Chapter 2

1753 Words
CHAPTER 2 -------------- GWEN POV -------------- Hindi ko alam kung sinadya niya o nagkataon lang na ako talaga ‘yong nabunggo niya. Tapos no’ng dumaan siya ay nagkatitigan kaming dalawa. Medyo gulo gulo kasi ang buhok niya dahil na rin siguro sa pagkakasabunot sa kanya kaya hindi ko masyadong kita ang mga mata niya. Pero ganon pa man ay hindi nakaligtas sa akin ang ang uri ng ipinukol niyangtingin. Para kasing may kahulugan ‘yon tapos ay nakita ko pang tumaas ang gilid ng labi niya. Kung napapangiti pa siya sa kabila ng pang iiskandalo sa kanya ay baka isipin ko nga na nasisiraan na nga siya. Kasi kung sa akin nangyari ‘yon baka namatay na ko sa hiya. Wala na kasi akong maihaharap na mukha sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa mga taong naniniwala sa pagkatao ko. "Hoy Gwen! Natulala ka naman diyan!" narinig kong sabi sa akin ni Annie sabay kaway pa nga niya ng kamay niya sa mukha ko. "Naawa ka ba kay Roxanne? Eh kahit kaklase pa natin yon, hindi naman kayo close no’n. Tsaka huwag kang maawa sa kanya! Dapat nga sa mga katulad niya nagtatanda para huwag ng umulit pa!" naiinis na sabi pa niya. Alam ko naman na may pinaghuhugutan si Annie ng galit niya. Naiinis kasi talaga siya sa mga kabit dahil naaalala niya sigurado ang tatay niya na matagal nang sumakabilang bahay. I mean sumama na sa babae niya at iniwan silang totoong pamilya niya. Wala akong naging reaction sa sinabi niya basta nasundan ko lang ng tingin si Roxanne hanggang sa makita ko siyang gumawi na doon sa may palikuran. "Ano ba to?" tanong ko sa isip ko sabay pulot ko do’n sa natapakan ko. Isa ‘yong gold bangle bracelet na ang style ay hati sa gilid. Noong tingnan ko ang loob noon ay nabasa ko agad ang pangalan ni Roxanne doon. Naisip ko na baka nahubad ‘yon sa kanya kanina no’ng nabunggo niya ako no’ng dumaan siya. "Pano na ‘yan? E, ‘di cancel na ang program?" nanghihinayang na sabi ni Juvy habang nakatingin kaming tatlo sa mga disenyo sa labas ng gym na halos nasira na. Nabunggo ata kasi ‘yon ng mga nag-away kanina. "Sayang naman ‘yong malaking tower ng puso, nabuwal lang. Hindi pa nga tayo nakakapagpa-picture do’n, ‘di ba?" reklamo pa niya. Basta apura lang ang reklamo no’ng dalawa hanggang sa puntahan na nga kami ng mga guwardiya at inatasan na bumalik na sa eskwela. "Gwen san ka ba pupunta?" takang tanong sa akin ni Juvy no’ng umiba ako ng daan sa kanila. "Mauna na kayo, may dadaanan lang ako," sagot ko at umalis na agad ako. Sa CR ako nagpunta para isoli ang bangle ni Roxanne sa kanya. Tamang-tama at naabutan ko naman siya na naghihilamos sa may lababo nga. Noong makita ko siya ay nag alangan ako na lapitan siya. Ang totoo isang taon pa lang kaming magkakilala dahil kaka transfer lang din niya. Tapos kahit nga magkaklase kami ay wala ring chance na nagkakausap kami. Bukod kasi sa ayaw nila Annie na makipag-usap kami sa kanya ay mailap din talaga si Roxanne sa mga tao sa paligid niya. "May kailangan ka ba sa akin Madam Class President?" tanong niya sa akin habang walang emosyon siyang nakatingin. Basang-basa pa ang mukha niyang namutla na no’ng natanggal ang make-up niya. Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng pagkaawa sa kanya. Lalo pa nga at bakas na bakas sa maganda niyang mukha ang mga kalmot at pasa na tinanggap niya. Gulo-gulo pa rin ang buhok niya at madumi na rin ang kulay white na uniform niya. "Napulot ko ‘to, isosoli ko lang sa’yo," sabi ko sabay abot ko sa bangle niya na hawak-hawak ko. "Salamat," simpleng sabi niya no’ng kinuha niya ‘yon sa akin at tiningnan. "Bigay ito no’ng pangatlong sugar daddy ko," balewalang sabi niya sa akin sabay shoot niya no’n sa basurahan. Nagulat man ako sa ginawa niya ay hindi ko na pinahayag ang panghihinayang ko. Tutal naman ay parang wala ng halaga sa kanya ang bagay na ‘yon. "Gamitin mo na ‘to, malinis ‘to," alok ko sa kanya at ibinibigay ko ‘yong panyo ko. Pero imbes na kunin niya ‘yon ay tiningnan lang niya ako at ngumiti siya. "Nagtataka ako kung bakit nandito ka. Kung nakikisimpatya ka ba sa akin o makikitsismis ka lang since hindi mo napanood ‘yong nangyari kanina. Alin do’n sa dalawa?" tanong niya sa akin habang hindi ko mabasa ang emosyon niya. Kung she's being sarcastic o ganito lang talaga siya. "Una sa lahat Roxann0e, hindi ako makikitsismis at lalong hindi ako nakikisimpatya sa’yo. Nagkataon lang na ako ang nakapulot ng bracelet mo kaya kita sinundan dito. Iyon lang ‘yon at wala na akong ibang dahilan," seryosong sagot ko sa kanya. Kung mayroon siyang gustong patunayan sa pag-uusap naming dalawa ay gusto ko talagang malaman. "Oo nga naman, bakit ka nga pala makikisimpatya sa akin?" natatawang tanong niya sa akin. "Hindi naman tayo magkaibigan at lalong imposible namang maintindihan mo ‘yong kalagayan ko, ‘di ba? There's no way na ang isang katulad mo, Gwen, na almost perfect ay gagawin ang immoral na ginawa ko, tama ba?" sarcastic na tanong niya na agad nagpataas ng presyon ko. Nainis niya ako, hindi lang dahil sa sinabi niya kundi maging sa uri ng pagkakatingin niya sa akin. ‘Yon bang kulang na lang ay isigaw niya sa mukha ko na may alam siya tungkol sa akin. Sasagot sana ako para depensahan ang sarili ko sa sinabi niya nang bigla namang may ibang mga estudyante ang umeksena. "Sa iba na lang tayo mag-CR, may virus pala dito, eh. Mamaya niyan mahawa pa tayong tatlo," pagpaparinig no’ng isa sa mga kasama niya. "Anong virus? May higad kamo! Sa sobrang kati sa may asawa pa pumapatol! Diyos ko, hano!" sagot naman no’ng isang kaibigan niya na nakita kong tumirik pa ang mga mata. "Tara guys! Alis na agad tayo. Nakakadiri kasi at may kabit pala dito. As in hello, nakakahiya, noh!" maarteng sabi pa no’ng isa tapos ay nakita kong dumura pa siya. "Alam n’yo kung sino ang nakakadiri dito? Kayo ‘yon! Kasi maliban sa pagiging pakialamero n’yo! Sobra ang pagiging tsismosa n’yo! Kung aalis kayo, umalis na lang kayo! Kung anu-ano pa ang mga sinasabi n’yo, eh!" galit na sabi ko. Sa inis na nararamdaman ko ay hindi na ako nakapagpigil na singhalan sila. Ewan ko ba naman at na bwisit talaga nila ko sa mga attitude nila. Akala mo mga santa na walang mga nagawang pagkakamali sa tanang buhay nila. Noong marinig nga nila akong nagalit sa kanila ay agad agad din silang nagpulasan. "Chill ka lang! Ako ang sinabihan nilang kabit Gwen at hindi ikaw," narinig kong sabi ni Roxanne sa akin habang naglalaro ang isang pilyang ngiti sa labi niya. Sa part na ‘yon ay nakaramdam ako ng something para sa kanya. Kung inis din ‘yon ay hindi ko alam basta lalo niya kong pinakaba. Hindi ko tuloy nagawang sumagot sa kanya like may part sa pagkatao ko ang ininsulto niya. "Sayang, gusto pa naman kitang maging kaibigan," sabi niya na may panghihinayang habang papalapit siya sa akin. "Pero tingin ko imposible pa ‘yon sa ngayon pero alam ko na darating din ang araw na yon," dagdag pa niya at ngumiti siya sabay kuha niya ng panyo sa kamay ko at ipinamunas niya ‘yon sa mukha niya. Pagkatapos ng ginawa niyang ‘yon ay nagulat pa ko no’ng bigla siyang mag-lean forward sa akin at bumulong. Sabi niya, "Kumalas ka na hangga't may oras ka pa." Pagkatapo noon ay ibinalik niya sa akin ang panyong ginamit niya at umalis na siya. Matagal nang wala si Roxanne sa harap ko ay nanatili pa rin akong nakatayo sa pwesto ko. Para bang naestatwa na ako doon at wala akong ibang nagawa kundi ang ikuyom ang mga kamao ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung may alam talaga si Roxanne tungkol sa pakikipagrelasyon ko sa isang lalaking taken na o nanghuhula lang siya. Basta ang alam ko, hindi naman ako matatawag na kabit dahil hindi pa naman kasal si Rael sa longtime girlfriend niya. Saka nangako siya sa akin na makikipaghiwalay na siya sa babaeng iyon. Kaya darating din ang panahon na magiging legal na kaming dalawa; ‘yong hindi na kailangan pang magtago at magkunwari na wala kaming relasyon na dalawa. Ang kailangan ko lang ay ang maghintay. Iyon lang! Hindi ko kailangang ma-guilty o masaktan. Dahil hindi ako masamang babae, natuto lang talaga akong magmahal. "Gwen! Nandito ka lang pala kung saan-saan ka namin hinanap!" narinig kong sabi ni Annie sa akin. "Oo nga! Ang tagal mong mag-CR, nasira ba ‘yong tiyan mo?" salo naman ni Juvy na nasa tono pa ang pagbibiro kaysa ang pag-aalala. "Ang oa n’yo naman!" natatawang sabi ko. Siyempre, pagharap ko sa kanila ay automatic na naka-smile na ako. "Tara, libre ko na lang kayo ng milktea para naman makabawi ako sa inyo. Nakakahiya naman kasi kung pinag-alala ko pa kayo, ‘di ba?" nang-aasar na sabi ko sa kanila at inakbayan ko pa silang dalawa. "Sa part na nag-aalala, hindi masyado, frenny. Pero sa part na ililibre mo kami ng milktea, yes na yes kami diyan," natatawang sagot ni Annie. "Ah, ganoon? Ang hirap pala talaga kung ‘yong mga kaibigan mo mga dead hungry, hano?" komento ko. "Dead hungry?" tanong ni Juvy na may pagka-slow mag-isip. "Dead hungry, meaning, patay-gutom! Ano ka ba naman?" natatawang sagot ko. "Ganoon? Kaibigan ka ba talaga naming, ha?" kunwari ay nagtatampong sabi pa niya. "Huwag ka na ngang umarte diyan, Juvz! Mamaya nyan magbago pa ng isip si Gwen at hindi na maglibre. Milktea na naging bato pa!" angal sa kanya ni Annie na natatawa. "O, siya! Ano pang hinihintay natin? E, ‘di tara na!" natatawang aya ko sa kanila tapos ay nagpatiuna na ako sa paglalakad sa kanila. Mamaya niyan ay mapansin kasi nila na may iniisip ako at baka magsipagtanong pa. Hindi rin naman ako makakasagot kaya mahirap na. -------------------------- "Kumalas ka na hangga't may oras ka pa." Parang tangang napailing-iling ako no’ng maalala ko na naman ‘yong mga salitang sinabi sa akin ni Roxanne kanina. Actually ay halos hindi nga ‘yon naalis sa isip ko. "Parang ganoon lang kadali ‘yon," bulong ko sa sarili ko. Sa inis ko ay napabuga tuloy ako ng hangin. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD