Chapter 16 – Contract Revised

1288 Words

"Please have a sit, Ms. Laurente." mababakas ang seryosong mukha ni Marty. Tumalima naman ang dalaga pero hindi nito maiwasang mag isip na naman. "Kanina lang ay maganda ang awra ng isang 'to tapos ngayon ay seryoso na naman. May sapak yata 'to e." bubulong-bulong na saad niya. Naupo naman si Marty sa upuan sa desk niya. "Tss. Parang babae." saad nitong muli habang nakamasid pa rin sa binata. Seryoso pa rin ang mukha nito pero hindi yung tipo na nakakatakot kung hindi ay parang maghahatid ng magandang balita sa kanya. Bahagyang yumuko ang binata at tila may kinukuha sa ibabang drawer ng desk nito. Matapos ay ipinatong sa mesa ang isang puting folder. "Ano na naman kaya ang kailangan niya? Kung busy naman pala siya sana hindi na niya 'ko hinatak papunta rito." naiinip na saad ni Meenah.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD