Chapter 3: His Baby

1009 Words
Alliyah "Siya 'yon, 'di ba?" "Ay! Oo. Si Alliyah Jane Alvarez." "Well, may taste din talaga si Jedrick. Hihi bagay sila." "From 12 Acts." "Ay kay Sir Jadd?" "Edi sanaol inambunan ng swerte." One day, yes isang araw palang ang nakalilipas pero daig ko pa ang galing sa Royal Family dahil naging sikat lang naman din agad ako at laman ng mga balita hindu lamang dito sa bagong school na pinapasukan ko pati na rin sa ibang schools. At sempre wala na pang ibang sisisihin kun 'di ang damuhong lalaki na iyon. Impakto talaga siya. Ganoon ba siya kasikat para hanggang kabilang ibayong eskwelahan ay alam ang nangyari kahapon sa classroom? Edi meow niya. Wala akong pake at pakialam. Siya ang naglagay sa akin sa sitwasyon na hindi ko kailan man ginusto– ang mapansin ng karamihan. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon pagkatapos ko siyang kurutin with diin kuko. Narinig ko lamang na umaray siya ng bahagya at tumawa ng pigil ang mga kaibigan niyang alipongoy din. Nabigla pa ako ng bigla na lamang niyang hinila ang kamay ko na nasa tabi kaniyang beywang kung saan ko siya kinurot. Hindi na pa agad ako nakapagreact kahit gustuhin kong mapasigaw dahil muntik pa akong madulas at matumba. Duhh ang dulas kaya ng floor. Hindi na pa ako napalag dahil nga nasa labas na kami ng room ko at napansin ko din na wala nang masyadong estudyante sa hallway. Ang kanilang maingay na daanan ay naging tahimik na ulit. Sa palagay ko ay nagsisimula na ang klase. Pagkalakad namin ng tatlong hakbang ay agad kong binawi ang kamay ko na hawak nitong damuho na ito. At sabay bigay dito ng masamang tingin pero ang impaktito ay binaliwala lamang ang aking magagandang mata. Dinala niya ako sa hagdan kung saan medyo tago. Sa palagay ko din ay walang masyadong nadaan dahil pagkatingin ko sa ibaba at nakapaglock ang pintuan doon. Oo, may pintuan ang building paakyat sa second at pataas pang floor. Pagdating doon tsaka niya lamang niya binitawan ang kamay ko. Tinignan ko naman ulit siya at tinaasan ng kilay. Iyong sobrang taas abot hanggang kabilang planeta. Gano'n kahaba ang inis ko sa kaniya. "Ano bang problema mo? Kung makadikit ka akala mo naman. Tsk!" Asik ko dito. "Wala naman." Pacool lang nitong sagot sa akin. "Aba kung wala naman pala. P'wede ba tigil tigilan mo ako." I said with a please voice. Hanggat maaari ayoko na pa ng gulo. Masyado na akong kota sa problema. Mahirap na nga mas mahirap pang dagdagan. "Okay." One word from him and I look back at him with a puppy puppy eye and mags-smile na sana ako ng... "But let me be your boyfriend." Dugtong niya. Sa hindi malamang dahilan ay agad na nag init ang buo kong mukha at natulala na lamang sa kaniyang mukha with wide eyes. Ampota! Ano 'to, blessing? Hindi, erase, erase, erase. Anong blessing ang pinagsasabi nitong utak ko? Duh. Itong mukhang playboy na ito blessing? I don't think so. I'm pretty sure na may plano 'to. "Hmm... then what? Para ako ang maging first victim mo this school year?" I said with taas kilay and killer smile. Pak! Akala ko ay matitinag siya pero mukhang bumaliktad, dinaig pa ang sikmura mo. Bwakanangina, ngumiti lang ang depunggal at ako na kill. Awts. "Ako nga ang navictim mo, e." He said Kaya nakabawi agad ako at umiwas ng tingin. Medyo tinalikod ko din ang mukha ko para pasadahan ng kamay ang bandang labi ko. Baka kasi may tumulong laway. Mahirap na, walang tissue dito. At nasa bag ko din ang panyo ko. Ugh! Ano ba itong nasasabi ko, nababaliw ka na, Alliyah! Yeah right, baliw ka na nga. You are fuvking crazy! But wait, kailangan kong makabawi at hindi magpatalo sa depunggal na ito. "At ako pa talaga?" Agaran kong sabi. Kulang nalang ay bilisan ko ang pagbibigkas ng bawat word para hindi niya mahalata na medyo nag loading ako. Sorry, mahina ang signal ni Converge, e. "Oo, sobra ka kasing makatitig sa akin kanina nafall tuloy ako." Putanginang banat 'yan. Ke aga aga. Ano ba! Lord, araw araw mo po talaga sinusubukan pagiging marupok ko? Promise, Lord, magbabago na po talaga ako. Ayoko na sa gwapo– uhm... siguro naman po Lord ay iyong maitsura kabir konti. Hehe Hindi agad ako nakapagsalita at napatitog pa sa mga mata niyang may bahid ng kapilyuhan hanggang sa bumaba pa ang aking mga makasalanang mata 'gang umabot iyon sa kaniyang mga sweety and kissable lips. Napalunok ako ng times two at times three. Agad kong pinigilan ang karupukan na nabubuhay sa aking katawan. At pinigil ang utak na kumilos, kahit ang totoo ay wala talaga akong utak. "P'wede ba, hindi mo ako madadaan sa mga banat mong may bahid ng kasinungalingan." Yeah, you got it right, Alliyah. Hindi dapat kinangingiti ang mga banatan ng mga lalaki na 'yan. Duh. Malay ba natin na galing lang 'yan sa movie or sa book or sa iba pa, e 'di copycat lang? Yikes. Red flag para sa mga lalaking mahilig bumanat pero nagsasawang magreply or mag update sa nililigawan or girlfriend. Ekis. "Nagkaboyfriend ka na ba?" Ano ba naman 'tong mga tanungan niya. Nakakaubos ng oxygen. Hindi din ready ang mga braincells ko, dinaig pa ang surprise quiz ng teachers. "At pake mo naman?" Taray kong sagot dito sabay talikod. I'm ready to go back at my classroom when I felt his hands snake are my wrist. I tried to move away but he didn't give me even a little space from him. "I'm still asking you, baby." And now, talagang mauubusan na ako ng hininga. Goodbye, Philippines, goodbye, Earth. See you sa next life. Bakit naman kasi napaka sexy ng boses na ginamit niya. At baby? Duh. Hindi kaya ako kinikilig. Ano ba! Baby ba ako? Duh. Senior high school na ako! Senior! Huwag boba, Alliyah. "Baby, answer me, please." His voice is now on my ear and I can really really heard his heartbeat next to mine– running that fast.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD