Matamang naghintay si Meenah sa sasabihin ng binata. Hindi kumukurap at nakatitig lamang sa mga mata nitong tila nangungusap. Sobrang lapit nito sa kanya na tila ba sa isang iglap lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi. Langhap ang halimuyak ng hininga nito. 'Ika nga nila ay breath taking moment. Sa halip na pagmasdan ang mukha ng binata ay napapikit ito. Sapat na ang nararamdamang sensasyon para mapapikit na lamang. Hindi rin naman nawawala ang tingin ng mga mata ni Marty sa dalaga. Mini-memorya ang bawat sulok ng mukha nito. Mula sa kurba ng ilong na talaga namang tila perpektong hinubog para dito. Ang kilay nitong sa tingin niya ay napakaganda ng hugis kahit hindi lagyan ng guhit. Sa mga labi nitong animoy inaakit siyang hagkan. Napalunok na lamang ang binata habang pinagmamasdan

