Chapter 1

1712 Words
Sabi nila kaya inilagay ang utak ng tao mas mataas sa puso niya ay upang ito ang masunod. Ang puso daw kasi ay parang isang lason sa sistema ng katawan na kailangan pigilan. Kung hindi masusugpo ang kagustuhan nito tiyak ang pagdadala ng kapahamakan. Huli na ng mapagtanto ko na tama ang bagay na to. Huli na rin dahil sirang sira na ako. Sinunod ko ang t***k ng puso ko kaya ngayon ay durog na durog na ako pati damdamin ng mga tao sa paligid ko. Kung maibabalik ko lang ang oras at panahon baka sakaling masupil ko ang aking emosyon. Hindi sana ako nag mahal ng taong pag aari na ng iba. Hindi sana ako nasasaktan. At hindi sana ako tinatawag na isang kerida! AKO SI GWEN. AT ITO ANG AKING KWENTO. ------------------------------ CHAPTER1 ------------------------------ AURORA STATE UNIVERSITY BALER, AURORA GWEN POV ------------------------------- "OMG! GWEN!" narinig kong sigaw ng kaibigan kong si Annie habang papasok siya ng classroom namin. Sa sobrang lakas ng boses niya ay halos mapatingin sa kanya lahat ng classmate namin. "Bakit ba? Ano bang problema?" naiiskandalong tanong ko sa kanya. "Kung makasigaw ka para kang nawawala, eh," natatawang biro ko sa kanya at ipinagpatuloy ko na ang pagsisilid ng chocolates sa hawak kong plastic. Ilang minuto na lang kasi ay pupunta na kami sa gym para sa mini-program na hinanda ng staff and faculty. Valentine’s day kasi at naging tradisyon na ng school ang magkaroon nga ng special event ‘pag ganitong day. "Gaga! Masaya lang ako para sa’yo! Tingnan mo iyon, oh!" kinikilig na sabi niya sabay turo niya sa gawing pintuan. Siyempre, automatic na napatingin ako do’n. Nakita ko nga na may isang lalaking nakatayo doon at may dalang malaking boquet of roses. Sa laki nga no’ng hawak niyang bouquet ay halos hindi na matanawan ang mukha niya. Bigla tuloy akong kinabahan. Naisip ko na hindi naman siguro pupunta dito ang boyfriend ko dahil busy siyang masyado sa trabaho. Pero siyempre, malay ko! Hindi naman masamang umasa. Valentine’s day naman, eh. "Kayo po ba si Ms.Gwendolyn Tenorio?" nakangiting tanong sa akin no’ng lalaki. For a moment ay napatitig ako sa kanya kasi nga kahit medyo pawisan siya ay ang fresh pa rin niyang tingnan. In short, may itsura talaga siya. ‘Yon nga lang, disappointed ako kasi imbes na jowa ko ang may dala ng bulaklak ay delivery boy lang pala. E, ‘di boom basag! Asa pa kasi ako! "Ako nga," alanganing sagot ko. Nahihiya kasi ako dahil naglapitan na ang mga usiserong mga classmates ko. "Para po ito sa inyo, ma'am," sabi no’ng delivery boy sabay abot sa akin no’ng malaking boquet. "Pa-receive na lang po." Noong inabot ko ‘yong flowers ay inulan na ako ng tuksuhan. Basta tilian sila nang tilian. Ganito naman lagi ang sitwasyon ‘pag may mga nabibigyan ng bulaklak ng mga syota nila o manliligaw. Nasundan ko na nga lang ng tingin ‘yong delivery boy na pogi, kabuntot ‘yong guwardiya namin sa school. Hindi naman talaga kasi nagpapapasok sa school ng mga outsider, allowed lang specially today dahil Valentine’s day. "Ayieeee!" tilian no’ng mga tsismoso at tsismosa na nakibasa sa message na nandoon sa card. Actually, ay wala namang sinabing kahit ano doon kundi "happy valentines day and I love you". Printed pa nga ‘yon kaya parang walang feelings. Pero ganon pa man ay kinilig talaga ako. Hindi ko akalain na mag-e-effort ‘yong jowa ko nang ganito. "Ang ganda," humahangang sambit ko habang pinagmamasdan ko ‘yong red roses na sa tingin ko ay halos isandaang piraso. Ang ganda-ganda kasi ng ayos nito kaya panigurado ay mahal ito. "Ang haba talaga ng hair mo, frenny! Biruin mo, happy na, valentines pa?" biro ni Annie na natatawa. "Napaka-unfair talaga ng life, ‘di ba? Nakakainis, tapakan ko nga ang hair mo!" Kunyari ay imbyernang sabi niya tapos ay tinapak-tapakan nga niya ‘yong sahig. "Oy, aray naman! Huwag nga ‘yong buhok ko! Ang hirap kaya mag shampoo!" natatawang pagsakay ko sa biro niya sabay kunwari ay hinawi ko at hinila ko ang super long hair ko na naapakan niya. Sa ginawa kong ‘yon ay nagtawanan kami na parang mga luka-luka. "Pero sa totoo lang, ha! Ang gwapo no’ng nag-deliver ng flowers! Akala ko nga siya ‘yong boyfriend mo, eh!" maya-maya ay sabi sa akin ni Juvy. "Hoy, Juvz ha, pati ‘yong delivery boy tina-target mo! Ganyan ka na ba kadesperada?" Natatawang sita sa kanya ni Annie. Sa kulit nilang dalawa ay natatawa na lang ako habang pinapakinggan ko sila. "Hindi, noh!" tanggi niya pero nasa itsura naman niya ‘yong nagka-crush talaga siya. "Gusto ko lang naman makilala ‘yong boyfriend ni Gwen. Kasi maliban sa sobrang sweet na ay very galante pa! Sana all may jowang nagbibigay ng roses!" kinikilig at naiinggit pa na sabi ni Juvy habang nakikiusyoso siya sa flowers na hawak ko. Sa aming tatlong magkakaibigan ay siya ang pinaka-hopelessly romantic. Para sa kanya ang pag-ibig ay parang isang fairytale. Kinain na talaga kasi siya ng sistema ng K-drama sa kakapanood niya kaya ang choosy niya sa syota. "Kahit walang roses! Basta may jowa, okay na sa akin yon! Huwag ka ngang ano diyan! Gusto mo pa talaga may ibibigay eh," salo agad ni Annie sa usapan at namumusit na tinaasan pa niya ng kilay si Juvy. Para sa kanya naman kahit hindi pogi o mayaman ang lalaki. Basta mahalaga ay pag-uukulan lang siya ng oras at pansin ay okay na ‘yon. "Ikaw nga ‘yong ano diyan eh, kasi syotang-syota ka na, ‘di ba?" napipikon na hirit naman ni Juvy sa kanya. "Oy, hoy! Huwag nga kayong mag-away!" pigil ko sa kanila bago pa sila magkainitang dalawa. "Valentines na valentines magkakainisan pa kayo? Kayo na nga lang ang magtitiyaga sa isa't isa dahil pareho kayong walang nobyo, noh!" natatawang biro ko pa. "Gwen naman!" sabi nilang dalawa sabay ungol pa na tumatanggi sila. "Joke lang naman ‘yon, kayo naman, oo!" sabi ko at nag-peace sign pa ‘ko. "Kidding aside frenny, kailan mo ba ipapakilala sa mga naggagandahan mong kaibigan ‘yang jowa mo? Aba, sinagot mo nga ‘yan ng hindi namin nakikita, ‘di ba? Hanggang ngayon, no show pa din ba? Eight months ago na ‘yon, ha!" sabi ni Annie na nanlalaki ang mga mata. Kung dahil nang-aasar lang siya o nagtatampo talaga siya ay hindi ko alam. Hindi agad ako nakakibo sa sinabi niyang ‘yon. Ang totoo ay guilty ako, kahit kasi picture ng boyfriend ko ay hindi ko maipakita sa mga bruhang to. Ang sabi ko na lang ay medyo private siyang tao at nasa malayo nga. "Oo nga naman, Gwen. Siyempre gusto naming makilala kung anong klaseng lalaki ‘yang si Mr.R at napatibok ang pihikan mong puso. Imagine ang dami mong manliligaw dito sa school dahil bukod sa sobrang talino mo na ay sobrang ganda mo pa, ‘di ba?" salo ni Juvy sa usapan na iisipin ko talagang seryoso kung hindi ko sila nakita ni Annie na nagkindatan. "Oy, hoy! Mga bruha kahit bolahin n’yo pa ko nang todo, wala akong maipakikitang jowa sa inyo ngayong araw," sagot ko na nagbelat pa ako. "Nasa malayo kasi siya kaya nga sobrang lungkot niya kagabi no’ng magkausap kami dahil gusto nga sana niyang makilala kayo. Umaasa kasi siya na pareho kayong mabait at matalino. Eh, hindi niya alam nagjo-joke lang naman ako," sabi ko at nagbibirong tumawa pa ako. "Foul na ‘yan, ha! Pinuri kita tapos ilalaglag mo lang pala kami?" nakataas ang kilay na sabi sa akin ni Juvy pero halatang natatawa din siya. "Hindi, ah! Apura nga ang build up ko sa kanya. Basta pangako naman niya ‘pag nag-date kami, isasama namin kayong dalawa," nakangiting pangako ko sa kanila. "Sasama talaga ako! At saka pakisabi na rin sa jowa mo, magbitbit na rin siya ng mga tropa niyang pwedeng ka-date!" tatawa-tawang dagdag pa ni Annie. Nasa usapan kaming nagkukulitan no’ng may mga narinig kaming yabag ng mga nagtatakbuhan. Basta ‘yong parang may gulo silang pupuntahan. "Hoy, mga bruha tara manood tayo ng nag-aaway!" humahangos na yaya sa amin no’ng isang classmate namin na napadaan. "Bakit? Ano bang nangyayari?" nagtatakang tanong ko. "Basta pumunta na tayo para may maabutan pa tayo!" sagot lang nito at binilisan na ang pagtakbo. "Grabe ‘yong mga tao dito oo! Parang mga bata basta makausyoso," kakamot-kamot sa ulong sabi ni Annie pero nagmamadali namang iniligpit ang mga gamit niya tapos ay inaya na rin kaming magpunta. So, ayon nga, after kong itabi ang bouquet ko ay pumunta na kami sa site no’ng kaguluhan, doon sa gymnasium. Bale, malayo-layo din ang tinakbo namin kaya pagdating namin doon ay patapos na ang pangyayari. Ang building kasi namin sa Physical Therapy ay nasa gawing likuran ng gym kaya na-late na talaga kami. "Ano bang nangyari?" uyoso ni Juvy sa kakilala niyang nursing student. Hindi kasi kami makasingit sa ibang mga nang-uusyoso. "E, ‘di ayon, may delivery girl ng bulaklak na bigla na lang nagwala kanina dito at sinugod ‘yong classmate n’yo yata ‘yon. ‘Yong maganda na sosyalera! Ano na ngang pangalan no’n?" tsismis agad nito na halos bumula na ang bibig. "Si Roxanne?" panghuhula naman ni Juvy. Nasa treinta lang kasi kaming magkakaklase na graduating na sa Physical Therapy. At sa beinte na babae sa group namin ay si Roxanne lang talaga ang maporma at laging standout sa mga gamit at damit niya. "Oo! ‘Yong si Roxanne! Aba! Kaya pala laging may bagong gamit ang bruha, kabit pala siya. As in may sugar daddy pala siya, ha! So, ayun bistado na pala siya no’ng asawa. Kaya sinugod siya dito kanina, grabe as in inaway siya! Sinampal siya, sinabunutan siya na parang shooting sa isang pelikula. As in nakakahiya! Ang dami talagang nakakita!" "Totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Juvy "Nakakatakot talagang maging kabit! Matatalino na kasi ang mga legal wife ngayon tulad no’ng mga nasa drama, ‘di ba?" comment pa ni Juvy sa sinabi no’ng tsismosa. Magsasalita pa sana siya kaso napatigil siya dahil biglang nahawi ang mga tao sa gawi namin tapos ay bigla na lang tumahimik. Noon pala kasi ay dadaan ang bida ng eskandalo. Si Roxanne Bernardo. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD