CHAPTER 11 - SOMETHING NEW

1264 Words
RISH's POV   Tsk. Ang ingay. Anong oras na ba?   Tiningnan ko ang alarm clock kong spongebob. 8 AM pa lang.   Antok pa ako.   Pinikit ko ulit ang mga mata ko at nagtakip ng unan, para hindi ko na marinig ang ingay sa baba. But I failed. Sino ba iyong mga nagtatawanan? Hindi ba nila alam na may natutulog.   =_____________=   Wala na akong nagawa. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at lumabas.   “Waahh, ang laki ng tv!” turan noong payat habang yakap-yakap iyong flat screen TV. “Tingnan niyo dali! Ang ganda ng swimming pool!” wika noong maliit habang nakadungaw sa bintana. “Nakita ko ang kusina nila, ang laki ng ref, ang daming laman!” humahangos naman na saad noong laging nagte-text. “Ang ganda ng ilaw, kumukuti-kutitap!” nakatingala naman sa chandelier na wika noong chubby.   Bakit ang aga namang manggulo ng mga ito. Excited magreview?   *iling* *iling*   Mukhang malabo. Knowing them, excited lang silang manggulo.   Bakit ba nagkaroon ng mga kaibigang weirdo si Trisxh?   “Tingnan mo oh, pwede na tayong magsalamin sa kintab ng tiles nila.” turan noong payat na kumuha pa ng powder sa bag niya at nanalamin sa floor. “Oo nga noh.” sang-ayon naman noong laging nagte-text, then umupo siya sa sofa. “Ang lambot!!!” then, nagsimula na siyang tumalon-talon sa sofa. “Ang bango ng door mat oh ..” wika noong maliit at inamoy-amoy pa iyong door mat. “Tingnan niyo, may CCTV” sigaw naman noong chubby.   Pagkarinig naman noong tatlo, agad agad silang lumapit kay chubby at nagsimulang magpacute habang nakatingala sa CCTV.   Nasaan ba si Trisxh? Bakit iniwan niya iyong apat na ito dito?   “Ms. Perfect!” sigaw ni chubby at itinuro pa ako.   Andito lang kasi ako sa may hagdan, pinanonood ang pagiging wild ng apat na ito.   “Ang ganda niya pa rin kahit bagong gising.” turan noong payat. “Ang cute ng pantulog niya, spongebob!” wika naman noong maliit. “Fresh pa rin siyang tingnan oh!” hirit naman noong mahilig magtext.   Hindi pa ako nakakapaghilamos. Hindi pa rin ako nakakapagtoothbrush. Sabog sabog pa rin iyong buhok ko. At nakapantulog pa ako.   Ang galing nilang mambola!   “Beshie, gising ka na pala.” bati ni Trisxh, na galing sa kusina. “What time ka umuwi? Palagi ka na lang ginagabi..” “Talaga? Baka nakikipagdate na si Ms. Perfect!” hirit noong payat. “Naku, kailangan nating subaybayan iyong magiging love story niya..” saad noong chubby. “Oo nga, as her fan girls, kailangan alam natin ang bawat galaw niya..” wika naman noong maliit. “Hindi ba parang stalker naman tayo noon..” turan naman noong text addict. “Ay hindi ah! Pang pangit lang kaya iyong stalker, admirers tayo..” puna naman noong chubby.   Bigla na lang silang naupo sa isang sulok at tila nagmemeeting na parang wala kaming dalawa ni Trisxh dito.   “Mag-ayos ka na Beshie, breakfast is ready.” saad ni Trisxh.   Tumango na lang ako at umakyat pabalik sa kwarto ko.     After ng magulong breakfast, nagtakbuhan na iyong apat sa pool. Parang ngayon lang sila nakakita noon, naiiling na lang ako habang nakatingin sa kanila.   “Ang saya nila di ba Beshie.” saad ni Trisxh na nasa tabi ko na pala.   Tumango lang naman ako.   “Nagtanong sila kanina, sinabi ko na lang na si Lolo iyong may-ari nito tapos pinapatira lang tayo habang nag-aaral sa EXONHS. Gulat na gulat kasi talaga sila noong makita itong bahay, masyado daw kasing malaki.” paliwanag ni Trisxh.   Para sa kanila malaki na itong bahay, paano pa kaya kapag nakita nila iyong mismong bahay ni Lolo?   “Hindi ako nagsisisi na lumipat tayo sa public school, kasi nakilala ko sila, mga totoong tao..” seryosong pahayag ni Trisxh.   Napalingon naman ako. Minsan lang ito magseryoso.   “Mga totoong kaibigan sila Beshie, sana buksan mo rin iyong puso mo para sa kanila.. katulad ng pagtanggap mo sa basketball team. Nararamdaman ko naman na kahit pagod ka sa pagpapractice, masaya ka. Ibinibigay mo iyong puso mo sa kanila. Hindi ko alam kung bakit gabi ka na nakakauwi, pero kung anuman yan, alam ko.. masaya ka. At iyon ang importante, ang makita kang masaya.”   Pagkatapos niyang sabihin iyon, lumabas na siya at sinamahan iyong apat na nagbabasaan na sa pool..   Masaya? Kailan ko nga ba huling naramdaman iyon? Kailan ba ako huling sumaya?   Simula ng gabing iyon, hindi ko na narannasaang sumaya. Kahit pagngiti, hindi ko na nagagawa. Para saan pa? Kulang na ako. Wala ng dahilan para sumaya at wala akong karapatan para sumaya.   Napabuntong-hininga ako.   Ayaw ko na sanang maalala, pero kahit anong paglimot ang gawin ko, sinusundan ako ng trahedyang iyon. Kahit sa murang edad, malinaw na malinaw kong natatandaan ang lahat. Ang pinagmulan ng sakit at pagdurusa. Ang pagkawala ng lahat sa akin. At ang dahilan, kung bakit kailangan kong magtago sa apelyidong Montero.   Naputol ang pag-iisip ko ng narinig ko ang sigaw noong apat.   “Trisxh!”   Kumabog ang dibdib ko at dali-dali akong lumabas at pumunta sa pool.   Lahat sila nakalubog na sa pool.. pinipilit nilang sumisid.   “Anong nangyari?” tanong ko.   Sabay-sabay naman silang lumingon sa akin, nangangatal at halos naiiyak na. Lalo akong kinabahan, hinanap ng mata ko si Trisxh. Wala siya.   “Si T-Trisxh kasi----” nangangatal na saad noong payat. “Lumalangoy lang kami, tapos--” wika naman noong maliit.   Lumalangoy? Hindi marunong lumangoy ang babaeng iyon?!   Agad-agad akong tumalon sa pool at sumisid. Dinig na dinig ko ang malakas na t***k ng puso ko.   5 ft.   Wala sya. Hindi ko siya makita.   Hindi ko na nagawang umahon para sana huminga. Dumiretso na ako sa malalim na part ng pool.   10 ft.   Luminga-linga ako. Nararamdaman ko nang kakapusin na ako. Kailangan ko ng huminga.   Pero, Si Trisxh.. Kailangan ko muna syang makita.   Ipinagpatuloy ko lang ang pagsuyod sa parteng iyon ng pool.   After several strokes, thanks God.. I found her.   Wala na siyang malay, kaya dali-dali ko siyang pinoontahan. Ibinigay ko na ang lahat ng lakas ko, para maiahon siya.   Fortunately, nagawa ko naman bago pa ako maubusan ng hangin.. tinulungan ako ng apat na maiahon at maihiga si Trisxh sa gilid ng pool. Ramdam ko ang unti-unti kong panghihina dulot ng pagod at kaba.   “Trisxh.. wake up..” saad ko habang tinatapik ang pisngi niya.   iyong apat, umiiyak lang naman habang hawak ang kamay ni Trisxh.   I pumped her chest para lumabas iyong mga nainum niyang tubig. I know she will be safe.. she's strong at hindi lang ang pagkalunod ang papatay sa kanya. Ilang beses ko pang ginawa iyon bago siya tuluyang magkamalay..   I sighed in relief.   “Trisxh! Tinakot mo kami!” umiiyak pa ring wika noong payat. “Okay ka na ba?” tanong naman noong text addict.   Tumango naman si Trisxh at tumingin sa'kin.   She wiped something in my face. Hindi ko pala namalayan na umiiyak na ako.   Umiiyak ako dahil akala ko, may mawawala na naman sa'kin.   “Thank you Beshie, sorry kung pinag-alala kita..” Trisxh said, while hugging me. She's crying too.   Ilang minuto din kaming nanatiling ganoon, nakayakap siya sa'kin tapos ako, tulala pa rin.   “Group hug!” saad ni Trisxh kaya nakiyakap na rin iyong apat na makukulit.   At that moment, I can't feel the emptiness anymore.   I think.. This is a start of something new..   New friendship.. New realization..   Then, unti-unti nang pumikit ang mga mata ko, bumigay na rin ang katawan ko.   Hanggang sa.. . . . Nilamon na ako ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD