Chapter 3

1639 Words
CHAPTER 3 ------------- GWEN POV ------------- Kung may makakakita sa akin ngayon ay aakalain pang nalugi ako sa negosyo o di kaya ay nakipag break ako sa syota ko. May hawak man kasi akong malaking palumpon ng mga rosas ay hindi naman ako masaya. Minsan pa ay tinignan ko ang message na pinadala ko kanina sa boyfriend ko. Actually ay napanis na nga yon kasi ilang oras na ba ang lumipas simula nung mai-send ko yon? 48 years na ata. Ewan ko ba naman at ayaw nyang mag reply, samantalang wala naman akong sinabing masama. Nag thank you lang ako para sa mga roses na pinadala nya at binati ko din sya. Masama ba yon? Boyfriend ko naman sya di ba? Haist! Minsan pa ay napabuga ako ng hangin at itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag aabang ng bus pauwi sa amin. Kasalukuyan kasi akong nasa waiting shed at naghihintay nga. Nasa ganon akong moment nung tumunog ang cellphone ko at nag vibrate ito. Himala at tumatawag ang boyfriend ko. Agad agad kong pinindot ang answer button. Pero nakaka ilang hello na ako ay wala namang sumasagot. Basta parang may kung anong ingay lang don then nagulat pa ako ng biglang may babaeng nag salita. Ewan ko kung guni guni ko lang yon pero parang sabi nya ay: darling! Tapos biglang nag end call na yon at isang text nalang ang dumating. Love: I'll call you later. I'm with Rina. Basa ko don sa text nya. Sobrang nakaka dismaya! Nakakasira na nga ng araw, nakaka iyak pa! Oo na! Kasama nyang original nya! Alam ko naman yon! Kailangan pa ba talagang banggitin nya ang pangalan ng babaeng yon? Sa inis ko ay binura ko agad ang message nya at pagalit na ibinalik ko sa bag ko yung cellphone ko. "Nakaka badtrip yung nagpadala sayo!" Parang tangang kausap ko sa boquet na hawak ko. Sa inis ko talaga ay yung bulaklak na ang pinagdiskitahan ko. Sino ba ang may kailangan ng mga bulaklak na tulad nito? Hindi naman masaya makatanggap nito lalo na kung alam mo na yung taong nagpadala nito ay nasa piling ng ibang tao. Sa isipin kong yon ay hindi na ako nagdalawang isip na i-shoot ang pobreng bulaklak sa malaking basurahan na nasa gilid nung waiting shed. As in talagang itinapon ko na yon kaya naman nagulat ako nung biglang may taong nag appear sa tabi ko at sinapo yon. "Ooopps!" Narinig kong sabi nya sa paraang para syang nakasapo ng bola sa isang football game. Basta parang ganon! Kasi nga ay napigilan ng mga kamay nya yung bulaklak sa pagsayad sa basurahan nung initsa ko yon. "Dahil naiinis ka sa manliligaw mo ay itatapon mo na agad to? Sayang naman," sabi pa nya at inaabot pabalik sa akin yung boquet. Nakakainis! Bakit ba sya nakiki alam? Nung mapatingin ako sa mukha nya ay bigla kong naalala yung delivery boy kanina. I'm sure na sya yung lalaking yon dahil tandang tanda ko talaga sya. "Ayaw mo na dito?" Nagtatakang tanong nya nung hindi ako kumilos para kunin yon. "Itatapon ko na nga sana di ba? Malamang sa ayaw ko na nga dahil kung gusto ko pa yan, tingin mo itatapon ko?" Sabi ko sa kanya na halatang halata ang pagiging pilosopo ko. "Ang sunget naman nito," bulong nya pero narinig ko naman sya. "Anong sabi mo? Masungit ako?" Iritadong tanong ko. Ay nako! Bakit ba ko nakikipag usap sa mokong na to? Hindi naman kami close, ni hindi nga kami magkakilala eh. "Wala po! Ang sabi ko ang ganda mo pero may pagka masungit ka," natatawang alibi nya. Nung mapatingin ako sa mukha nya ay daplis na akong mapatitig sa kanya kasi nung ngumiti sya ay lumitaw pa yung dimples nya sa pisngi nya. Hindi ako mahilig sa mga totoy na gwapo o sa mga ka edad ko kaya nagtataka ako kung bakit parang naging interesado pa ko sa itsura ng ungas na to. Okay at may itsura talaga sya and matangkad pa. Maganda yung mata nya, matangos ung ilong nya. Maganda rin yung lips nya. Basta ganon! Mas napagmasdan ko kasi ang mukha nya ngayon dahil hindi na sya nakasuot ng cap. Na siguro ay uniform nila sa pagiging delivery boy kasi naka all green sya kanina. While ngayon ay nakasuot naman sya ng school uniform which gave me the idea na baka working student sya at sa gabi ang klase nya. Para hindi nya ko mahalata na sinusuri ko sya ay lumingon nalang ako sa ibang direksyon at nanahimik nalang ako. "Ayaw mo na talaga nito?" Maya maya ay tanong nya sa akin tapos inaabot nya ulit yung boquet. "Nahirapan ako sa pag deliver nito kanina tapos hindi mo pala na appreciate," dagdag pa nya na may hinampo pa sa boses nya. Wow ah! Nag complain talaga sya? Akala mo naman na sya ang nagbayad eh nagdeliver lang naman sya! "Kung sobra ang panghihinayang mo, edi sayo na," masungit na sabi ko sa kanya buti nga ay napigilan ko ang sarili ko na irapan sya. Pasensya nalang sya at wala talaga ako sa mood ngayon kaya nakakatikim sya ng katarayan ko. "Talaga ba? Sure ka na diyan ah. Salamat," narinig kong sabi nya. Kahit hindi ko sya tignan ay alam ko na naka ngiti sya. "Bakit mo nga pala inayawan yung mga bulaklak na to? Nag away ba kayo nung manliligaw mo?" Tanong nya maya maya sa akin. Hanep! Naki usyoso pa talaga? Paki explain? "Kung sino man ang kaaway ko, sa akin nalang yon," masungit na sagot ko sa kanya. "Paki alamero naman nito," yung huling sinabi ko ay pabulong na. Pero feeling ko ay narinig din nya dahil natawa sya. Napatingin tuloy ako sa kanya kaya napansin ko na may hawak pala syang maliit na boquet. Pero isang piraso lang ang rose na nandon. Sa isip ko ay pupuntahan nya siguro yung girlfriend nya at kaya sya nanghihinayang sa boquet ko kasi nga can't afford sya tapos ako itatapon ko lang di ba? Well, ano namang pakialam ko kung ibigay nya yon sa iba. Basta ako itinapon ko na yon kasi nakakainis yung taong nagpadala non. Nasa badtrip mode ako nung biglang may tricycle na huminto sa gawing harapan ko. Nagulat pa nga ako nung tawagin nya ko sa pangalan ko. "Mang Roding kayo po pala, san po ang punta nyo?" nakangiting tanong ko sa kanya kahit sure ako na makiki usyoso lang talaga sya. Hashtag- tsismosong kapitbahay spotted haha "Sa bahay ng ate Hilda mo at dadalin ko itong mga pinadala nyang gamit," sagot naman nito na isinenyas pa yung mga naka karga sa tricycle nya. Si ate Hilda yung anak nya na nag asawa na at lumipat na nga ng bahay. "Ah ganon po ba? Pakisabi nalang po kay ate Hilda, kahit nasa malayo na sya dadalasan pa rin po nya ang pagdalaw sa lugar natin." "Sige at makakarating. Ikaw? Pauwi ka na ba o may date ka pa? Araw pa naman ng mga puso ngayon," segway nito sa usapan sabay sulyap sa lalaking kasama ko. Ayun! Edi tama ako at may iba pa syang pakay! Nahulaan ko nang ito ang itatanong nya. Napaka tsismoso talaga! Kung bakit ba kasi timing naman na walang ibang tao ang nag aabang ngayon dito kung hindi kami nung ungas na to sa tabi ko. Bakit ba kasi nag pa late pa kami ng uwing magkakaibigan, eto tuloy napala ko. "Pauwi na rin po ako Mang Roding," pilit ang ngiting sagot ko. Sa totoo lang naidalangin ko na sana lumayas na ang usyoserong ito. "Hindi ko alam na may nobyo ka na pala at ang gandang lalaki pa," nakangising puri nya. "Hindi ko kasi napapansin na may dumadalaw sayo sa bahay nyo. Puro manliligaw lang ng ate mo," madaldal na sabi pa nya. Nakakatuwa talaga itong si Mang Roding. Sige mag share ka lang. Ang BAIT mo mag bigay ng information, huwag ka naman sana agad kunin ni Lord. "Ah nako hindi ko po sya nobyo!" Mabilis na tanggi ko at napailing iling pa ako. Feeling ko nga ay namula talaga ang mukha ko dahil nag init ito. "Kuuu! Ako ba naman ay paglilihiman nyo pa?" Nagdududang tanong nya. "Papunta palang kayo ay pabalik na ako. Dinanas ko din yan nung kabataan ko," natatawang sabi pa nya habang pinagsasalin salin nya ang tingin sa aming dalawa. Tapos na focus yung mata nya sa malaking boquet na nakikita nya. "Mang Roding mali po kayo ng iniisip, hindi ko nga po kilala tong lalaki na ito eh tsaka," di ko na naituloy ang sasabihin ko nung makita ko na naka ngiti lang ang mokong sa tabi ko. Nakakainis naman at wala ba syang balak na tumanggi man lang? Natural pagkakamalan nga sya na syota ko. "Hayaan mo at kung hindi pa kayo nag sasabi sa inyo ay hindi naman kita isusumbong sa nanay mo," pilyong banat pa nya tapos ay nagpaalam na agad sya at hindi na ako pinakinggan pa. Aba lokong yun ah! Nasa ganon akong moment nung bigla akong may natanawan sa di kalayuan. Bali kasi yung waiting shed na malapit sa school namin kung saan ako nag aabang ay may mga business stores din na nasa kabilang daanan. So nung napatingin ako sa gawing yon ay may nakita akong pamilyar na babae na pasakay sa magarang sasakyan. At halos manlaki ang mga mata ko nung makilala ko kung sino sya. Sya lang naman si Ms. Rina Grona, ang long time girlfriend ng lalaking karelasyon ko. Pero ano ang ginagawa ng babaeng yan dito? Akala ko ba ay naka out of town silang dalawa? Biglang bumaha ang agam agam sa dibdib ko. Kung hindi si Rina ang kasama nya ay sino yung babaeng may ari ng boses sa telepono kanina? Posible kaya na maliban akin ay may iba pa syang kerida? Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD