RISH's POV
Hindi ko na sila hinintay, dumiretso na ako sa canteen at pumila na agad ako.
“Si Ms. Perfect oh..” bulong noong babae sa unahan ko.
Ms. Perfect? Tsk. Kumakalat na ang kaweirduhan ng apat na iyon.
“Ay oo nga, ang ganda niya sa malapitan” sagot ni girl 2.
“Papicture tayo.” – girl 1.
Ano ako artista?
“Naku, baka masungit.” – girl 2.
Oo, masungit talaga ako lalo na kapag gutom.
“It's your turn..” saad ko dun sa babae, sa'kin kasi nakatingin kaya hindi niya namalayan na siya na iyong nasa unahan ng pila.
“Mabait naman pala!” – girl 2
“Ikaw na mauna.” – girl 1
Ano daw? Ako na? Okay.
“Thanks..” saad ko at pumunta na sa unahan. “1 cup of rice, fried chicken, spaghetti, ahm.. 3 pieces noong puto, then chuckie..”
O_________o
– iyong tindera at iyong dalawang babae na nasa likuran ko na ngayon.
Walang pakialaman ng order!
Kinuha ko na agad iyong tray noong food at magbabayad na sana..
“Manang! Ako na magbabayad niyan!” sigaw ni manyak na nakapila na pala sa may likuran, kasama iyong ibang players, si Trisxh at iyong apat. “Upo ka na dun coach, apology gift ko na 'yan..” sabay turo sa isang table na may nakalagay na reserved.
Tumango lang ako at naglakad na papuntang table. Pagkaupo ko, sinimulan ko ng kumain.
Kain lang ako ng kain at ramdam ko na naman ang tinginan ng mga tao. Para na naman siguro akong patay-gutom kung kumain.
“Coach! Dahan dahan lang.” saad ni snow guy (maputi kasi..) habang umuupo.
Nakaorder na pala sila. Tumabi sa'kin si Trisxh.
“Ibang klase ka coach, may balak ka bang sirain ang mga mukha namin..” wika naman ni Smiley (lagi kasing nakasmile..)
Napatingin naman ako sa kanya. May pasa nga siya sa bandang labi.
Tiningnan ko rin iyong iba.
Ganon ba kalakas ang pagkakasipa ko at lahat sila ay nagkapasa?
“Kasalanan niyo, nagboxing kasi kayo..” turan ko sabay inum ng chuckie.
“Sorry na coach. Promise, hindi na kami uulit.” turan naman ni Mr. Dimples.
“Bakit pati ako nadamay?” tanong naman ni sungit.
“Nakaharang ka kasi..”
“Psh..” wika ni sungit, sabay hawak sa may panga niya.
“Pero coach.. astig ka!” wika ni gangster (mukha kasi siyang gangster).
“Oo nga.. ikaw iyong transferee na walking encyclopedia di ba?” tanong naman ni kapal kilay.
Nagkibit-balikat lang ako.
“iyong nakaperfect sa madugong entrance exam?” tanong naman ni saint guy.
“oo bro, siya iyon!” sagot naman ni Mr. Kamay
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
“Ikaw babe, transferee ka rin di ba?” tanong ni manyak kay Trisxh.
“babe?” taas-kilay nitong saad.
“Supalpal ka bro! hahaha” turan ni Smiley.
“magkaibigan nga kayo ni coach.” saad ni manyak
“wala ka bro, hindi na umaapekto charms mo..” biro ni Mr. Kamay
“basted bro! haha” segunda ni Mr. Late.
Ang iingay nila..
Samantalang iyong apat, parang maglalaway na sa kakatitig sa mga lalaking ito.
“T-teka.. hindi ko pa alam pangalan ni coach, Ms. Montero lang ang alam ko.. “ bulalas ni emo guy
“Ako din.. ano nga ba?” segunda ni gangster.
“Pakilala ka naman coach, papakilala din kami.” wika ni Smiley
“Saka iyong bestfriend mo coach, at etong apat na scorer, hindi pa namin kilala..” hirit ni snow guy
“Tama.. para naman maging friends na tayong lahat.” saad naman ni kapal kilay.
“Nakilala na namin si Trisxh at si coach, iyong apat, hindi pa..” turan naman ni saint guy.
“Pakilala daw kayo..” saad ko dun sa apat, sabay kagat ko sa hawak kong puto.
“Hello, Chelle at your service..” saad ni payat.
“Musta, Crisel here..” turan naman ni taba.
“Melai..” saad noong adik sa text..
“Mely.. ng buhay niyo..” wika naman ni liit.
Tapos tumayo sila at nagpose.
“At ako naman si Trisxh!” wika ni Beshie na tumayo at sumama sa pose noong apat.
Masama na ito, nahawa na si Beshie sa kaweirduhan noong apat.
“hahahahahahah” tawanan naman ang mga players na ito, sabay palakpak pa.
At iyong lima, nagbow pa at flying kiss bago umupo.
“Ayos! Hindi nasayang iyong pagpapractice natin..” saad noong payat, at nag apir pa sila.
Iiling-iling na lang ako.
“Oh coach, ikaw naman.. magpose ka rin ha!” wika ni manyak.
Tiningnan ko siya ng masama..
“Airish Montero..” maikling saad ko.
“Coach, oh..” nakangiting wika ni Mr. Late habang inaabot iyong chuckie.
Tamang-tama, ubos na ang chuckie ko!
“Ayon oh! Dumidiskarte si Jake kay coach!” bulalas ni Mr. Dimples.
Dumidiskarte?
Siniko naman ako ni Trisxh, para saan naman iyon?
Inabot ko na lang iyong chuckie at itinuloy ang pagkain. Kapag kasama mo ang mga maiingay na ito, hindi mo maeenjoy pagkain.
”Ah coach, papakilala na kami..” singit ni emo guy.
Tumango na lang ako, kilala ko na naman sila.
“Darwin.” wika ni kapal kilay.
“James *wink*” – Mr . Dimples
“Gian.” – gangster
“Hans.” – Smiley
“Lanz “ - emo guy
“Justine” – snow guy
”at kami ang.. Bench boys!” sabay sabay nilang saad.
Bench boys?
“Palagi kasi silang babad sa bench every time may game..” paliwanag ni saint guy.
Magagaling rin naman sila ah.
“Pero gwapo pa rin kayo kahit hindi kayo naglalaro.” hirit ni payat.
“oo nga!” segunda naman ni liit.
“Wow.. thanks girls!” turan ni Smiley.
“Coach, gusto mo pa ng food?” tanong ni Mr. Late
“yun naman talaga oh! Diskarte kung diskarte!!!” sita ni manyak.
Umiling lang ako at napatingin kay sungit.
Na..
Nakatingin rin pala sa'kin.