Chapter 2 - The Island

909 Words
TORRENCE Ramdam ko ang matinding lamig na bumabalot sa buo kong katawan. Kahit anong gawin kong pagpupumilit na buksan ang mga mata ko ay hindi ko magawa dahil sa mabigat na pakiramdam mula sa talukap ng mga mata ko. Parang dinuduyan ako ng matinding lamig na dahan-dahang nagpabalik sa akin sa mahimbing na pagkakatulog. Ano bang nangyayari sa katawan ko? Nang magkamalay ulit ako ay tuluyang nang gumaan ang pakiramdam ko. Kung kanina ay parang namamanhid ang buo kong katawan, ngayon ay malaya na akong nakakagalaw. Laking gulat ko nang makita ang kinaroroonan ko. Ang kaninang malamig na pakiramdam na bumabalot sa akin ay ang tubig mula sa dagat. Kasalukuyan ako ngayong palutang-lutang sa isang malawak at asul na karagatan. Kaya naman pala lamig na lamig ako mula pa kanina. ’Paano ako napunta dito?' Nakita ko ang kulay pulang parachute na nakakabit sa akin. 'DGC' – iyan ang nakalagay na initial sa parachute. Agad kong inalis ang pagkakakabit nito sa katawan ko para makalangoy ako nang maayos papunta sa pangpang na natanaw ko. May silbi rin pala ang muntik ko ng pagkakalunod noong bata pa ako dahil ngayon ay master ko na ang iba't ibang stroke sa paglangoy. Lumangoy ako papunta sa isla. Wala pang limang minuto nang matagumpay ko iyong marating. Ibinagsak ko ang katawan ko sa puting buhangin saka hinabol ang mabilis kong paghinga. Ang huli kong naaalala ay sapilitang pagpapasok sa akin sa van ng mga naka-men in black. Hanggang ‘dun lang pero ang pagdating ko sa lugar na ‘to ang malaking question mark ngayon sa akin. HINUBAD ko ang suot kong blazer at itinali iyon ng mahigpit sa bewang. Tinupi ko rin hanggang siko ang puti kong long sleeve para ihanda ang sarili ko sa unang araw ko sa isla. Bago ako humanap ng paraan para makaalis sa pesting isla na 'to ay kailangan ko munang pakainin ang sarili ko. Kailangan ko nang lakas para sa mga susunod na araw. Hindi ko alam ang naghihintay sa akin sa pananatili rito kaya naman dapat ay maging handa ako. Ang makanap ng pagkain ang una kong priority. Huminga ako ng malalim at saka humakbang papasok sa mapunong parte ng isla. Minamarkahan ko ng ekis ang bawat puno na nadadaanan ko gamit ang matalim na batong napulot ko. Kailangan ko ng palatandaan para makabalik sa dalampasigan bago ako abutin ng gabi. Magiging mapanganib para sa akin kung mananatili ako rito lalo na’t dilim ang teritoryo ng mababangis na hayop. Lumipas ang ilang oras na paglalakad ay halos takasan na ako nang lakas dahil sa pinaghalong gutom at pagod. Masyado na rin akong napalayo kaya napagpasyahan kong bumalik na muna para makapagpahinga. Nakakainis! Dapat sa mga oras na 'to ay nag-aalmusal na ako ng tinapay galing sa panaderya malapit sa amin. Mapapatay ko talaga ang may pasimuno nito! Habang naglalakad pabalik ng dalampasigan ay isang sigaw ng babae ang umagaw ng pansin ko. Agad kong sinundan ang pinanggalingan ng sigaw hanggang sa bumungad sa akin ang dalawang babae. Nakapatong ang isang babae sa isa pang kasama nito habang paulit-ulit na sinasaksak sa dibdib ang nakahigang babae gamit ang hawak n’yang kutsilyo. Mabilis akong nagtago sa likod ng puno. Katulad ko ay isa 'ring estudyante ang dalawa dahil sa suot nilang unifrom. "S-sorry, R-Rosey. HAHAHA!" bigla akong kinilabutan sa tawa ng babae. Takas ba ito sa mental? Paano n'ya nasisikmurang pumatay? Halos maligo na sa dugo ang babae dahil sa dugong tumatalsik sa mukha n’ya. Kahit patay na ang babaing sinasaksak nito ay paulit-ulit n'ya pa rin itong pinapaulanan ng saksak. Nababaliw na s'ya. Napaupo ako dahil sa bigla panlalambot ng mga tuhod ko. Hindi ko akalaing makikita ako ng ganung eksena na sa mga libro ko lang dati nababasa. Ano ba talaga ang meron sa islang 'to? Akala ko ay ako lang ang nandito pero mukhang nagkamali ako. Nang mawala sa pandinig ko ang tawa ng babae ay lakas loob ko ulit na nilingon ang kinalalagyan ng baliw na iyon pero mas lalo akong kinilabutan sa nakita ko. Mabilis akong umiwas ng tingin atsaka ko tinakpan ng mahigpit ang bibig ko. Dahil sa matinding kaba ay nakagawa ako ng mahinang ungol. Pinipigilan ko pero sa mga nakita ko ay hindi ko na alam kung saan ko itatago ang kabang na kumakawala sa katawan ko. Ang kaninang babaeng pumapatay ay patay na rin ngayon. Hawak ngayon ng isang lalaki ang ulo ng babae. Ginamit nito ang mahaba n'yang katana para paghiwalayin ang ulo at katawan ng biktima nito. Gusto kong masuka dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon. Akmang aalis na sana ako pero bago pa man ako makatayo ay naramdaman ko ang mabilis na pagtama ng matalim na bagay sa gilid na parte ng punong pinagtataguan ko. Kitang-kita ko ang napakatalim at napakahabang katana na nakabaon ngayon sa puno. Hindi ko ininda ang kirot sa leeg ko na nahagip ng katana bagkus ay wala na akong sinayang na oras, mabilis akong tumakbo palayo sa lalaki. Para akong nakikipaghabulan kay kamatayan sa mga oras na 'to. Sanay akong lumalaban kesa tumakbo. Pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil may hawak na deadly weapon ang lalaki. Ayoko namang magaya sa babae kanina na walang habas nitong pinatay. "AHHHH!!" sigaw ko ng mahulog ako at magpagulong gulong pababa sa isang bangin. Naramdaman ko ang pagbaon sa laman ko ng ilang matutulis na bagay. "Tcch!" usal ko na lang ng tuluyang bumagsak ang katawan ko sa lupa. Nasa impyerno na ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD