Chapter 4

2233 Words
CHAPTER 4 ------------- GWEN POV ------------- Nakuyom ko nalang ang mga kamao ko sa tensyong unti unting sumasalakay sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tama bang ibilang ko ang sarili ko sa grupo ng mga tinatawag nilang kerida, third party, fling o kung ano man ang dapat itawag sa nakikisawsaw sa relasyon ng iba. Alam ko naman na hindi ko sinadya na maging katulad nila, nagmahal lang naman talaga ako. Nung makita ko na umalis na ang sinasakyan ni Ms. Rina ay nasundan ko nalang iyon ng tingin tapos ay napabuntong hininga ako. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na isipin ang mga kaganapan kung paano at bakit ako napasok sa tinatawag nilang bawal na relasyong ito. Walong buwan na ang nakakaraan pero sariwang sariwa pa rin sa isip ko ang mga pangyayaring nagdaan. ---------------------- FLASHBACK ---------------------- LINE TOWER 8 Months Earlier ----------------------- Naalala ko yung unang araw na nag kakilala kami ni Ms.Rina sa condo unit nya. Sa lugar kung saan nag simula ang lahat. "Wow! Ang ganda naman po dito Ms.Rina," puri ko agad sa condo nya pagpasok na pagpasok palang namin. Hindi ko nga naiwasan ang ilibot ang paningin ko sa buong paligid. Nasisiyahan kasi ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Bukod kasi sa napaka ganda ng puting puting itsura ng buong lugar ay mukhang mamahalin pa ang mga gamit dito. "Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong nya sa akin at automatic na napatango ako. "Opo. Kasing ganda nyo po ang lugar na to," puri ko rin sa kanya kaya mas lalong lumuwang ang pagkakangiti nya. Sa totoo lang ay nahahawigan ko nga sya kay Ina Reymundo na isang local artist. Kahit nakasuot lang sya ngayon ng puting robe ay mukha pa rin syang celebrity. "Bolera ka ha!" Natatawang sabi pa nya tapos ay sumenyas sya na maupo muna ako sa sofa. "Ikukuha muna kita ng maiinom," inform pa nya sa akin tapos ay iniwanan na muna nya ako. Napasunod nalang ako ng tingin sa kanya kaya kitang kita ko din ang sexy back nya. Ang alam ko ay 45 years old na si Ms.Rina pero parang nasa 20's pa rin ang itsura nya. Ganon yata talaga pag fashion model ka. Alagang alaga dapat ang beauty mo at ang katawan mo. Naagaw ng isang malaking portrait na nasa wall ang atensyon ko kaya automatic na napatingin ako don. Si Ms.Rina yon kasama ang isang lalaki. Na tingin ko ay hindi magpapahuli sa kagwapuhan ni Diether Ocampo o kahit sa kakisigan ni Piolo Pascual. "Gwapo noh?" Natatawang tanong nya sa akin nung mapansin nya na nakatingin ako sa picture nila. Inilapag nya sa table don ang slice ng cake at juice tapos ay tinabihan nya ako. "Asawa nyo po?" Naisipan ko tuloy itanong. Mamaya nyan ay mag assume ako tapos ay hindi naman pala. "No. Pero malapit na," nakangiting sagot nya. "Konting kulit nalang nya ay sasagot na talaga ako ng "yes!" natatawang dagdag pa nya. Oo nga pala at na chismis na sa akin ni tita Roberta ang tungkol sa bagay na yon. Na nagpa-plano na talagang magpakasal si Ms.Rina kaso ay hindi lang daw matuloy tuloy dahil sobrang busy nito sa career at ganon din naman ang boyfriend nito sa negosyo. Si tita Roberta ay kasamahan ni nanay sa simbahan na nagkataong kamag anak ng manager ni Ms.Rina. Siya ang nag rekomenda sa akin na taga masahe nga ni Ms.Rina. Nakakahiya nga at ipinagmalaki pa nya na magaling ako sa kurso kong physical therapy at top ako sa practical exams namin. Mamaya nyan ay mag expect sya na sobrang galing ko di ba? Nung una ay ayaw ko nga sana pero dahil sinabi ni tita Roberta na napasubo na sila ni nanay sa manager ni Ms.Rina ay pumayag na rin ako. Naisip ko kasi na sayang din ang kikitain ko, pandagdag din iyon sa pambaon ko o pambili ng gamot ni lolo. "Ituloy nyo na po ang pagpapakasal dahil sobrang bagay na bagay po kayo. Tapos po gumawa po kayo ng maraming babies. I'm sure po na sobrang gaganda ng mga magiging supling ninyo ni sir dahil ang gaganda pong lahi nyo eh," nakangiting suhestiyon ko pa. Nakita kong ngumiti lang sya ng bahagya at hindi yon umabot sa mga mata nya. "Sorry po, may nasabi po ba akong mali?" Nag aalalang tanong ko. "Wala naman. Natuwa nga ako sa sinabi mo na magiging maganda yung mga magiging anak ko. Sana, kung pwede lang akong magka anak di ba?" malungkot na sagot nya. Hindi ako nakakibo sa mga sinabi nya. Sa kadaldalan ko kasi ay may sugat pa yata akong nasaling sa buhay ni Ms.Rina na ayaw na sana nyang maalala. Nakakainis naman ko. Ayan tuloy bigla akong nawalan ng gana sa kinakain ko. "Ang totoo, bata palang ako ay nagkaroon ako ng karamdaman sa matres ko. Kaya kinakailangang tanggalin yon para mabuhay ako. So ayon, kahit babae ako ay parang wala naman akong silbi sa lipunan," malungkot na kwento pa nya. Tapos ay napa buntong hininga pa sya para pigilan ang panggigilid ng mga luha nya. "Kaya nga ayaw ko din magpakasal kay Rael eh. Naisip ko para saan pa? Hindi ko naman sya mabibigyan ng anak. Baka pagtumagal na kaming kasal ay maging mapaghanap sya at maging dahilan pa yon ng pag iwan nya sa akin di ba?" Dagdag pa nya tapos ay nakita kong pinunasan nya agad ang mga luhang pumatak sa pisngi nya. "Sorry Ms.Rina, hindi ko na dapat pa sinabi yung kanina. Nalungkot pa po tuloy kayo," nag aalang sabi ko tapos ay nilapitan ko sya para i-comfort. "Okay lang, wala ka namang kasalanan eh. Buti nga nandito ka para pakinggan yung hinaing ko. Pasensya ka na ha," nakangiti ng sabi nya habang nagpupunas sya ng mga mata. "Kung kailangan nyo po ng makaka usap nandito lang po ako at handang makinig," sincere na sabi ko sa kanya. "Ang totoo po Ms.Rina iniisip ko po na tama din po kayo sa dahilan nyo na hindi agad pagpapakasal. Importante po na may anak na nagbubuklod sa mag asawa para maging masaya ang pagsasama ng buong pamilya. Pero naniniwala din po ako na importante din po na isa-alang alang po ninyo ang kaligayahan ninyo above all. At alam ko po na magiging mas masaya po kayo ni sir pag naging mag asawa na po kayo," pagbo-voice out ko sa iniisip ko. Napansin ko na parang napatulala sya sa akin. Siguro ay nahiwagaan sya sa sinabi ko dahil kahit kakakilala lang namin ay talagang nakuha ko agad magpayo. Ay juice mio! Ano ba naman ako oo! "Sorry Ms.Rina, ang daldal ko kasi kung anu ano ang mga pinagsasabi ko," nag aalalang sabi ko at halos mapayuko ako sa pagka pahiya ko. Late ko na kasi na realized ang katabilan ng dila ko. "Okay lang! Ano ka ba?" Natatawang sabi nya sa akin. "Natutuwa nga ako sayo dahil sa wakas nakakita na ko ng taong pwede kong maka usap na magiging honest sa nararamdaman nya o iniisip tungkol sa akin," sabi nya na nag thumbs up pa sya. "Sa totoo lang, sa career ko napaka daming taong plastic. Kunyari masaya sila para sa akin o nalulungkot sila para sa akin. Pero ang totoo kabaligtaran naman yon ng iniisip at nararamdaman nila," inform pa nya sa akin at napa buntong hininga pa tuloy sya. Yung parang sumakit pa nga yung ulo nya nung naisip nya yung mga kakilala daw nya na namamlastik lang sa kanya. "Ikaw Gwen, may boyfriend ka na ba?" Maya maya ay tanong nya sa akin habang pinapanood nya ako sa pagkain ko. "Wala po," diretsong sagot ko. "Pero okay lang po. Kasi pag nakikita ko po yung ibang kaibigan ko na umiiyak at nasasaktan dahil sa nagmamahal sila parang nare-relieved ako na single lang ako. Pag uwi ko sa bahay wala akong iisipin na wala pang nag te-text sa akin o wala pang nag re-reply. Walang commitment, walang headache, yung ganon po ba!" Natatawang sagot ko sa kanya. "Pero kabaligtaran yan ng sinabi mo sa akin kanina. Di ba sabi mo importante ang isipin ang kaligyahan above all? Pinipilit mo pa nga akong magpakasal di ba?" Nalilitong tanong nya. Basta nakatingin lang sya sa akin at komportableng hinihintay yung sagot ko habang naka pangalumbaba sya. "Magkaiba naman po tayo ng sitwasyon, kayo po may on going na karelasyon. Ako naman po ay wala. Kung darating po yung panahon na magkaka jowa ako, sisiguraduhin ko naman po na ipa-prioritize ko po ang kaligayahan ko," honest na sagot ko sa kanya. "Kaso nga lang po sa ngayon ay wala pa talaga, kaya bokya!" Natawa sya sa pahayag kong iyon. "Ikaw talaga oo! Wala talaga akong laban sa mga matalinong batang katulad mo," nakangiting sabi nya. "Nako oo nga pala," nagulat na sabi nya nung mapatingin sya sa orasan nya. "Baka gabihin ka ay mapagalitan pa tayo ng nanay mo, tapos hindi na ako makaulit sayo. Magsimula na kaya tayo?" "Sige po," sang ayon ko naman tapos ay sumunod ako sa kanya nung inaya nya akong pumasok sa isang kwarto doon. Nung makita ko nga yung lugar ay namangha na naman ako kasi ang ganda talaga ng mga kagamitan don. Simula sa massage bed na kulay puti rin hanggang sa mga disenyo na nasa wall. Simple lang pero napaka sosyal. "Hihiga na ko ha," inform nya sa akin. At hindi na ako nagulat nung hubarin nya ang robe na suot nya sa harap ko at tumambad sa akin ang kahubdan nya. Di ko naiwasan ang pagtingin sa sexy body ni Ms.Rina. Sa suot nyang bikini ay kitang kita ang hubog ng katawan nya. Sana all kahit nasa 40's na ay maganda pa rin ang pangangatawan. "Uhmm... diyan nga medyo stiff yung muscles ko noh?" Narinig kong sabi ni Ms.Rina nung minamasahe ko na sya. "Opo. Nakuha nyo po siguro ito dahil sa pagtayo o pag upo ng matagal. Ang the best po sa ganito ay ang hot stone massage, nakakapawi po yon ng muscle pain at nakaka relax po," inform ko sa kanya. "Ah, so pag ba physical therapist ka ginawa nyo rin ang pagmamasahe na tulad non? Or mga massage therapist lang talaga?" "Massage therapist po talaga ang gumagawa non. Yung therapy po kasi nila ay for immediate relaxation of pain and muscle spasms. Ang mga physical therapist naman po ay more on sa rehabilitation ng muscle and joint function. Pero nagmamasahe po talaga kami. At napag aralan ko na po yung hot stone massage dahil sa panonood ko po ng mga demo nila kaya pwede ko po yon gawin sa inyo," medyo proud na sagot ko. "Talaga ba?" Narinig kong sagot nya after nyang mapaungol sa ginawa kong pag masahe sa likod nya. "Kaya nga mas gusto ko ang mga physical therapist kaysa sa mga pro na masahista kasi feeling ko mas marami silang nalalaman. Parang ikaw, ang swerte ko pala at nakilala kita," pambobola pa nya sa akin. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Ms.Rina dahil nakapadapa sya sa massage bed ay alam ko na nakangiti sya. Ako rin naman kasi ay ganon sa kanya, masaya din ako. Bukod sa nakakatuwa na napuri nya ako ay iba din sa pakiramdam ang maka kilala ng isang fashion model na katulad nya. Nag kwentuhan pa kami ni Ms.Rina ng kung anu ano bago sya tuluyang igupo ng antok. Hinayaan ko nalang sya na magpahinga tutal sabi nya ay pagod talaga sya. So nasa mode akong tahimik at nagko concentrate sa ginagawa ko nung maramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Kaya naman automatic akong napatingin sa gawing pintuan. At doon nga ay nasalubong ko ang pares ng mga mata na nakatunghay sa akin. Nung moment na yon ay hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa akin. Pagkakita ko palang sa matangkad at matipunong lalaki na nasa gawing pinto ay kumabog na agad ang dibdib ko. Sa suot nyang slacks at light blue na longsleeve na nakalupi sa gawing siko nya ay talagang mukha syang artista. Basta kakaiba yung itsura nya kaya napatitig talaga ako sa kanya. Kung baga, kung nasa ibang sitwasyon sana kami ay baka na love at first sight pa ako sa kanya. Agad akong napatigil sa ginagawa ko. Sasabihan ko sana si Ms.Rina na nandito yung boyfriend nya. Kaya nga lang ay sinenyasan ako nung bagong dating na huwag na tapos ay ngumiti sya sa akin. "Tuloy mo lang yan," sabi pa nya sa akin nung medyo nakalapit na sya. Mama mia! Ang ganda ng boses nya. As in lalaking lalaki at malayong malayo sa boses ng mga kaklase o kaibigan kong lalaki. Tumango lang ako at ginawa ko naman yung sinabi nya. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko syang naupo sa couch doon, sa gawing right side ko. Kahit hindi ko sya tignan ay alam ko na pinagmamasdan nya ang mga kilos ko. Hindi ko alam kung bakit ganon ang pakiramdam ko o kung nagiging assuming lang ba ako. Hanggang sa hindi ko na makaya ang weight ng tingin nya kaya luminga na ko sa gawi nya. Nung tama nga ako sa hinala ko at nakatitig sya sa akin ay ako pa ang nahiya sa kanya. Kasi yung reaction nya nung tignan ko sya ay nakita kong napangiti pa talaga sya. "Honey, nandito ka na pala!" narinig kong sabi ni Ms.Rina na nagising na pala. Hindi nya naitago ng excitement sa boses nya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD