Chapter 5

2191 Words
CHAPTER 5 -------------- GWEN POV -------------- Nung kumilos sya para bumangon ay tinulungan ko sya. Sinuot lang nya yung robe nya tapos ay dire-diretso na syang sumalubong don sa jowa nya. Syempre nung makalapit na sila sa isa't isa ay automatic naman na nagyakap sila at at syempre naghalikan. Hindi lang basta halikan kundi halos laplapan. My goodness! Para lang naman akong nanood ng isang pelikula. As in ako pa talaga ang nahiya sa kanilang dalawa kaya ako yung nag adjust. Binaling ko nalang sa ibang lugar yung tingin ko. Kaso nga lang ewan ko ba at parang tukso naman na napatingin pa ulit ako. Nung moment nga na yon ay nahuli ko pang nakatingin sa akin yung lalaki habang hinahalikan nya si Ms.Rina. Nasa gawing likuran kasi ako ni Ms.Rina kaya kaming dalawa yung magkaharap. Ewan ko ba at parang may kakaiba akong naramdaman sa paraan ng pagkakatingin nya sa akin. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na parang kay sarap naman makulong sa matipunog bisig na yon. At paano kaya kung ako yung hinahagkan nya? Hala! Bakit ba kasi ganon sya makatingin sa akin? Kung anu ano tuloy ang kahalayan na pumapasok sa isip ko? Ewan ko ba! Kasi parang... Parang inaakit nya ko! "Gaga! Bakit ka nya aakitin? Sige nga? Ambisyosa!" Parang tangang kinagalitan ko ang sarili ko sa mga pantasya ko. Oo nga naman di ba? Nahihiyang nagbawi na naman ako ng tingin ko. "Bakit hindi ka nagpasabi na pupunta ka dito?" Malambing na tanong ni Ms.Rina sa kanya habang naka yapos pa rin sya. Nakalimutan na yata talaga ang tungkol sa akin pagkakita nya don sa jowa nya. "Surprised nga eh. May surprised bang sinasabi?" Pa sweet naman na sagot nung kausap nya na napatingin na naman sa akin tapos ay hinalikan nya ulit ng mabilis sa labi si Ms.Rina tapos ay sa gawing leeg nya. "Honey! ano ba?" Kunyari ay tanggi nya at medyo tinulak pa nya yung syota nya pero halatang gustong gusto naman nya. "May bisita ako, teka ipapakilala kita." Sa wakas ay naalala din nila yung audience nila. "Honey, si Gwen nga pala. Sya yung kinu-kwento ko sayo na physical therapist na referral ni tito Vic," masayang pakilala sa akin ni Ms.Rina sa nobyo nya. "Hi Gwen, my name is Rael," sabi naman nung ipinakilala nya sabay lahad ng kamay nya para makipag kamay sa akin. "Hello po sir," nakangiting bati ko sa kanya. "May oil po kasi yung kamay ko kaya.." "Okay lang yan, hindi naman ako maselan," putol nya sa mga sasabihin ko at sya na mismo ang umabot ng kamay ko para hawakan yon. Nagulat man ako sa ginawa nya ay hindi ako nagpahalata. Saglit lang naman yon at ako lang yung OA na nakaramdam ng something sa pagduduop ng mga palad namin. Hay nako! Juice colored! Hindi ko naman gusto ang lumandi lalo na sa taong may sabit na. Pero bakit naman kasi nung nag saboy ng s*x appeal ang Diyos Ama ay sinalo naman ata kasi lahat ng lalaking ito. "Paano ba yan? Hindi ako nag luto ng hapunan?" Maya maya ay namo-moblemang tanong sa amin Ms.Rina. "Oorder nalang kaya ako para makakain tayo?" "Hindi na po ako kakain dito," maagap na sagot ko sabay tingin sa wristwatch ko. "Baka po kasi gabihin na din ako eh," alibi ko ulit. Syempre namilit pa ulit sila bago sila pumayag na umuwi na nga ako. So ganon nga ang nangyari, nung inabutan ako ng sobre ni Ms.Rina ay nagpasalamat na ako at nag paalam. "Ihahatid ko na sya hanggang sa baba," narinig kong sabi ni sir Rael na ikinagulat ko. Pumayag naman si Ms.Rina dahil ang dahilan nya ay may nakalimutan rin naman sya sa sasakyan nya. So syempre hindi naman ako tumanggi at inisip ko na lang na sasabay lang naman talaga sya sa pagbaba nya at walang malisya yon. Pag sakay namin ng elevator ay medyo crowded kaya naman talagang nagkalapit kaming dalawa. Naramdaman ko pa ngang medyo kinabig nya ang balikat ko para protektahan ako sa matabang lalaking katabi ko. Alam ko na wala lang iyon sa kanya dahil likas siguro ang pagiging gentleman nya. Pero sa part ko ay may epekto yon dahil medyo na move ako sa ginawa nyang yon. Inalok pa nga nya akong ihatid nalang sa bahay namin. Pero syempre dahil sobrang abala at nakakahiya na yon ay tumanggi talaga ako. Kaya ang ginawa nya ay nagpatawag nalang sya ng taxi at sya na din ang nag bayad. Bago nga ako tuluyang umalis ay binilinan pa nya ang taxi driver na iuwi ako ng maayos. Tapos daw ay magtext ako kay Ms.Rina kung nakauwi na ako sa bahay. Basta ganon, ang sweet nya. Kaya nga simula nung gabi na yon ay hindi ko na nalimot ang mga kabaitan nya lalo na ang mga ngiti nya sa akin. Lumipas ang mga araw na naaalala ko pa rin sya. Pero syempre ay hindi ko na inaasahan na makikita ko syang muli. Alam ko kasi na taga Maynila sya at pumupunta lang sya dito sa probinsya pag dinadalaw nya si Ms.Rina. Kaya nga nagulat pa ko isang araw na nakasalubong ko sya sa hallway nung hospital sa bayan namin nung minsang sinamahan ko si lolo sa check up nya. As in hindi lang ako nagulat kundi kinabahan pa. "Gwen, it's you right?" Nakangiting bati nya sa akin sabay alis nya ng suot nyang shades. "What are you doing here? Nagpa check up ka ba?" Nag aalalang tanong pa nga nya. "Hi sir Rael," nakangiting bati ko rin sa kanya habang pinipigilan ko ang sarili ko na humanga sa kanya. Sa itsura naman kasi nya ngayon ay masasabing para talaga syang magnet na mapapatingin ka talaga. "Hindi po, sinamahan ko lang sa check up yung lolo ko." Sasagot pa sana sya nung may dumating naman na matandang lalaki at kinausap na sya. Basta narinig ko na nag usap sila tungkol sa business matters nila. Tapos ay nagpaalam na din sya agad sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang panghihinayang ko habang sinusundan ko sya ng tingin palayo. Gusto ko pa sana syang makausap at makasama. Hay nako! Gwen epal mo ha! Sigaw ng isip ko. Magka crush lang kasi ako ay sa taong taken pa. Sabagay, sabi naman nila crush is only paghanga sa poging binata. Tsaka ano naman ang masama? Binata pa naman sya di ba? Pagdadahilan ko pa. Kaya nga lang, taken is taken na. Tsaka matanda na sya, halos doble ng edad. Pero age doesn't matter di ba? Hay nako! Ang gaga ko talaga! Para kong nasisiraan habang nakikipagtalo ako sa sarili ko. So ayon, lumipas ang mga oras na malungkot ako. Wala na nga yata akong ginawa kundi amg lumingon ng lumingon sa paligid ko. Yung parang umaasa talaga ako magkikita pa kami ulit ni sir Rael. Bagay na malabo ng mangyari dahil nga eto at tapos na ang check up ni lolo at pauwi na rin kami. Kaya nga nagulat pa ako nung isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan namin nung timing na nag aabang kami ni lolo ng masasakyan sa waiting shed. Nung bumaba ang bintana non at nakita ko na si sir Rael ang driver ay biglang lumukso ang puso ko. Inalok nya kami na ihahatid na daw nya kami sa pag uwi kaysa mahirapan pa si lolo sa pag aabang ng masasakyan. Syempre hindi na kami nakatanggi dahil personal pa syang bumaba ng sasakyan nya at ipinakilala ang sarili nya na kaibigan ko nga. Then inalalayan pa nya si lolo sa pagsakay na halos buhatin pa nga nya. On our way ay niyaya pa nya kaming mag merienda. Nung tumanggi kaming mag lolo ay nag insist syang mag takeout nalang kasi daw ay nagugutom na sya. Kaya nga pagdating namin sa bahay namin ay hindi naman sya agad umalis at nakipag kwentuhan pa. Kaya nga nalaman ko rin na maglalagi sya sa lugar namin dahil may business syang inaasikaso. Basta ganon, kwento lang sya ng kwento. Nakuha nga nya agad ang loob ni nanay at ni lolo lalo na nung malaman nila na boyfriend sya ni Ms.Rina. Nakwento ko kasi sa kanila kung gaano ito kabait at kagalante. Habang nasa bahay namin si sir Rael ay apura nga ang sabi ko sa kanya na nahihiya ako at na istorbo pa namin sya. Kahit deep inside me ay natutuwa talaga ako. Maliban kasi sa masaya akong nakikita ko sya ay matagal ko pa syang nakasama. "Ang swerte mo, ang bait ng pamilya mo," nakangiting sabi nya sa akin nung hinatid ko na sya sa sasakyan nya. "Oo naman sir. Salamat din po sa oras and pasensya na kung ang kulit nung nanay at lolo ko," natatawang sabi ko. "Ako nga ang nakaistorbo. Baka may date ka pa, hindi ka na tuloy nakaalis. Sunday pa naman ngayon," nagbibirong tanong nya. "Wala akong ka date noh! Si sir talaga! Bully!" Pabebeng sagot ko. Nung mapangiti sya ay napangiti na rin ako. So ayon, matagal na syang wala ay nakapakat pa rin ang ngiting yon sa labi ko. Ewan ko ba naman at bakit sobrang saya ng pakiramdam ko. At yung pakiramdam na yon ay lalo pang umigting lalo na at naging madalas ang pagkikita namin ni sir Rael. Hindi ko alam kung sinasadya nya o nagkakataon lang na tuwing nasa isang lugar ako ay bigla nalang din syang susulpot sa tabi ko at magpapakita. Tulad nga nung minsang sumama akong magsimba kay nanay. Pero dahil nga isa syang miyembro ng pastoral ay naiwan pa sya dahil meron pa daw silang kinakailangang pag meeting-an. So syempre ako naman uuwi na talaga ako kung hindi lang bigla na naman akong na pick up ni sir Rael sa may abangan ng bus. Ayaw ko nga sanang sumama sa kanya kaya lang ay nakiusap naman sya na samahan ko daw sya na bilan ng regalo si Ms. Rina. Syempre nahiya naman akong tanggihan sya kaya sinamahan ko na rin sya. Nag punta kami sa isang sikat na tindahan ng alahas at ako ang pinamili nya ng design. Yung napili ko ay yun na agad ang binili nya. Tapos nag merienda na muna kami tapos ay nag decide na umuwi na. "Sorry, nabasa ka tuloy," narinig kong sabi nya sa akin nung pagkasakay naming dalawa sa sasakyan nya. Imbis kasi na kukunin nya muna sa parking lot ang sasakyan ay nag insist ako na sasama ng maglakad sa kanya. Ewan ba naman at bigla nalang bumuhos ang ulan nung nasa kalagitnaan na kami ng daan. Kaya ang ending nagtatakbo kaming dalawa papunta sa sasakyan nya habang nakatabing sa amin ang ilang pinili nya. "Okay lang sir, hindi naman ako masyadong nabasa, ikaw nga diyan yung mas naulanan," sabi ko sa kanya at ewan ba kung bakit automatic nalang na tumaas ang kamay ko na may hawak na panyo para punasan ang mukha nya na nabasa. "Sorry po," bawi ko agad sa kamay ko at iniaabot ko nalang sa kanya yung panyo. Nakita ko na napangiti sya tapos ay inabot nya ang kamay kong yon at iginiya nya para punasan ko pa ang mukha nya. Nailang ako ng husto. Hindi lang dahil sa ginagawa namin kundi sa paraan nya ng pagkakatitig sa akin. Kumabog agad ang dibdib ko nung marahan nyang hinawakan ang mukha ko tapos ay sinalat nya ng daliri nya ang labi ko. Alam ko, hahalikan nya ko. Kaya nga hindi na ako nagulat nung bumaba ang mukha nya para tawirin ang kaunting distansya ng mga labi namin. Alam kong mali pero wala akong sapat na lakas ng loob para tanggihan sya. Dahil alam ko sa sarili ko na nasasabik ako na maranasan ko ang mga halik nya. Hindi ko man kasi aminin ay alam ko naman na nahulog na talaga ang loob ko sa kanya. First kiss ko ito kaya wala akong experience. Kaya nung naglapat ang mga labi namin ay halos kilabutan ang buong katawan ko dahil sa sensasyong dulot non. Masuyo akong hinalikan ni sir Rael hanggang sa madarang nya akong tumugon sa ginagawa nya. Automatic na ibinuka ko ang bibig ko para mas mahalikan pa nya ko. Nung una ay marahan lang iyon hanggang sa naging mapusok na. Narinig ko na parang napaungol sya dahil sa pagtugon na ginagawa ko sa paghalik nya. Ako naman ay hindi ko akalain na ganito pala kasarap ang mahalikan ka ng taong gusto mo. Sabi nga nila ay heaven sa pakiramdam. Kaya nung mga oras na yon, sa kabila ng malakas na pagbayo ng ulan sa may labas at sa kabila ng malakas ang aircondition ng sasakyan ay nag iinit talaga ang pakiramdam ko. "Gwen," narinig kong ungol ni sir Rael nung saglit nyang bitiwan ang mga labi ko. Nagtitigan kami at kitang kita ko sa mga mata nya ang pagnanais nyang halikan ulit ako. Nung dumampi ulit ang labi nya sa labi ko ay buong puso ko syang tinanggap at tumugon ako. Nadarang na kasi ako sa ginawa namin hanggang sa lumalim na ang halikan naming dalawa. Hindi ko alam kung gano katagal naming ninamnam ang labi ng isa't isa hanggang sa leeg ko naman ang pinuntirya nya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD