Chapter 2

1031 Words
Kinabukasan ay nagising na lang ako sa boses ni Mela. "Lady, kailangan nyo na po gumising." "5 more minutes please" "Pero Lady kailangan nyo na po gumising. Kailangan nyo po dumalo sa umagahan" wala akong nagawa kaya bumangon na ako. Agad naman inasikaso ni Mela ang paligo ko. Pagtapos ko naman maligo ay tinulungan ako mag ayos ni Mela at ng matapos ay tuungo na kami sa hapagkainan. Habang patungo sa hapagkainan ay ngumingiti ang mga katulong kay Calli bago sila yumuyuko upang magbigay galang. Sa katunayan ay mabait naman talaga si Calli e, nagsimula lang naging masama ang ugali nito ng malaman niyang puputulin ng prinsipe ang engagement nila. Kaya sa tingin ko ay nasa oras ako kung saan mabait pa si Calli, kaya hindi na mahirap ito. Ng makarating ako sa hapagkainan ay agad kong binati si ama. "Greatings to you,Father" aniya ko. Mukhang nagulat naman sya. Oo nga pala, simula nong mamatay ang mama ni Calli ay hindi na sya gaanong pinapansin ng tatay nya. Ganon din si Calli, hindi nya gaanong binabati o pinapansin ang tatay at dalawang kapatid nyang lalaki. Habang kumakain ay nagiisip ako ng paraan kung paano ko ipapaputol ang engagement ni Calli at ng pesteng Carter na yon. Kailangan ko syang unahan. Ha! baka Czara to hahaha. "Father" aniya ko kaya tumingin sya saakin. Nagpunas naman sya ng bibig nya at saka sya tumango saakin, hudyat na sabihin ko na ang nais kong sabihin. " Maaari nyo ho ba akong tulungan sa pagaayos ng mga papeles para ma-walang bisa ang engagement namin ni Carter?" Tinitigan ako ng mabuti ni Ama at tinatansya kung nagsasabing totoo ba ang sinabi ko. "Pumunta ka sa opisina ko mamaya." Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ng nasa kaligitnaan ako ng pagkain ay biglang nagsalita si Ama. " sa susunod na buwan ay kailangan mo ng pumasok sa academy. Susunduin ka ng kuya mo dito" tumango na lang ako at saka tinapos na ang aking kinakain saka ako umalis don at dumiretsyo sa opisina ni Ama. Nang dumating ako don ay agad akong kumatok kaya ng marinig ko si ama na maari na akong pumasok ay pumasok na ako agad. Pagpasok ko ay agad iniabot saakin ni Ama ang isang folder. "what's this, father?" "open it" kaya naman agad ko itong binuksan at nakita ko ang mga kakailangan kong papeles para mapawalang bisa na ang engagement. Napatingin naman ako kay Ama at tinangoan nya na lang ako. "Process it by yourself. Send a letter to the Prince after this." tumango ako at saka nagpasamat saka masayang umalis ng silid na iyon. I thought it will take long to process this but seems like my father is already ready for this. Agad akong dumiretsyo sa aking silid at sinalubong si Mela ng isang malaking ngiti. Nagtataka naman sya kaya naman hindi nya napigilang itanong kung bakit kaya naman ipinakita ko sa kanya ang papeles na hawak ko. Nagugulat at nagtataka naman syang tumingin saakin ngunit kalaunan ay ngumiti sya at saka masaya nya akong sinalubong ng yakap. nagulat man ay niyakap ko rin sya pabalik. "Mela, can you give me some paper and pen? I need to send a letter to the prince" Nakangiti syang tumango saakin at maya maya lamang ay may dala na syang papel. Kaya naman nagsimula na akong mag sulat ng liham para sa prinsepe. Nang matapos ay ibinigay ko ito kay Mela. "Send this to the Prince" Kinuha nya ito saka sya umalis. Ako naman ay dumiretsyo sa mini library sa loob ng kwarto ko. Kailangan kong magbasa basa dahil kahit nabasa ko na ang librong ito ay kailangan ko pa ring mangalap ng ibang impormasyon. lalo pat papasok na ako sa susunod na buwan. ang alam ko lang ay ang kapagyarihan na meron si Calli ngunit hindi ko alam kung paano ito ipalabas. Marunong ng kumontrol si Calli ng kapangyarihan ngunit hindi gaanong malakas dahil hindi naman sya bihasa sa pag gamit nito. kailangan ko magpalakas para hindi maulit ang nangyari sa libro. nagsimula na akong magbasa basa kung paano ko magagamit ng maayos ang kapangarihan ni Calli. Makalipas ang oras ay madami dami na rin akong nabasa kaya ng sa tingin ko ay sapat ito kaya huminto na ako sa pagbabasa at doon ko napansin na mag gagabi na. Kaya pala ay kumukulo na ang tyan ko dahil nalipasan ako ng tanghalian. Carter's POV Papunta na sana ako sa opisina ko ng makasalubong ko ang secretary ko. May ibinigay itong sulat at sa kulay at tatak pa laman nito ay kilala ko na kung saan galing ang liham na ito. Wala sana akong balak buksan ito dahil malamang ay kay Calli galing ito baka kung tungkol nanaman saan ang laman ng sulat ngunit sabi ng secretary ko ay buksan ko dahil feeling nya ay isang importante ang nilalaman ng liham na hawak ko. Well, feeling nya lang yon. Kidding aside, pagdating ko sa opisina ko ay agad kong binuksan ito at agad binasa. Ngunit pagkabigla ang naramdaman ko tila hindi ko matanggap ang nilalaman ng sulat. Napatingin ako sa secretarya ko na parang na c-curious na ito kung ano ang laman ng hawak kong papel. Ibinigay ko ito sa kanya para naman may alam din sya. Bat parang ayaw ko? Diba ito naman ang gusto ko? ang mapawalang bisa ang engagement na yon kasi hindi sya ang gusto ko at ayaw ko sa presensya ng makulit na babae na yon? pero bakit parang may kaunting kirot akong nararamdaman sa dibdib ko? "bakit parang ayaw mo? diba ito naman talaga ang balak mo para pwede na kayo ni Alora?" tanong ng secretarya ko "Sino bang nagsabing ayaw ko? matagal ko ng gusto ito at tapos na sana itong nagawa kung wala lang nangyari sa babaeng yon. Magbigay ka ng sulat na dadating ako ron bukas upang ibigay ang nais nyang pirma para maputol ang engagement namin" tumango naman sya saka sya umalis. Siguro ay dahil sa hindi ko matanggap na naunahan nya ako kaya ganito ang nararamdaman ko. Inalis ko muna sa isipan ko ang liham na nabasa ko at nagsimula na akong basahin ang mga papeles na kailangan kong taposin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD