Matagal na magkadikit ang mga katawan ng dalawang noon ay nagmamahalan. Tila dinadama ang bawat sandali na matagal nilang ipinagkait sa isa't isa. Ang isa ay humihiling na muling maging sila. Ngunit ay isa ay may ibang mahal na. Bawat minuto ngayon ay mahalaga. Maramdaman lang ang isa't isa. Mahihinang hikbi ang naririnig ni Marty sa dalaga pero puno ng katanungan ang kanyang isipan. Nakatitig sa kawalan at isa lang ang nilalaman nito. "Kameenah Laurente..." ang pangalang tumatakbo sa kanyang isipan. Dama niya ang hinagpis ng kayakap pero alam niyang mas nagdurusa ang kanina lang na kasama niyang dalaga sa silid na kinaroroonan niya ngayon. Kapiling ang nakaraan. Kapiling ang dalagang pinangakuan niya ng walang hanggan. Ang dalagang dapat sana’y matagal na niyang kinalimutan nang siya ay

