Dawn POV "Dahil ikaw lang ang mahal ko Dawn. And I am willing to break myself para maging karapatdapat lang muli para sa'yo." Shit what am I thinking? Bakit paulit-ulit na lamang bumabalik sa isip ko ang mga sinabi nito? Bakit hindi ko maialis sa isip ko ang mga walang kabuluhang salita nito? Damn! I can't even work properly with him making my head drowned in deep chaos. Nakakainis dahil hindi ko dapat ito nararanasan. Hindi ako dapat nababaliw ng ganito para lamang sa mga sinabi nito. "Mama!" Napapitlag ako nang makarinig ako ng malakas na hiyaw at nang tingnan ko ang pinanggalingan no'n ay nakita ko ang anak ko na nasa loob na ng opisina ko habang ang sekretarya ko ay nanlalaki ang mga mata sa takot. "I am sorry Ma'am pero nagpupumilit po kasing pumasok tapos po—" "Please tell y

