Chapter 41

2605 Words

Dawn POV Ang bilis ng t***k ng puso ko habang binabaybay ang daan papalabas. Hindi ko mapigilan ang kaba na patuloy na niyayakap ang aking kalooban na siyang naging rason upang mas magwala ang mga daga sa loob ng dibdib ko. Dagdag pa na rinig na rinig ko ang bawat tambol no'n mula sa aking dibdib. At nang makalabas na ako ay imbes na tumigil iyon ay mas bumilis pa ang ritmo no'n. Inikot ko ang aking paningin at hinanap ang iisang tao na siyang aking pakay pero sana pala hindi ko na ginawa dahil mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko na lamang ang isang bulto ng tao na patuloy sa pagsuntok sa pader, na ni hindi man lang iniinda ang sakit no'n. Tuluyang hinarap ko ang tanawin na iyon habang ang mga tuhod ko ay halos gusto nang bumagsak sa hindi ko malamang dahilan. Nanghihina ako..

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD