Nararamdaman ko hanggang ngayon ang kapangyarihan na meron ako. Napakalakas nito. Ang alam ko lang na kapangyarihan ni Calli ay yelo pero bakit masyadong malakas to saka yung mga nakita ko sa inner self ko kanina? Napakarami non. Isa pa, Yung sinabi ni Czarina. Matagal na nya akong hinihintay. Hindi pa ba nakakapunta don si Calli? May tinatago ba si Calli?
Nahulog ako sa malalim na pagiisip ng biglang may narinig akong tumawag saakin, si Mela.
“Lady kailangan nyo na pong kumain ng hapunan.” Aniya. Tumango naman ako saka sumunod sa kanya.
---
Habang kumakain ay napapansin ko patingin tingin saakin si Papa kaya naman tinanong ko sya kung bakit
“ ‘wag mong kalimutan na papasok ka sa Academy sa susunod na buwan kaya kailangan mong maghanda.”
“yes, father”
Matapos iyon ay tinapos ko na ang kinakain ko saka ako umalis don.
Kailangan ko kung magisip kung paano ko makokontrol tong kapangyarihan na hawak ko. Ayaw ko naman mangulelat sa Academya dahil sa pagkakatanda ko ay hindi nakapasok don si Calli dahil sa engagement na yon. Ayaw ng prinsipe na nandon sya dahil na rin siguro nandon si Alora. Pero dahil wala na ang engagement pwede na ako don. Makatulog na nga bukas na lang ako magsisimula mag ensayo.
Nagising ako dahil sa mga bulungan. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay may anim na tao ang nasa harapan ko. Kung tao ng aba ang mga ito dahil mukha silang mga dyos at dyosa dahil ang gaganda nila.
“Mabuti at gising ka na Calli.” Sabi nong babaeng may kulay blue na buhok. Tinitigan kolang sya dahil hindi ko sila kilala.
“mukhang nagtataka ka kung sino kami. Ako nga pala si Wateria, Guardian of Water” sabi non babaeng may asul na buhok.
“ako naman si Airenea, Guardian of Air. Nice meeting you Calli.” yung babaeng may kulay gray na buhok. Mukha syang masiyahin. Ang ganda ng buhok nya sana ako rin may ganon.
“Hi Calli, I’m Earthlea, Guardian of Earth” Nakangiting pakilala nung babaeng may Green na buhok.
“Hi my dear Calli, Blight at your service, Guardian ko Lightning.” Sabi nung lalaking may kulay yellow na buhok. Mukha syang makulit at malanding lalaki. JK. “By the way, those two were Icean and Faerous. Yung kulay white na buhok si Icean yon Guardian of Ice at yung isa naman na may pulang buhok ay si Faerouse, Guardian of Fire” Napatango na lang ako sa sinabi Blight. Mukhang tahimik ang dalawang yon.
“So, nasaan ako at paano ako napunta dito? Ang pagkakaalala ko ay natulog ako sa aking silid."aniya ako.
"pinadala ka namin dito dahil kailangan mong mag ensayo." Thlea
"hindi ba pwede sa training room sa mansion? bakit kailangan dito pa?"
"para hindi nila kailangan malaman na hawak mo ang kapangyarihan."
"ay! ganon? o sige" pag payag ko. hindi na ako ang nagtanong tanong pa dahil pabor din naman saakin yon kailangan kong magpalakas. " kelan ako magsisimula?" pahabol kong tanong sa kanila. Nagkatinginan naman sila at sabay sabay na sumagot ang apat.
" Ngayon!!"
"Ha?! Bakit agad Agad naman?"
"Masyadong marami ang kapangyarihan na hawak mo Calli. Hindi man parehas ang takbo ng oras dito at kung nasaan ang katawan mo ay kukulangin ito." tumango na lang ako.
"sumunod ka saakin ako ang mauunang magtuturo sayo" Thlea. Sumunod naman ako sa kanya.
nandito kami ngayon sa parang gubat. siguro dahil sa kapangyarihan nya.
"umupo ka don sa gitna at mag concentrate ka. Isipin mo ang kapanyarihan na ipapabalabas mo at yung ang earth magic. Alam mo naman siguro ang earth magic ano?" Tumango naman ako "isipin mo na kaugnay mo ito" tumango naman ako saka ako naglakad papunta sa gitna at nag concentrate.
Inisip ko ang mga sinabi ni Thlea. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakaupo dito pero hindi ko pa rin magawa.
"Thlea, ang hirap naman nito e!" reklamo ko.
"wag mo lang kasi isipin, isapuso mo rin. hindi talaga mo talaga mapapalabas yan kung ganyan na gusto mo lang dahil kailangan mong mangpalakas." aniya. Ahh okay.
Pumikit na muli ako saka nag concentrate. Inisip ko na iisa kami ng kapangyarihan ko at maya maya pa ay may nakita akong kulay brown na ilaw kaya nilapitan ko ito. Nang malapitan ko ito ay kusa itong lumipad saakin at kusang pumasok sa katawan ko.
Nagawa ko na ba? Ano ng susunod?
Bigla ko naalala yung mga nabasa ko nakakagawa sila ng kung ano ano gamit ang kapangyarihan nila. Ma try nga.
Minulat ko ang mata ko saka tinignan ang kamay ko. Inisip kong bumuo ng pana na gawa sa baging dahil isa ito sa alam kong gamitin nung nasa katawan pa ako ni Czara. Maya maya ay umilaw ang kamay ko saka ko nakita ang pana na gaawa sa baging. Napangiti naman ako saka natutuwang tumingin kay thlea.
"Magaling. Mukhang madali mo lang mahahasa ang kapangyarihan mo" ngumiti naman ako at pinalik ang tingin sa kamay ko saka ko to inasinta sa bunga ng puno na nakita ko ilang metro ang layo saamin. BInitawan ko na ang palaso ng sa tingin ko ay tama na ang kalkula ko kung saan dapat tatama ito.
Bullseye! haha isa ito sa armas na bihasa ako kaya madali na lang ito. tumingin naman ako kay thlea at mukhang hindi nya iyon inaasahan pero ngumiti rin naman sya saakin ng maka recover na sya sa pagkabigla.
pagtapos non ay sinubukan kong gawin ang mga nabasa ko sa libro na pwedeng gawin sa kapangyarihan ko. buti na lang mahilig akong magbasa noon kaya may sapat akong knowledge sa mga gantong bagay. Nang matapos ako ay lumapit na ako kay Thlea na bahagyang nakasimangot. nagtataka naman akong nakatingin sa kanya kaya nagsalita na sya.
"hindi mo man lang ako hinayaan na turuan ka hmmp!" patampong sabi nito kaya tumawa na lang ako
" saan mo ba nalaman ang mga iyon?" tanong nito.
"sa libro" maikling sagot ko.
" o sya. sa tingin ko ay ang maituturo ko na lang sayo ay ang mahasang mabuti yang kapangyaihan mo."
pagtapos nyang sabihin yon ay nagsimula na ulit akong mag ensayo pero ngayon ay tinuturuan na ako ni thlea.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming nageensayo pero nakaramdam na ako ng pagod at gutom kaya sinabi ko ito kay thlea.
"Thlea magpahinga na tayo. nagugutom na rin ako, ilang oras na ba tayong nag eensayo?"
" dalawa"
"dalawang oras lang yon?" nagugulat kong tanong. bakit parang ang tagal naman?
"dalawang araw"
"Ha?!"
" Oo, Dalawang araw na"
"hindi mo man lang ako pinakain at pinatulog? anong klaseng guardian ka?" pagrereklamo ko dito.
" e hindi ka naman nagrereklamo e. O ngayon nagreklamo ka na pwede ka ng magpahinga at kumain" nakangiting sabi nito.
" you're crazy" sabi ko dito saka tinahak pabalik ang dinaanan namn nung papunta kami dito.