"Bye, babe. Balik ka ha." muling naalala ni Leen ang sinabi ng kasintahan niya habang tulala sa daan. Oo naman babalik siya. Sigurado 'yon. Kay Danny lang siya nakakakuha ng atensiyon na kailangan niya. Kay Danny espesyal siya. Kay Danny siya ang pinakamahalagang tao sa mundo. Nangingiti si Leen at kinikilig pa habang lulan ng jeepney pauwi. Pasado alas singko na ng madaling araw kaya may mga kasabayan na siyang mga estudyante. Madilim pa at hindi pa sumisilip si haring araw pero marami na ang tao sa paligid. May pasok rin siya mamaya kaya kinailangan niyang umuwi kaagad. Ayaw pa sana niyang umuwi pero no choice siya. Wala pang ilang oras nang umuwi siya ay namimis na niya ang kasintahan. Nang makarating sa bahay ay naabutan niya ang ate niyang gising na. Busy na naman ito sa kusina. At

