Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa opisina ni Papa dahil nandon na raw ang prinsipe. Excited akong naglalakad at pangiti ngiti ang sa mga nakakasalubong kong katulong. Mukhang nagtataka naman sila at may naririnig din akong mga bulongan.
mukhang masaya ang Lady.
kaya nga. Hindi kaya dahil nandyan ang Prinsipe?
Siguro.
Itong mga to bubulong bulong pa naririnig ko rin naman. Hindi ko na lang sila pinansin at saka nagtuloy papunta sa opisina.
Pagdating ko ay kumatok muna ako saka ako pumasok. Nakita kong nakatingin ang tatlong tao saakin na akala mo ay kanina pa ako inaantay. Si Papa ang isang nakatingin saakin at ang isa naman ay ang nakatayo sa gilid ng lalaki kaya baka ito ang secretarya ni carter at sa tingin ko ang lalaking nakaupo ay malamang si Carter ang isang to. Gwapo sya. Pero hindi ko sya type. Ano ba naman yan Calli, ang boring mo naman pumili. Gwapo nga hindi ka naman gusto hay! gusto ko tuloy makita yung pinalit sayo, maganda ba yon? pag hindi nako ka Calli, napakahina mo sa lalaki.
"Good morning, Father and greetings to the Prince of this empire" saka ako nag bow para magbigay galang.
Sinenyasan naman ako ni papa na maupo ako kaya umupo ako sa kaharap na upuan ng Prinsipe. Nagtataka namang nakatingin ang taong nasa gilid ni Carter na parang may mali akong ginawa. Ano? wala naman akong ginawa ah? bat ganto makatigin saakin to. Hindi ba sya sanay na hindi ako malapit sa Prinsipe ngayon? Asa naman kayong uupo ako sa tabi nyang lalaking yan.
Sinenyasan ko si ama na maaari nya na kaming iwan. Medyo nagalangan naman si Papa kaya tumango na lang ako para sabihing ako na ang bahala dito. Nang makalabas si Papa sa pinto ay biglang may nagsalita sa kanila kaya naman tumingin ako sa banda nila. Sa tingin ko ay galing sa Prinsipe ang boses. a iyon.
"Anong pakulo nanaman to? Nagpapapansin ka nanaman ba?" tanong nito kaya naman napairap ako dito. Mukhang nabigla naman ang secretarya nya sa ginawa ko.
"Anong pakulo ang sinasabi mo dyan? Hindi mo ba binasa ang sulat? Kung hindi ay sasabihin ko ngayon para magintindihan mo. Ang laman non ay kaya ka nandito para pirmahan to" tinapon ko naman ang kanina ko pang hawak sa lamesahang nasa harap namin.
"what's this" tanong nya. Ang tanga naman nito Prinsipe ba talaga to? di nya kaya buksan para makita nya.
"tignan mo na lang tapos pirmahan mo agad. Nasasayang oras ko." wow! Czara sa Prinsipe mo pa talaga sinabi yan ha! hmmp! bahala sya dyan gusto ko ng mag ensayo.
Nakita ko namang binuksan nya iyon at bahagyang binasa. Tumingin sya saakin pagkapos nya itong binasa. Wala pa ring emosyon ang lalaking to. Akala ko charot charot lang yung cold sya sa book e. Kasi naman ang sweet nya kay Alora. Oo nga pala nasa katawan ako ni Calli kaya ganyan yan.
"why?" aniya.
"Anong why, why? di mo ba binasa ng maayos?"
"why you suddenly want to break our engagement?"
"paki mo ba? e sa hindi na kita gusto e! kaya pirmahan mo na ang dami pang satsat e" Naaalibadbaran na ako dito dahil kungmakatingin tong isang kasama namin dito ay parang ang werdo ko ngayon.
Pinirmahan nya na ang papel kaya naman pagtapos nya itong pirmahan ay kinuha ko ito agad at masayang tinignan ito. Sa wakas Calli, wala ng bisa ang engagement nyo.
Nakangiti akong lumingon sa kanya at bahagya syang nagulat ngunit bumalik din agad sa dati ang mukha nya. Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna ako dahil may gagawin pa ako kaya umalis na ako don.
"la la la la la" masayang tinig ko habang patalon talon ng bahagya habang patungo sa kwarto. Nakasakubong ko naman si Mela, kaya tinanong nya kung bakit mukhang masaya ako. agad akong sumagot kahit alam kong madaming nakatingin saamin.
"pinirmahan nya na Mela, wala ng bisa ang engagement namin. Malaya na ako Mela!" bahagya ko pa syang niyuyugyog sa balikat. narinig ko ang mga bulongan sa paligid at mukhang nabigla rin sila dahil ang alam nila ay masyado kong mahal si Carter. Yuckkk si Calli yon no, hindi ako.
Umalis na rin ako agad at tumungo sa training room ng Mansion. Mukhang walang tao dito. Pabor saakin yon dahil malaya kong magagawa ang nais ko dito.
Pumunta ako sa gitna at saka umupo. Ang nabasa ko sa libro ay kailangan kong mag concentrate para mapunta ko sa inner self kung saan nakalugar ang kapangyarihan namin. Inalis ko muna ang mga nasa isip ko saka sinimulang mag concentrate.
Ilang minuto pa ay wala na kong maramdaman pang iba sa paligid ko kaya minulat ko ang mata ko at bumungad saakin ang napakadilim na lugar.
hello? asan ako sigaw ko. Pero walang sumasagot kaya ng naglakad na lang ako nang naglakad. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong naglalakad dito pero may nakita akong liwanag di kalayuan kaya naman tinakbo ko iyon.
Nang makarating ako don ay may mga lumilipad na parang maliliit na kung ano at iba iba ang hugis nila. Ang ganda!
Nagulat ako ng may nagsalitasa gilid ko.
"sa wakas napunta ka na rin dito. Ang tagal kitang hinintay na makarating dito."
"Sino ka?"
"Ako si Czarina, ang guardian mo" Czarina? halos parehas kami ng pangalan. Yunh dati kong pangan.
"nasaan ako?"
"nandito ka sa inner self mo para kunin ang kapangyarihan mo. Ang tagal kitang hinintay na makapunta dito para tuloyan mo ng makuha ang kapangyarihan mo. at tingin ko ay ito na ang tamang oras Czara." Nagulat naman ako. Kilala nya ako? Paano?
"Paanong?"
"Hindi pa ito ang tamang panahon Czara. Sa ngayon ay ibibigay ko muna sayo ang kapangyarihan mo. Sa tamang oras at araw makikita mo akong muli at doon ko sasabihin kung ano ba talaga ang nangyayari at kung bakit ka nandyan ngayon"
Pagtapos nyang sabihin yon ay biglang nagliwag at saka ko naramdaman na may pumasok na napakalakas na enerhiya sa katawan ko.
Third Person's POV
Napahinto ang Ama ni Calli dahil sa malakas na enerhiya na nararamdaman nya.
"Nakuha nya na" ani nito.
sa kabilang banda naman ay nagpapanic na ang mga knight at maid dahil sa lakas ng enerhiyang iyon ngunit makalipas ang minuto ay nawala rin bigla ito.
Naiwang nagugulohan ang mga ito kung ano nga ba ang nangyayari.
Samantalang si Calli sa training room ay bahagyang nakatingin sa mga palad nya dahil may kung ano syang nararamdaman sa kanyang katawan.