Chapter 6

2242 Words
CHAPTER 6 --------------- GWEN POV --------------- Hinalikan nya ako don kaya halos mapaungol ako sa kakaibang sensasyon non. Kinilabutan ako at halos makiliti ako sa sarap ng pakiramdam non. "Sir Rael," ungol ko nung maramdaman ko na bumaba na nang bumaba ang paghalik nya sa akin. Mula sa labi ko pababa sa leeg ko at pababa pa. Naramdaman ko na din ang mainit na palad nya sa gawing tiyan ko dahil halos naingat na nya ang blouse na suot ko at papunta na ang mga haplos nya sa gawing dibdib ko. Sukat doon ay biglang bumalik ako sa ulirat ko. At sa natitirang katinuan ko ay pinigilan ko sya sa balak nyang gawin sa akin. Nung maisip ko kasi na nobyo na ng iba ang lalaking kapiling ko ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang mainit na damdamin na nararamdaman ko para sa kanya. "Huwag," determinadong sabi ko sa kanya at itinulak ko sya ng marahan. Nakita ko sa mukha nya ang pagtatanong nya at lubos na panghihinayang. Hindi ko nagawang salubungin ang tingin nya kaya lumingon nalang ako sa labas ng bintana. Hindi ko rin nagawang kumibo kaya umayos nalang ako ng upo at inayos ko rin ang sarili ko. Nahihiya ako kay sir Rael at nahihiya din ako sa sarili ko. Sa karupukan ko at sa pagkakadarang ko sa pangyayaring ito. Narinig kong napabuntong hininga sya tapos ay umayos din sya ng pagkaka upo nya. Siguro ay hindi rin nya ma explain sa sarili nya kung ano yung nangyari at biglang may namagitan sa aming dalawa. Naisip ko pa nga na siguro ay namimiss lang nya si Ms.Rina kung kaya't nalito sya kaya pati ako ay pinatulan nya. I'm sure mamaya lang ay magso-sorry na sya sa ginawa nya. Sasabihin nyang nabigla lang sya at hindi nya sinasadya. Na kung pwede ay kalimutan nalang namin ang nangyari. Ewan ko ba at sa isipin kong yon, imbis na maginhawahan ang kalooban ko ay mas naawa pa ko sa sarili ko. Pinigilan ko tuloy ang umiyak. Wala ako sa lugar para gawin yon dahil ako yung mali. Nagpadala ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Yung para bang nakahinto lang talaga ang sinasakyan namin para manood ng malakas na pag ulan sa labas ng bintana. Sa katahimikan nga ng paligid ay wala akong naririnig kundi ang pagtibok ng puso ko at ang maya't mayang pagbuntong hininga nya. "Gwen look," basag nya sa katahimikang iyon. Nung tignan ko sya ay bakas sa mukha nya ang matinding paghihirap nya. Naisip ko na siguro ay hindi nya malaman kung paano sya hihingi ng tawad sa akin o ang hilingin na kalimutan nalang namin ang lahat. "Okay lang!" Putol ko sa lahat ng sasabihin nya. "Kalimutan nalang natin lahat ng nangyari, wala lang naman iyon di ba?" Sabi ko na pilit kong pinasaya ang boses ko at kunyari ay natatawa pa ko. Kahit deep inside ay gusto ko na talagang umiyak dahil nasasaktan ako. "What are you saying? Anong wala lang iyon?" May galit sa boses na tanong nya. "We've just kissed Gwen! Naghalikan tayo dahil pareho nating ginusto ang bagay na iyon! Because we have feelings for each other, kailangan pa ba nating itanggi yon ha?" Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nya. Hindi dahil alam ko na may galit ang mga salita nya. Kundi dahil sa sinabi nyang may feelings daw kami para sa isa't isa? Meaning ba ay pareho lang kami ng nararamdaman? Gusto rin nya ako? Pero paano mangyayari iyon? Paano si Ms.Rina? Paano ang napipintong kasal nila? "I know, hindi tamang sabihin ko sayo ang totoong nararamdaman ko dahil may nobya na ko at doble ang edad ko sayo. Pero Gwen, simula ng makilala kita hindi ka na naalis sa isip ko. Maniwala ka sana," Sincere na sabi pa nya sa akin habang nakatitig sya. Tapos ay marami pa syang mga bagay na ipinaalam sa akin. Again, hindi ko nagawang sumagot sa rebelasyon nya na yon. Hindi ko kasi alam kung paano ako magre-react at ano ang mararamdaman ko. Kung magiging masaya ba ako dahil gusto nya rin ako o malulungkot ako dahil sa ibang bagay na nalaman ko buhat sa kanya. Ipinagtapat kasi nya sa akin ang totoong standing ng relasyon nila ni ms.Rina. Na hindi na talaga sila masaya at pinipilit nalang nila na patagalin pa ang relasyon nila. Ang totoo daw kasi ay maraming beses na nya itong tinangkang hiwalayan ngunit sa tuwi-tuwina ay nagtatangka itong magpakamatay kaya hindi nya talaga maiwan. Hindi na nya ito mahal at naawa nalang sya. Nung araw daw na nakilala nya ko ay parang may parte ng pagkatao nya ang muling nabuhay. Dahil sa unang tingin palang daw nya sa akin ay nagustuhan na nya ako kung kaya't napag desisyunan nya gusto na ulit nya na maging masaya. "Alam ko, isa akong selfish bastard for saying all of this. Pero yan talaga ang totoo," sabi nya sa akin sa malungkot na tinig tapos ay napabuntong hininga na naman sya. "Gwen, God knows how much I like you to be my girl. But I don't want to force you into this," sabi pa nya sa akin sa paraang parang hirap na hirap sya. Nung hindi ako sumagot sa sinabi nyang iyon ay malungkot na pinaandar na nya ang sasakyan at sinabi nyang ihahatid na nya ako. Naguguluhan man ako sa sitwasyon naming dalawa ay sigurado na ko sa sarili ko na gusto ko rin naman sya. Yun nga lang ay ayoko pumasok sa isang relasyon na hindi ako sigurado kung may kalalagyan ba talaga ako. "Mas okay siguro sir kung sa may kanto mo nalang ako ibaba," nahihiyang suggestion ko sa kanya nung malapit na kami sa lugar namin. Tinignan nya ako sa parang nagtatanong ang mga mata nya dahil sa sinabi ko pero hindi sya kumibo at sinunod nalang ako. "Salamat sa oras na binigay mo sa akin para samahan ako," narinig kong sabi nya sa akin nung hininto nya yung sasakyan malapit sa waiting shed. Tapos ay kinuha nya yung mga pinamili namin sa backseat at inaabot sa akin. "Sorry nagsinungaling ako. Para talaga sayo ang lahat ng ito at hindi para kung kanino pa man," explanation nya sa akin kahit hindi naman ako nagtatanong. Siguro ay nabanaag nya sa mga mata ko ang pagtataka ko. "Hindi ko iyan matatanggap sir, sorry," pagtanggi ko tapos ay nagtangka na akong buksan ang pinto nung sasakyan. "Sandali lang," pigil nya sa akin sabay hawak sa braso ko nung nag lean forward sya. "Atleast ito man lang ay tanggapin mo," sabi nya sa akin habang inaabot yung maliit na paper bag na alam kong yung alahas ang laman. "Please, remembrance lang kung hindi mo na ko ulit gustong makita," malungkot na dagdag pa nya at inia-abot ulit nya sa akin yung hawak nya. Napagsalin salin ko ang tingin ko sa kanya at sa paper na dala nya. Hindi ko kasi alam kung tama ba na tanggapin ko ang bagay na yon. Naisip ko kasi yung sinabi nya na remembrance nalang daw yon dahil baka hindi na kami magkita. Sa part kasi na yon ay may bahagi ng puso ko at pagkatao ko ang nag aalala at nalungkot. "Thank you," sabi ko nung kinuha ko na yung ibinibigay nya. Tapos ay bumaba na agad ako ng sasakyan nya. Nag abang ako ng jeep sa waiting shed at nakita ko naman na hindi umalis yung sasakyan nya habang hindi pa ako nasasakay. Nung mga oras nga na yon ay naramdaman ko ang importansya ko sa kanya at ang pag aalala nya. Lumipas ang mga araw at hindi ko na sya ulit nakita. At sa mga araw na yon ay wala na akong inisip kundi sya at yung namagitang halikan namin. Alam ng Diyos kung gaano ko gustong maulit ang tagpong yon sa pagitan naming dalawa. Kaya nga mas napagtanto ko na talagang nahulog na ang loob ko sa kanya. Kaya nga sobrang lungkot ko dahil miss na miss ko na sya pero wala naman akong maisip na paraan para muli kaming magkita. Hanggang isang araw, sa panahon na lugmok ang pamilya namin ay muli syang nagpakita. Inatake kasi sa puso ang lolo ko kaya kinailangan syang operahan. At dahil nga wala kaming ibang aasahan kundi ang maliit na pension ni lolo at ang sahod ni nanay bilang isang guro ay naging mahirap para sa amin ang makabayad sa bayarin. Natapat din kasi na kaka resign lang ng ate ko sa trabaho nya bilang nurse nung isang linggo lang. Ang laki pa naman ng bill namin. "So hindi ka na papasok?" Tanong sa akin ni Annie sa kabilang linya. "Oo hindi na. Pasensya na kayo kung kailan kailangan pa namang nandiyan ako sa report natin," malungkot na sabi ko. Kasalukuyan kasi akong nasa hospital at nag aayos ng mga papeles ni lolo para makahingi ng discount. Malapit na kasi kasi syang ma discharge. "Okay lang ano ka ba?! Ang mahalaga ligtas na sa kapahamakan ang lolo mo. Yun nga lang nandiyan kayo sa private kaya goodluck nalang talaga sa bill nyo besshy." "Oo nga eh. Sinabi mo pa, nung nakaraang araw na tinanong ko yung partial bill namin ay daang libo na nga. Ano pa kaya ngayon di ba?" "Kuu eh emergency naman kasi. Iyan na ang pinaka malapit na hospital eh. Isipin mo nalang na kung sa kabilang bayan pa idinayo ang lolo mo, baka di na sya umabot di ba?" Madaldal na sabi pa nito na agad ding nag paalam dahil dumating na raw ang prof namin. Bumuntong hininga ako after kong itago ang cellphone ko. So eto na naman ako sa billing station para itanong ang babayaran namin. I'm sure ay halos doble na iyon ngayon. Wala pa man ay namomoblema na ako para kay nanay. Lalo sigurado syang mai-stress. "Po? Ano po yon?" Tanong ko ulit sa cashier nung sinabi nyang bayad na daw ang bills namin kanina. Nagulat talaga kasi ako dahil baka namali sya ng tingin sa computer nya. "Bayad na po ang bills ninyo ma'am. Kaya wala na po kayong dapat bayaran," ulit nito sa akin. "Pano po nangyari iyon?" Nagtatakang tanong ko. "Sino po yung nagbayad kanina? Nakita nyo po ba?" Tanong ko pa. "Baka kamag anak nyo. Mukhang mayaman eh. Lalaking gwapo," inform nya sa akin na tingin ko ay napangiti pa sya nung maalala nya yung mukha nung lalaking sinasabi nya. "Lalaking gwapo?" Ulit ko sa utak ko sa sinabi nya. At agad akong kinutuban na baka si sir Rael yung sinasabi nya. Kaya naman ang ginawa ko ay agad akong bumalik sa kwarto na ino-okupa ng lolo ko para makumpirma ang lahat sa nanay ko. Pagdating ko don ay nagulat pa ako nung maabutan ko nga si nanay na kausap si sir Rael. Grabe yung dagundong nung puso ko nung makita ko ulit sya lalo na nung ngumiti pa sya sa akin. "Mabuti at nandito na si Gwen," nakangiting bungad sa akin ni nanay. "Ikaw na muna ang bahala kay Rael at may kailangan daw akong pirmahan sa ibaba." Bilin pa nya sa akin at agad na syang lumabas nung kwarto after din nyang magpaalam kay sir Rael. "Kanina ka pa po ba sir?" Tanong ko sa kanya habang pilit kong kinakalma ang sarili ko. Hindi ko tuloy alam kung casual lang ang pagkakasabi ko non o may panginginig sa boses ko. "Pwede bang Rael nalang ang itawag mo sa akin? Kasi ang formal naman tsaka parang sobrang tanda ko naman na," request nya na may kasamang pagbibiro. "At isa pa, alam mo naman na yung totoong nararamdaman ko para sayo di ba?" dagdag pa nya. Sa sinabi nyang yon ay agad akong napalingon kay lolo. Na buti nalang ay mahimbing na natutulog dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang isipin nito. Hindi ko pinansin ang sinabi nya at nagkunwari nalang ako na wala akong narinig. "Kape? Gusto mo ba?" Alok ko nalang sa kanya at gumawi ako sa gawing lagayan namin ng mga gamit. Basta ginawa kong busy ang sarili ko kasi hindi ko nga napaghandaan ang araw na ito kaya hindi ko malaman ang gagawin ko nung makita ko na sya. Para kasing sasabog na ang dibdib ko sa kaba. "Gwen, sorry kung nandito na naman ako," sabi nya sa akin na sinundan pala ako sa gawing dulo. "I missed you so much kaya hindi ko natiis na hindi kita makita. Kaya inabangan kita sa school nyo at sa bahay nyo pero wala ka. Then nalaman ko na nandito pala kayo kaya pumunta na rin ako. Along the way nakita ko ang nanay mo na umiiyak and I asked her why. Nung sinabi nya na kailangan nyo nang lumabas dito ay tinulungan ko sya. Aalis na nga sana ako pero nagpumilit sya na magkita muna tayo," mahabang explanation nya. "So ikaw talaga yung nagbayad ng hospital bill ni lolo?" Confirm ko. "Yes, pero wala akong gustong patunayan sa bagay na yon. At lalong ayaw ko na isipin mo na may meaning yon. Talagang pagtulong ko lang iyon. Kung hindi maganda ang naging dating non sayo then, aalis na ko dito." Pag iinarte pa nito. "Salamat," nahihiyang sabi ko. Tapos ay bumuntong hininga ako. "Mapapagalitan pa ko ni nanay kung malalaman nyang pina alis ko yung savior nya di ba?" Biro ko pa. "You mean? Can I stay?" Parang batang tanong nya. Nung tumango ako ay nagliwanag agad yung mukha nya at napangiti sya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD