Chapter 1 - Kidnapped

1506 Words
TORRENCE "Ms. Del Valle! Go to the Principal's office now!" sigaw ni Ms. Valdez, my adviser. Tsk. Wrong timing. Kung kailan nage-enjoy na akong basagin ang pagmumukha nitong si tabachoy ‘e ngayon pa sumulpot ang isang ’to. "Lucky bastard! Sa susunod na mag-cross ulit ang landas natin ay sisiguraduhin kong hindi ka na makikilala ng pamilya dahil sa malalang bugbog na aabutin mo sa akin.” pagbabanta ko sa matabang lalaki na leader ng mga deliquent students dito sa school. "Ms. del Valle!" sigaw muli ng adviser ko na masama na ang titig sa akin. "Tsk." usal ko na lang saka padabog na naglakad papunta sa Principal’s office. Principal's Office "Ms. Del Valle, ano na naman 'to?" Mr. Rodriguez asked with frustration. Well, hindi ko s'ya masisisi dahil halos araw-araw na lang akong napapatawag dito sa office n'ya. Siguro ay nagsasawa na s’yang makita ang pagmumukha ko. "Mr. Rodriguez, hindi ko na talaga alam ang gagawin sa estudyante kong 'to. Kalagitnaan ng klase nang magpaalam na magbabanyo pero naabutan ko sa labas na may ginugulping grupo." sumbong ni Ms. Valdez na mukhang stress na stress na dahil sa akin. I don't blame her. Sa lahat ng gulong kinasangkutan ko ay lagi rin s'yang napapatawag. "Ms. Del Valle, simula nang magtransfer ka sa paaralang ito ay halos araw-araw na ang nangyayaring gulo at sa bawat gulong 'yon ay lagi kang sangkot. If I am not mistaken, this is your fourth school for this year. Pagod na ako sa kakapangaral sa'yo. Kababae mong tao ay nakikipagbasag ulo ka at ang masama pa ay mga lalaki ang mga nakakaaway mo." litanya ni Mr. Rodriguez habang hinihilot ang kanyang sintido. Kapag ba babae ang masapakan ko ay hindi na sila mai-stress sa akin? Pagkatapos ng mahabang sermon ni Mr. Principal ay sumunod naman ang mala-nobelang litanya sa akin ni Ms. Valdez. Napansin ko ang pamumuong pulbo sa mukha at leeg n’ya. Gusto kong sabihin ‘yon sa kanya kaya lang ay baka masamaiin n’ya. Bawat salita atang lumalabas sa bibig ko para sa kanya ay salita ni satanas. Well, hindi naman lahat. *** Bago ako umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa malapit na bookstore para maghanap ng babasahin. Hindi tulad ng ibang babae na puro romance ang favorite genre ay kabaliktaran naman 'yun sa gusto kong babasahin. Horror, thriller and mystery- iyan ang mga genre ng librong bumubuhay sa dugo ko. Pagpasok ko pa lang ng bookstore ay agad na naagaw ang atensyon ko ng isang libro na cover pa lang ay alam mo nang interesanting basahin pero bago ko pa man 'yon mahawakan ay may mabilis na kamay ang humablot sa libro."Hoy!" Hindi pa ako galit pero parang naghahamon na ng suntukan ang boses ko. "Bakit?" nakakunot noong tanong ng lalaking may hawak ng libro. "That's mine." anas ko. I tried to be polite pero kabaliktaran 'yon sa tono ng pananalita ko. Sorry hindi ako pinanganak na mahinhin tulad ng ibang babae na kaedaran ko. ”I grabbed it first." nakangising saad ng lalaki. Ang sarap punitin ng labi n'ya. Nakakapanggigil ang pagiging presko ng lalaking 'to. "Bwisit ka." bulong ko bago ito talikuran. Wala na ako sa mood makipagbasag ulo kaya lalayo muna ako. Baka kasi hindi ko makontrol ang sarili ko at bigla na lang gumalaw ang sarili kong kamao at suntukin ito. May anger management issue pa naman ako. "Hey miss!" tawag ng lalaki pero hindi ko s'ya pinansin. Ipinapatuloy ko ang paghahanap ng magandang libro at nang may makita ulit akong mas maganda pa ata sa kaninang nauna ay parang kumislap bigla ang mga mata ko. This is it! Cover pa lang ay nakaka-thrill na. "Palit na lang tayo. 'Di ba ito ang gusto mo?" mabilis akong napalingon sa kung sino ang bigla na lang tumabi sa akin. S'ya yong lalaki kanina. "Kung ayaw mong sumabog 'yang isa mong mata ay simulan mo nang humakbang palayo sa akin." pagbabanta ko sa kanya. "Ohh scary," he said playfully. "By the way, what's your name?" G*go! Hindi n'ya ba narinig ang sinabi ko? Sinusubukan n'ya ata ang pasensya ko. Mabilis kong isinara ang hawak kong libro saka s’ya hinarap. Nakita ko ang pagkatamis-tamis na ngiti n’ya sa labi nang magtama ang mga mata namin. "I warned you." isang malakas na suntok ang pinakawalan ko na dumaplis lang sa pisngi n’ya. Nagawa n’ya kasing iwasan ang suntok ko. Not bad. Nabasa n'ya ang kilos ko. "F*ck! That was fast!" mura n’ya habang hinihimas ang pisngi n’yang nadaanan nang kaunti ng kamao ko. Napansin ko ang ilang mga customer na nakatingin na sa amin.Makikita sa ilan ang pagaalala habang ang iba naman ay excited sa susunod na mangyayari sa pagitan namin ng lalaking kaharap ko. "Sayang, hindi ko natamaan 'yang mata mo." nanghihinayang na sabi ko. "Try harder." paghahamon n’ya. Napakuyom ako ng kamao dahil sa nakakabwisit na ngisi sa mukha n’ya. Talagang hinahamon ako ng isang ‘to.Parang bigla kong nararamdaman ang paglabas ng ugat sa sintido ko. Infairness! Effective ang mga ginagawa n’yang pang-iinis sa akin. Akmang susugurin ko na sana s’ya nang marinig ko ang malakas na sipol ng isang security guard. Sh*t! Kapag nahuli ako ay siguradong makakarating ang insidenting ‘to hindi lang sa magulang ko kundi pati na rin kila Mr. Rodriguez at Ms. Valdez. Kung nagsasawa na sila sa pagmumukha ko pwes ako rin naman. Idagdag pa ang nakakairitang sermon nila. "Papatayin talaga kita sa susunod na makita ko ulit yang mukha mo.” "Sure. See you in hell." Mabilis akong naglakad palayo sa lalaki at nagtago sa ilang book shelves bago lumabas ng bookstore. Malakas kung sinipa ang batong nakita ko dahil sa sobrang pagkainis. Wala tuloy akong nabiling libro. Bwisit kasi ang lalaking 'yun! *** Kinaumagahan, wala pang ala-sais ng umalis ako ng bahay. Ganito ako araw-araw. Mas gusto kong makaalis ng maaga at late na umuwi para hindi ko nakikita ang pagmumukha ng magulang ko. Kapag darating kasi ako ng bahay ng maghahating gabi ay tulog na ang mga ito dahil sa kalasingan at magigising din ng late na ng umaga. Lasinggero ang tatay ko samantalang hostess naman sa isang club ang nanay ko. Kung papagawin siguro ako ng family tree ay yung aso at pusa na lang ng kapitbahay ko ang ilalagay ko. Bakit? Pabaya silang magulang. Never in my life na maging tunay silang magulang sa akin. Mas inuna nila ang bisyo kesa sa pamilya. Inaamin ko, ilang beses na akong napatalsik sa eskwelahan dahil sa gulong dala ko pero kahit kailan ay hindi ko kinukumpara ang sarili ko sa magulang ko. May pangarap ako sa buhay ko. Hindi lang halata pero meron. Hindi ako magiging katulad nila. Gustuhin ko man na makapagfocus sa pag-aaral ay sadyang hindi ako tinatantanan ng gulo. May balat ba ako sa pwet? Not sure. Bago dumiretso ng eskwelahan ay dumaan muna ako sa bakery para bumili ng almusal. Newly baked lahat ng meron dito tuwing umaga kaya hindi ako nagsasawang balikan ang tindahang 'to. Nang mabili ko ang gusto ko ay agad kong ninamnam ang mainit-init pang tinapay habang naglalakad sa tahimik na kalsada. "Miss. Sukli mo. Nakalimutan mong kunin." habol sa akin ng isang babae. Iniabot n’ya sa akin ang sukli na agad ko namang kinuha sa kamay n’ya. Katulad ko ay isa ring istudyante ang isang 'to. Big eyeglasses, braided hair, oversized blouse and long skirt. Nagmumukha s'yang lampa. "Salamat." sabi ko pero bago pa man ako makaalis ay may kamay ng biglang humablot sa braso. "Wait." pagpigil sa akin ng babae. Sinamaan ko s’ya ng tingin dahilan para dahan-dahan n'yang alisin ang pagkakahawak sa braso ko. Ano naman kaya ang problema ng nerd na 'to? "Bakit?" mataray kong tanong habang nilalantakan ang hawak kong tinapay. "Taga Beaton Academy ka ba?" "Oo, bakit? " "I'm Reina Villanueva from Monica Esreal Academy. Importante itong sasabihin ko kaya sana'y pakinggan mo akong mabuti." Mukha s'yang lampa pero nakaka-intimidate ang presence n'ya. Nerd in disguise. "I don't talk to stranger, sorry." saka ko s'ya tinalikuran at naglakad ulit palayo rito. Ayoko sa lahat ay ang kinakausap ako habang kumakain. Hindi ko kasi nae-enjoy ang pagkain ko kapag ganun. Isang taga Monica Esreal. Sa pagkakalaam ko kasi nasa kabilang bayan pa ang ekwelahang iyon at mahigit dalawang oras ang biyahe papunta rito. May field trip ba sila or activity dito sa lugar namin? Hmm. Pake ko! Malapit na ako sa Beaton ng isang van na itim ang bigla na lang tumigil sa harap ko. Kulang na lang ay mahagip ako nito dahil sa biglang pagsulpot nito sa harap ko. Mabilis akong napaatras ng makita ang mga naka-suit na lalaki sa loob. "Torrence Del Valle, 17, Beaton Academy." malalim ang boses na saad ng isa sa mga naka-men in black. "Sino kayo? Anong kailangan n'yo sa akin?" matapang na tanong ko. Muli akong naaatras nang lumabas mula sa van ang limang kalalakihan saka nila ako sapilitang ipinasok sa van. F*ck! Now what? Kung kidnap for ransom 'to ay puputi ang mga mata nila kakahintay sa perang hindi naman darating sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD