"Ma? Sino siya?" pupungas-pungas na saad ni Leen nang papunta ito sa kusina. Napitlag naman ang ina at hindi agad nakasagot. Paano ay lumabas ito mula sa kwarto kasama ng hindi kilalang lalaki. Lingid naman sa kaalaman ni Leen na hindi na umuuwi ang ama niya sa kanila. "Ah, eh si Gardo, kaibigan namin ni papa mo." saad nitong natataranta kung ano ang isasagot sa anak. Lumabas naman si Meenah para maghanda ng almusal. Matapos ang komprontasyon nilang magkapatid ay mas tumibay ang samahan nila. Hindi na naglihim pa si Leen sa kanya. Palibahasa'y alam niyang hindi rin siya malinis na tao kaya naman natanggap niya kaagad ang nagawa ng kapatid. "Leen, maligo ka na. Baka ma-late ka sa school." saad nito na sinunod naman kaagad ng kapatid nito. Samantala sinamaan naman nito ng tingin ang ina a

