Alliyah
Huminto kami ni Rhea sa isang pintuan na narito sa pinakataas nitong building nasa 3rd floor ang aming classroom pangalawang room mula sa kanang hagdan.
Since unang araw palang ng klase kaya naman ang ibang teachers ay busy din sa kani-kanilang mga gawain at nagbibilang pa– check their students.
"Oh ito ang room mo at dito naman ako." Tinapat niya ako sa isang pintuan na color grleen at may magandang design sa itaas nito.
Ang pangalawa naman niyang itinuro ay ang katabi nitong room na hindi din nalalayo ang design sa aking magiging room, ito ang kaniyang room.
"Sige." I just said and lumapit sa bandang veranda nito at tumingin sa ibaba. Nung una ay nalula pa ako dahil may kataasan talaga ang building namin. And kung hindi ko pa nasasabi, takot ako sa heights.
"Oh sige sige, ah. Iwan na kita. Buksan mo lang 'yang pinto." She said pero siya naman na din ang nagbukas nito.
Pagkabukas palang ng siwang nitong pinto ay naramdaman ko na ang lamig mula sa loob, de-aircon pala ang room na ito?
Hinatak ng bahagya ni Rhea ay kamay ko at pinasok ako sa loob. Pagkakita ko naman sa loob nito ay may iilan na ring estudyante ang nasa kani-kanilang upuan.
"Good morning, sir Jadd." May ngiti sa labi ni Rhea na bati sa isang lalaki na sa palagay ko ay teacher namin.
"Good morning din. Acts kayo?" Malumanay na tanong naman ni sir.
Napunta ang tingin niyo sa akin na siyang kinaiwas ko. Dahil grabe hindi ko ma explain.
"Ah. Siya lang po sir. Miss mo 'ko sir? Ehe" Biro pa ni Rhea na feeling ko ay medyo close sila ni sir.
Edi sana all.
Tumawa lang ng mahina si sir Jadd at itinuro na niya ang nasa bandang hulihan niyong room na parang sinasabi na maaari na akong umupo roon para makapagsimula na.
Tinapunan ko ng tingin si Rhea na may ngiti din sa labi. Hindi ba nauubusan 'to ng ngiti? Hindi ba nakakangalay ng panga? Wait– crush niya ba ang teacher namin? Tsk!
"Salamat Rhea." Sabi ko sa kaniya tumango naman siya at hindi pa rin nawawala ang mga ngiti. Tsk.
"Sige. Bye! Bye sir Jad salamat. Ehe" Paalam ni Rhea nang nasa pinto na siya at isasara na ito. Pagkasara ng pinto at sabay na pagdim ng ilaw ay siyang pumunta naman ako sa tinuro na space ni sir Jadd.
May katabi pala ako dito, mabuti naman. Hindi naman sa nakakatakot sa room dahil nakikita pa rin ang mga anino sa loob at malamig din kaya hindi nakakapagpabagabag.
Nanatili pa kami sa ganoong sitwasyon ng may kumatok at bumukas muli ang pinto at may pumasok na sa tingin ko ay lalaki dahil sa pigura nito. Napadako ang mata dito ni sir Jadd.
"Oh, Mr. Resurreccion, what are you doing here?" Sir Jadd very formal asked the person named Mr. Resurrection.
Ang ibang students din sa room ay napasinghap at nagkaroon ng maliliit na bulungan ang kaninang hindi matapunan ng hininga sa sobrang tahimik.
"Ah, sir good morning po." Unang salita palang niya ay nakilala ko na agad ang may ari ng boses na 'yon.
Is he's last name is Ressurection? Very familiar name. Inalis ko na ang pansin ko dito at binigyan naman ng tingin ang buong room.
"I would like to ask lang po if Ms. Alvarez is here already?" Because of that, my eyes goes in the front kahit anino lang ang nakikita ko– agad na naiba 'yon dahil may nagbukas ng ilaw na siyang kinasilaw ko ng bahagya.
I heard his little laugh, yes I know na siya iyon dahil nung nasa cover court palang kami ay para siyang baliw na tumatawa. Kaya parang namemorize ko agad ang boses niya. Tsk
Tumingin ako sa harapan at sa bandang pinto kung saan naroon ang on and off ng lights. And there, I saw one of his friends, smirking.
Parang tanga. Adik yarn?
"Ms. Alvarez?" Sir Jadd curled his eyes and looking of the class like knowing if someone here will take the name.
"Yes po sir. I saw her. There she is." Tinuro pa talaga ako nitong alipongoy na ito kaya naman napadako din ang tingin ng lahat sa akin.
Artista ba ako? Or siya? Grabe naman iyang mga tingin niyo, mga Marites.
"Ohh. The transferee girl." Transferee girl?
Seryoso ka ba diyan sir? Nickname ba iyan o ano? Hays.
"Exactly, sir." Alipongoy added. Pabida lang kaya nakiki-exactly-exactly? Sundutin ko mata mo diyan, e.
"Ms. Alvarez, can you pleade stand up?" Hindi sir, gusto ko sana 'yan isagot pero baka bagsak na agad ako kahit hindi pa nagsisimula ang class ng school year.
Kaya no choice kahit nangangawit na ang mga paa ko dahil nakatayo lang din kanina habang nagf-flag ceremony ay tumayo pa rin ako. Punyetang alipangoy na 'to, dinadamay pa ako sa kalokohan niya.
Tumayo ako na walang gana dahil nga masakit na din ang paa ko pero ang mga alipongoy ay parang hindi nakakaramdam ng sakit, mga supervisor ba ang mga ito?
"Did you know her, Mr. Ressurection?" Tumanggi ka alipongoy para makaupo na ako at baka masampal na talaga kita. Tumingin na muna sa akin ito at nagbigay ng isang nakakalokang ngiti at feeling ko nahulog ang panty ko– medyo OA.
"I just want to greet her and tell her how much I love her, sir." Mala Joker na ngiting sabi niya at ako? Nanlalaki ang mata na parang kuwago– oo ngayon OA na talaga as in kasing laki ng kuwago. Imaginine niyo nalang.
Nagsipagsinghapan naman ang ilan na marirites dito sa classroom at parang nasight ko sa aking napakagandang peribisyon ang slight pain sa mata ni sir Jadd– charot.
"Is she your girl?" No, sir Jadd please let me explain, ikaw lang sapat na. Hayaan mo ang damuho na 'yan. Charot ano bang nangyayari sa akin at para akong ewan ngayon. Ang utak ko ay kung saan saan napapadpad dahil ba ito sa dalawang lalaki na nasa harapan ko.
"She's my lady, my one and only beloved girlfriend." Pa-english english ka pa diyang alipongoy ka, impakto ka!
Wala na pa akong nagawa kung 'di ang lumapit sa kanila sa harapan dahil tumango din si sir Jadd at tila sinasabi na lumapit ako. Nang nasa harap na nila ako ay nagulat ako dahil hinapit nang impaktong alipongoy na 'to ang bawang ko at sumubsob sa leeg ko. Narinig ko din ang mahihinang tawa ng mga kabarkada niya na tila sayang saya pa sa ginawa niyong alipongoy. Kinurot ko siya sa tagiliran ng medyo madiin para bumaon ang kuko ko at baka makaramdan din siya ng sakit at kahihiyan.
Narinig ko lamang na umaray siya ng bahagya at tumawa ng pigil ang mga kaibigan niyang alipongoy din.