Hindi ko alam kung ilang oras akong nakapikit at may naririnig akong mga bulongan na tila ay nagkakagulo sila. Nahihirapan akong igalaw ang katawan ko ngunit nagawa kong imulat ang mga mata ko. Pagmulat ko ng aking mga mata isang hindi pamilyar na lugar ang bumungad saakin. Parang nasa sinaunang istilo ang kwartong kinalalagyan ko.
Ang pagkakaalala ko ay nasagasaan ako nang humaharorot na sasakyan nong patawid ako ng daan kaya paano ako napunta dito at nasaan ako?
"Lady Calli!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalang iyon at bumungad saakin ang hindi pamilyar na babae. Mukha syang nagaalala at tila natutuwa syang nakikita nya ako sa harapan nya.
"sino ka?"
"po?" nabibigla nyang tanong. Nang marealize nya ang sinabi ko ay nagsimula na syang umiyak.
"sino ka?" ulit kong tanong
mangiyak-ngiyak man ay sumagot sya saakin "ako po si Mela, personal maid nyo po." sagot niya saakin.
Bago pa man ako tumango ay nagsimula sya magsalitang muli "tatawagin ko lang po ang Doctor, hindi ko inaaasahan na mawawalan ka ng ala-ala dahil sa aksidenteng iyon."
Pag katapos nyang sabihin yon ay bigla syang umalis.
Maya maya pa biglang may pumasok sa pinto. Sa tingin ko ay ito ang Doctor na sinasabi ni Mela. Akala ko ay sya lamang ang papasok pero may nakasunod sa kanyang isang lalaki at kasunod niyon ay si Mela.
"Lady Calli, mabuti naman ay gising ka na. Halos mag lilimang buwan ka na ring hindi nagigising." nabigla naman ako sa sinabi nya.
Limang buwan? paano nangyari yon e ang alam ko ay patay na ako? At teka, tinawag nya akong Calli, hindi calli ang pangalan ko!
At para akong binuhusan ng tubig ng marealize ko kung kaninong pangalan iyon.
"ang sabi ni Mela nang tawagin nya ako ay wala ka raw maalala?"
Tumango na lang ako dahil wala naman talaga akong maalala. Aba malamang! hindi naman akin tong katawan na to e. ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito.
tumango sya at sinimulan nya ng tignan kung maayos na ba talaga ang kalagayan ko
"maayos naman na ang kalagayan nya ngunit ang tangin hindi maayos ay ang memorya nya. Sa tingin ko ay nawala ang alala nya dahil sa pagkakabagok ng ulo niya." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagpaalam na sya na aalis na sya dahil maayos naman na daw ako. Kailangan ko na lang kumain at magpahinga.
Tinignan ko ang mga taong kasama nung doctor na pumasok dito at nakita kong nakatingin din ito saakin ngunit ng mapansin nilang nakatingin ako sa ay umalis na rin sya sa silid na kinaroroonan namin.
si mela na lang ang naiwan kaya naman naisipan kong tanongin sya.
"Mela" napatingin naman sya saakin
"po? may kailangan po ba kayo Lady?"
"maaari ko bang malaman kung bakit ako limang buwan na walang malay?" tanong ko. Nagaalangan man ay sinagot nya pa rin ang tanong ko
"Nalaman nyo pong balak ipaputol ni Prince Carter ang engagement nyo kaya naisipan nyo pong maglasing. Pagkatapos po non ay niyaya nyo po ako non maligo sa ilog pero pinigilan ko po kayo dahil kakatapos lamang po ng malakas na ulan ng araw na yon kaya malakas ang agos ng tubig ngunit hindi ko po kayo napigilan. Nong nandon na po tayo ay tinulongan kitang alisin ang ibang damit mo dahil sabi mo po ay mahirap maligo ng ganon ang suot. Inayos ko lang po saglit ang damit nyo non para pero pagbalik ko po ay nasa batohan ka na po at nagdudugo ang ulo nyo. alalang alala po ako non. Laking pasalamat ko po non kay Lord Primo dahil dumaan sya malapit don at narinig nya akong humihingi ng tulong kaya mabilis ka po namin naibalik dito" malungkot na sabi nya.
Ganon pala ang nangyari kaya halos limang buwan akong tulog.
"yung lalaking kasunod ng Doctor kanina sino sya?" tanong ko
"Sya po si Duke Damon Nightingale ang ama nyo po"
hindi nga ako nagkakamali nasa loob nga ako ng paborito kong libro at nasa katayuan ako ni Calli. Si Calliope Raelle Nightingale, ang villain sa story na binabasa ko.
Sa pagkakaalala ko ay hindi maaaksidente si Calli nung nalaman nyang ipapaputol ni Carter ang engagement nila dahil may ibang nagugustohan ang prinsipe. Ang alam ko hindi sya pumayag non at sa galit nya ay kung ano anong pang aapi ang ginawa nya sa babaeng nagugustohan ni Carter, si Alora.
Natuloy na kayang ipaputol ang engagement nila? dahil kung oo ay matutuwa ako, dahil hindi naman ako si calli no. Si Czara ako at hindi ko gusto ang prinsipeng yon hmmp!
"Mela, Natuloy ba ang pagpuputol ni Carter sa engagement namin?" tanong ko kay Mela. Gusto kong malaman, dahil kung hindi pa aya ako na ang gagawa.
Ako naman na ang may ari ng katawan ni Calli, kaya Calli pasensya ka na ha? ayaw kong mamatay ulit at hindi mo deserve ang nangyari sayo sa libro. Hindi mo deserve ang mamatay sa kasalanang hindi mo naman ginawa.
"Hindi po natuloy Lady. Dahil na rin po siguro sa limang buwan kang walang malay kaya hindi po naituloy." sagot ni Mela sa tanong ko.
Napatango naman ako at sinabing magpapahinga na muna ako.
Bukas, bukas magsisimula ang pagbabago ng buhay mo Calli.