Chapter 1: Who Is Alliyah

2738 Words
Alliyah "Hey!" I heard someone at m Alliyah y back but I didn’t mind baka naman kasi hindi ako ang tinatawag nito and duhh I have my name– "Alliyah! Wait for me!" When I turn my head I saw her running next to me. Para itong hinahabol ng kung sino dahil sa pawis sa kaniyang noo. "Bakit parang hinahabol ka naman ng aso diyan, Rhenalyn?" I asked her and lumapit pa sa kaniya ng kaunti para iabot ang aking panyo na nasa bulsa ng aking palda. "Duhh, tinatawag kasi kita kanina pa pero para kang binging maya." She raised her eyebrows at me while catching her breath. Napakamaldita talaga nitong babae na 'to. "I have my name, Rhenalyn. Don't hey me" Sabi ko sa kan'ya at tumalikod na para naglakad na ulit. Konti nalang ang lalakarin ko at nasa school na ako. Being 17 years old and in senior high school student, it's really hard na mag commute lalo na at hindi pa naman ako maalam sa mga byahe dito. We just moved out here in Malabon, Manila from Bulacan. My mother and father had divorced when I was six years old because my father had a mistresses. Yes, mistresses. Such an asshole and womanizer na wala namang pera. The things were going just fine for me. Si mama ang nag alaga sa 'ming tatlo na magkakapatid na wala pang mga asawa. Actually, I have five siblings, my oldest brother and two sisters are already married and have their own family. Hindi kami umaasa sa kanila pagdating sa financially needs namin dahil alam din naman namin ni mama na may kaniya kan'ya na silang panangailangan sa kanilang pamilya lalo na at may mga anak na din ito. Kaya naman si mama ang nagtatrabaho at nagtataguyod sa 'ming tatlong magkakapatid, my big brother, ako and ang bunso naming kapatid na lalaki. Kami talaga ay from San Rafael, Bulacan doon ang aming hometown pero simula noong magkahiwalay ang parent namin at sabay pa na naospital ang bunso namin ay pinasira ni mama ang bahay para ang mga bubong, bakal at ibang gamit sa bahay ay maibenta para pambili ng gamot sa ospital. If I'm not mistaken that time I was just nine years old but the attention I wanted? None. But it's all fine, bata pa ako noon at walang alam sa mga nangyayari ang mahalaga lang sa akin ay kung papaano makakakain at mapapatulog ang tita ko na nag talaga sa amin noon para tumakas at makipaglaro sa mga kapwa ko bata. Naalala ko pa nga noon ay kapag nakikita or naaabutan ako ni mama na nakikipag laro sa mga bata sa kalsada ay binubugbog ako nito. "Ma, *sobs* aray! Tama na po *sobs*" Humahagulgol kong pakiusap dito habang pinapalo ako nito sa aking puwetan dahil naabutan na naman niya ako na naglalaro sa labas ng bahay. "Punteya ka talagang bata ka!" Nanggagalaiti nitong sambit at naramdaman ko na naman ang pagpalo ng kahoy sa aking puwetan. "Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo! Wala kang kwento, mana ka sa tatay mo!" Ang mga kalaro ko na bata ay nakatingin lamang sa akin, kita ko sa kanilang mga mata ang awa. Patuloy na lamang akong umiiyak habang hawak ng aking ina ang aking buhok at kinakaladkad pauwi ng bahay. When I was a kid, all I wanted is to be loved and care from my mother, but she failed to give it to me. Until my high school life came, halos hindi na kami nagkakausap dahil na din stay in ito sa kaniyang trabaho bilang caregiver. Nagpapadala naman siya ng pera, sakto sa pagkain, pambayad sa tubig at kuryente. At kung minsan kapag nasa mood s'ya nagbibigay siya ng extra para pang gastos gastos ko din. Pero hindi ko ito ginagalaw, iniipon ko lang. I know my mother, mahilig siyang magbilang, I mean 'yong para bang kasalanan pa namin bakit may pangangailangan kami sa school at hindi na daw niya iyon responsibilidad basta ang mahalaga sa kaniya ay nagbigay ng pagkain at tubig, kuryente. Kaya naman napasama ako sa iba't ibang grupo, napabarkada at sumali sali sa mga fraternity. Because I thought all my life was a trash and mess. 'Yong hindi ko nakukuhang attention sa family ko ay hinanap ko sa iba. "Oh, Jane, ano ready kana?" It's Marco, isa sa tinuturing kong kaibigan na lalaki. "May choice ba ako? Bobo mo." Sagot ko dito at tsaka nagpatuloy pumasok sa isang iskinita dito sa Baseco coumpound. Nginingitian ako ng mga nakakakita sa akin na kasing edad ko din pero hindi ko sila pinapansin at patuloy lang sa paglalakad habang ang mga kamay ay nasa aking dalawang bulsa. Ayokong makipag ngitian sa kanila dahil gagawin nila iyong kahinaan ko. Tsk! Dirediretso lang ang lakad ko habang nasa gilid ko si Marco, humihithit ng sigarilyo. Binigyan n'ya ako kanina pero tumanggi ako dahil bagong paligo ako at may pabango ako. Hahalo sa usok at kakapit sa damit. At hindi ko gusto ang gano'n. "Akin na nga 'yan! Tangina nito mandaraya." "Gago, akin nalang si Eliza ganda pa naman" "Putangina ka lumayas ka sa pamamahay ko! Manloloko!" "Hoy gago patay na daw 'yong nakatira doon sa kabilang looban?" Ganiyan, ang maririnig mo sa isang lugar na kagaya nito, pero lahat naman dito ay pamilya ang Turing sa isa't isa depende nalang kung tatraydurin mo sila dahil uunahan ka nila na mapatay ka. Ganoon ang buhay dito, tiwala lang at magiging matiwasay ang pamumuhay mo. Sempre, depende ulit kung magpapadala ka sa mga adik dito. Sanayan nalang dito na makakita ka ng tumatakbo habang may tama ng baril o kaya naman bangkay sa kalsada. Nang nasa malapit na kami sa tabing dagat ay tinapon na ni Marco ang kan'yang sigarilyo at nakipag tanguan sa mga lalaki at babae na naroon din habang ang ilan ay naliligo sa dagat. "Hoy mga gago andito na sila." "Wooah! Ganda, a." "Hoy bago lang 'yan, 'wag ninyo munang anuhin." "Sumbong ko kayo kay dhie," Nagsipag umahon naman ang ilan na naliligo sa dagat at tumakbo sa isang nakalatag na may mga pagkain. Siguro ang tinatawag nilang 'dhie' ay ang pinuno dito. Tsk. Daming alam. "Leader! Alliyah. Kaibigan ko, matalino 'to magaling sa math. HAHAHAHA!" Pakilala sa akin ni Marco sa kanila habang tumatawa. "Sus, kaibigan baka kamo syota. HAHAHAHAHAHA!" At naulan na nga kami ng tukso. "Hindi ka ba nagsasalita?" Agad namang natahimik ang lahat dahil sa isang babae na mukhang hipon. "Iyan na nga ang kontrabida. Hahaha" rinig ko na bulungan nila. "Ako po si Alliyah Jan–" "Hindi naman kita tinatanong kung sino ka, ang tanong ko lang ay kung hindi ka ba nagsasalita." Nang tignan ko ito ay nakataas na ang kilay nito sa 'kin habang may ngisi sa mga labi. Mas nilakihan ko naman ang ngiti ko at seryosong mata bago sumagot. "Kaya nga ako nagsalita at nagpakilala para marinig mo na nagsasalita ako. Bingi ka ba?" Sagot ko dito na kinataas n'ya pa lalo ng kilay. Ayoko sa lahat ay 'yong tinatarayan ako ng isa pang tanga. Pagkatapat namin sa harap ng paaralan ay talaga namang namangha pa ako doon dahil sa laki ng espasyo ng kinatatayuan nito. Edi, naol malaki school Pero, wait dito na rin naman ako mag aaral 'di ba? So, technically school na namin not literal na amin ha. Baka kasi mag assume na ako niyan na mayaman. Kahit hindi naman talaga. Hmp! Tumingin tingin pa ako sa gate nito bago tuluyang pumasok natanaw ko naman sa gilid ng aking mata ang agad na pagsunod ni Rhenalyn habang humihigop sa hawak nito at may nginunguya rin. Nang agad siyang makalapit sa akin ng inabot niya sa akin ang isang plastik ng softdrinks na sa tingin ko ay Royal. Nung una ay nag alangan pa akong tanggapin ito dahil nahihiya pa rin talaga ako sa kaniya hanggang ngayon pero kinunutan niya lang ako ng noo at tinaasan ng kilay na tila sinasabing huwag na pa ako mag inarte at tanggapin ito kaya alangan naman tarayan niya pa ako ay kinuha ko na ito sa kaniya at humihop ng kaunti para lang panlasa sa dila, ganern. "Tameme ka diyan, ang ganda noh?" Sabi niya habang rinig ko ang kaniyang pagnguya ng kung ano sa loob ng kaniyang bibig. "Oo, kasing ganda ko," Biro ko naman dito na kinatawa namin pareho ng mahina. Habang naglalakad patungo sa mga estudyante na nakapila na sa hindi kalakihang cover court pero sa tingin ko naman ay kakasya ang lahat ng mag aaral na pumapasok dito. Alam ko naman na ang section ko at name ng adviser ko kasama ang itsura nito pero hindi ko pa nga lamang alam kung saan ito kaya huminto ako, kasama si Rhe sa bandang gilid sa dulo nitong court. Doon ba sa bandang walang masyadong estudyante at tabi ng ring. "Pero mas maganda pa rin ako sa 'yo, babaita." Sigunda niya pa at tinuro ang isang maliit na parang iskinita na malapit sa canteen room, nalaman ko agad na canteen ito dahil sa mga nakasabit na chichirya at ilang students na bumibili dito. "Diyan ang patungong green building para sa mga grade 7 and grade 9," turo ni Rhe and sunod naman niyang tinuro ay ang medyo sa mataas na parte nitong school. "Diyan naman ang blue building para sa mga grade 8 tapos sa likod niyan ay ang building ng mga grade 10." Hinatak niya pa ako ng kaunti para lumagpas kami sa ring ng cover court at itinuro ang likod ng grade 8 building. Tumango tango lang ako sa kaniyang mga sinabi at unti unting pinapasok sa kokote ko ang mga tinuro niya. Maganda na din iyon para kung sakaling magkahiwalay kami ay hindi ko na pa kailangang magtanong tanong sa ibang kapwa ko estudyante. "At d'yan!" Talagang hinawakan niya pa ang aking panga para lang paharapin sa isang building na sa tingin ko ay bagong tayo lamang dahil sa halos walang katas ng ballpen ang paligid nito at halata ang matapang nitong kulay yellow. "Diyan naman ang building natin." dama ko naman ang ngiti niya kaya ngumiti nalang din ako habang nakatanaw din sa building. Ito ay nakatayo malapit lamang sa gate ng eskwelahan at ang kalahati ng tapat nito ay ang cover court. Malapit lang pala, madaling makakalabas ng paaralan kapag uwian na. Hays, ewan ko sa 'yo Alliyah first day na first day pero nasa uwian kana agad. Nilibot ko naman ang aking paningin sa buong campus. Busy ang lahat ng estudyante at kitang kita ang kanilang mga ngiti sa labi, may kaniya kan'ya silang grupo at masayang nagkukwentuhan rinig ko pa ang nasa malapit banda sa aming pwesto at nagtatanungan sila kung kamusta ang naging kanilang bakasyon, ang ilan naman ay tahimik lang 'yon bang mga 'nerds' ganern. At ang bawat pila ay may mga teachers sa gilid na sa tingin ko ay masaya din sa pagbabalik eskwela. Actually, wala din talaga akong masabi sa aking new school. You will see the surroundings beautiful and clean. May ilan na gawa sa plastic bottles ang mga ginawang bulaklak at design sa paligid ng court. Very authentic and nice. Wala ka talagang masasabi na hindi maganda. Sinuyod naman ng aking mata ang building ng grade 8 na up to 3rd floor at sa tingin ko palang ay ito ang pinaka mataas na building dahil nasa bandang itaas talaga ito may ilan din ako doon na ilang mga students na naglalakad lakad hindi ko na po iyon binigyan pansin at sunod ko namang tinignan ay ang aming magiging building na nasa harap lang din talaga ng court. Ito ay hanggang 3rd floor din at sa baba nito ay ang ilang faculty at principal office. "Hoy! Gago yare ka kay ma'am, HAHAHAHA!" "Hoy, gastug balik daw kayo sa taas, tawag kayo ni ma'am," "Bala kayo diyan, basta nagbuhat na ako." "Em, tawag kayo gagu damay pa kami HAHAHHA," Hindi naman sa sinasadya pero napadako ang aking tingin sa mga grupo ng kalalakihan na nagtatakbuhan mula sa itaas ng building. Busy ang lahat ng nasa court at parang wala lang din naman sa nadadaanan nila na estudyante na naghaharutan sila. Tinignan ko sila isa isa at masasabi ko na sila iyong parang matatawag mo na gangster sa school o kung umasta ay daig pa may ari ng paaralan. Agad namang naagaw ng isa sa kanila ang aking tingin. Nakangiti ito na umaabot hanggang sa kaniyang mata pero agad napalitan ito ng isang nakakabwisit na ngisi sa labi dahil para siyang isang manyak na hayok sa halik lalo na ng bumama ang kaniyang tingin sa aking katawan at mga labi. Agad akong umiwas ng tingin at binaling sa harapan ang mga mata. Magsisimula na ang flag ceremony dahil inaayos na ang tunog ng speakers. "Hello," muntik pa akong mapatalon sa gulat ng may magsalita sa aking bandang tainga. Ang kaniyang boses ay napaka husky at lalaking lalaki. Wala na sa aking tabi si Rhe dahil lumipat na ito sa kaniyang pila ng tawagin ito ng kaniya ding mga kaklase at adviser. Napaatras ako at lumayo sa kaniya na hindi napapansin o nakaagaw sa iba na nasa pila. "Transferee ka?" He ask and smile like no tomorrow, I just ignore his presence and binalik ang tingin sa harapan. But after fuvking seconds he walk, stand and close at my behind. Siya 'yong lalaki kanina na kung makatingin– talaga palang manyak. "Snobber mo naman haydol," mahina niyang sambit na may kasamang mahina ding tawa. And because I can't stand at his presence, I look at him and raised my eyebrow habang ang mga mata ko ay tinatanong siya kung ano ang kailangan niya. "Anong grade mo?" "12," sagot ko nalang din sa kaniya dahil pakiramdam ko ay mas kukukutin nita pa ako kung hindi ko siya sasagutin "Ahh, ako din 12, strand mo?" "Feeling close ka din, ano?" Hindi ko napigilang sabi sa kaniya. "Hahahaha, hindi naman. Tatanong lang, e." I keep quiet at umayos muli ng tayo, napansin ko din na tumitingin ang ilang estudyante sa amin. "So, ano? Nu section mo?" Tanong na naman niya. Hindi ba siya mananahimik? "Acts" "Ay HUMMS ka pala, nakss naol," Hindi pa rin ako nagsalita, hindi naman sa unapprochable akong tao but this guy, I know what he just want. "Hindi ka talaga palasalita? 'Bat ka HUMMS? Sabi nila mabubunganga daw ang humanista HAHAHAHA!" And because of that, I look at him. "Humanista?" "Diba 'yon tawag sa inyo na mga HUMMS students?" I don't believe him, tanga ba siya o nagtatanga tangahan lang? Tsk Hindi ko nalang siya pinansin at muling tumayo ng maayos ng magsimula na ang Lupang Hinirang na tugtog. And after that, school song and so on, nag open remarks din ang ilang school personnel. Hanggang sa natapos ay tahimik naman kami, minsan pa sinisitsitan ako ni Rhe at nagbibigay ng mapang asar na ngiti sabay nguso sa lalaki na katabi ko pero agad siyang humarap sa stage ng makita niya na naglalakad lakad ang kanilang teacher. Ganoon natapos ang flag ceremony at pumunta na sa kanila kanilang perspective room ang mga estudyante, nanatili muna ako dito sa aking posisyon, mamaya ako papasok kapag maayos na ang lahat at hinihintay ko din si Rhe dahil siya ang magsasama sa akin sa classroom ko. Pero ang lalaki na nasa tabi ko ay narito pa rin at nakita ko naman ang kaninang mga kasama niya na nasa pila at nagtatawanan sabay tingin sa amin. Nakita ko na nagpaalam si Rhe sa kaniyang teacher hinihintay ko din siya dahil nagsabi ako sa kan'ya na samahan niya ako sa aking magiging classroom since hindi ko pa talaga alam dito. Lumapit na siya sa akin at agad sinundot ang aking tagiliran, sinamaan ko naman siya ng tingin pero ang babaita ay talagang ngiting ngiti pa. "Hello, hu u?" Rhea ask this guy behind me tumingin ako dito at nakita ko siyang tumawa "Uyy, parang 'di mo naman ako kilala," I look back at Rhe dahil yes, impossible naman na he didn't know this guy e magka schoolmate sila. "Sorry, but I don't talk to strangers, and this innocent but wild girl is my friend so back off, Jedrick." Rhea said like a b***h woman at hinila na ako nito papunta sa building ng senior high school. Wow ha, Rhe, true ba? Samantalang kanina lang ay nang aasar 'yang mga mata mo. At anong innocent but wild? Duhh I'm just innocent, periodt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD