ko. Mukhang kinakabahan din siya.
2 inch closer..
Naaamoy na namin ang hininga ng isa't isa. Mabuti na lang nagjudge ako kanina. Fresh breath!
1 inch closer..
Nang biglang..
.
.
.
.
Tumunog ang school bell.
=_____=
Halos sabay kaming napatayo ng tuwid at umiwas ng tingin sa isa't isa. Pareho din kaming namumula.
“Let's go? Hatid na kita sa room mo” yaya ko, para mabawnasaan ang awkwardness.
Tumango naman siya. Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Ayaw ko namang magsorry kasi, gusto ko naman talaga iyong sana'y gagawin ko. Sincere naman ako. Hindi naman ako manloloko. Ako pa nga niloloko.
Pero, baka naman iniisip niya na masyado akong mabilis. Baka nabastos ko na siya. Napakamot na lang ako sa batok ko. Hindi ko alam ang gagawin.
“A-Adrian..” tawag niya sa'kin, andito na pala kami sa room niya. “salamat” nakangiti niyang turan.
Ngumiti siya. Ang ganda niya talaga. Napangiti na rin tuloy ako.
“No worries, good luck sa exam ah.”
“Sige, ikaw rin”
“Salamat.. pasok ka na..”
“Ha? ah.. sige, salamat ulit.”
Tumango lang ako at hinintay siyang makapasok bago ako pumunta sa room ko. Mukhang makakapasa ako sa exam nito ah!