Chapter 7

2170 Words
CHAPTER 7 ------------- GWEN POV ------------- Doon na ako napatitig ng husto sa kanya. At ganon rin naman sya sa akin. Parang nag usap na kami sa mga tingin namin kung kaya't wala ng salitang namagitan sa amin at kusa nang nagtagpo ang mga labi namin. Nung hinalikan nya ako ay hindi na ako nagpakipot pa. Tumugon agad ako sa kanya dahil talaga namang miss na miss ko na sya. Tumagal pa ang halikan namin na yon kung hindi lang dahil sa may kumatok sa pinto at may pumasok na nurse ay hindi pa kami hihinto. Pareho kaming nag kontrol ng hingal at lihim na nagtitinginan habang nag ra-rounds nga yung nurse. "Baka dumating na si nanay, next time nalang," bulong ko sa kanya nung niyakap nya ulit ako pagka alis nung nurse. Syempre naman ay nagpa bawal agad sya sa akin like a good boy. "What do you mean next time?" Namimilyo ang mga ngiting tanong nya sa akin. "Ibig bang sabihin ay payag ka na ulit makipag date sa akin?" "Makipag date ulit?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. "Bakit? Nakipag date na ba ako sayo?" Maang na tanong ko sa kanya pero napapangiti naman ako. "Oo naman! Three weeks ago na yata yon eh. Di ba nga nag ano pa tayo sa parking?" Paalala pa nya sa akin sabay tulis ng nguso nya. Natatawang binira ko tuloy sya sa kapilyuhan nya. Nung maalala ko kasi yung part ng first kiss namin ay talagang kinilabutan ako at may kakaibang damdamin na naman ang nabuhay sa p********e ko. "Hoy hindi naman yon date eh!" Kontra ko sa kanya. "Nagpasama ka lang sa akin non di ba?" Tanong ko pa. "Hindi ba?" Natatawang napa kamot pa sya sa batok nya. Ang cute nyang tignan sa gesture na yon kahit hindi naman na sana sya teenager. "So pwede ba kitang yayain na makipag date sa akin?" Tanong nya sa akin maya maya. "Huwag kang mag alala, aayusin ko agad ang pakikipag hiwalay ko kay Rina para maligawan na talaga kita." "Alam ko na issue sayo ang bagay na iyon kaya naman sisiguraduhin ko na..." "Tama ka. Issue nga sa akin yon," putol ko sa mga sasabihin pa nya. "Pero kung damdamin ko para sayo ang pakikinggan ko, sigurado ako na ikaw ang tinitibok nito Rael," madamdaming pag amin ko sabay turo ko don sa gawing dibdib ko. Alam ko na ikinagulat nya ang mga sinabi ko dahil parang naiiyak iyak pa nga sya. "Are you sure?" Paniniguro nya sa akin. "Ikaw lang din ang laman ng puso ko Gwen," pagtatapat din nya. Kinuha pa nga nya ang kamay ko na nakaturo sa gawing dibdib ko at inilagay din nya sa tapat ng puso nya. "Hindi mo alam kung gaano mo ko pina saya," walang mapagsidlan sa kaligyahang sabi nya. "I love you Gwen." "I love you too Rael," nakangiting sabi ko pero nag uunahan naman sa pagtulo ang masaganang luha buhat sa pisngi ko. Agad nya yung pinahiran ng daliri nya sabay kintil ng mabilis na halik sa labi ko. "Napaka saya ko talaga. At mas magiging mas masaya pa ako kung uulitin mo ang pag tawag sa pangalan ko," nakangiting paglalambing pa ulit nya. "Ayaw ko nga!" Parang batang tanggi ko sa kanya. "Sige kung ayaw mo, hahalikan nalang kita dito hanggang sa magising ang lolo mo. Gusto mo ba yon?" Pananakot nya kunyari sabay pisil pa ng pisngi ko. "Huwag!" Tanggi ko agad. "Oo na! Rael! Rael! Rael! O ayan masaya ka na?" Natatawang biro ko sa kanya. "Oo!" Nakatawang sagot nya. "At mas magiging masaya pa ako kung papayagan ako ng girlfriend ko na halikan ko sya," paglalambing pa nya. Nung tumitig sya sa akin ng kakaiba ay alam ko na ang susunod na moves nya. Kaya nga nung hawakan nya ang mukha ko at yumukod sya ay hindi ako tumanggi nung pagsaluhan ulit namin ang isang mainit na halik. So ganon na nga ang nangyari, nung araw na yon ay naging kami ni Rael. Pero nakiusap ako sa kanya na sana ay itago nalang muna namin ang relasyon namin sa lahat. Dahil bukod sa hindi pa kami pwedeng maging legal dahil may sabit pa sya kay Ms.Rina ay ayaw ko din na mag alala sila nanay. Graduating kasi ako ng college at nangako ako sa kanila na hindi pa ako magno-nobyo hanggang sa makatapos ako bilang isang c*m Laude. Naging maunawain naman si Rael ukol sa bagay na ito. Hindi na kami gaanong lumalabas dahil baka may makakita sa amin at magsumbong pa kay Ms.Rina. Plano talaga kasi nya ay maging smooth lang ang paghihiwalay nilang dalawa. At wala nang maging iba pang isyu. Tapos ay dumistansya na din muna si Rael sa pagpapakita sa pamilya ko kasi mahirap na, baka makahalata pa ang mga ito na may relasyon na kaming dalawa. So ayon at nasanay na rin ako sa mga patago naming pagkikita. At tuwing uuwi nga sya sa kanila sa Maynila ay wala na akong magagawa kundi ang maghintay sa muling pagbabalik nya. "Gwen! Hindi ka na naman sasama sa amin mamaya sa mall? Ano ba naman yan?" Reklamo ni Juvy sa akin sabay irap nya. Kung bakit ba kasi tuwing mag aaya sila ay natatapat naman na may iba akong planong gawin. Kung hindi umuwi si Rael at nakikipagkita, eto at may schedule naman ako ng masahe kay Ms.Rina. Finally after 3 months ng unang masahe naming dalawa ay nagtext ulit sya sa akin. "Next time sasama na ko promise!" Natatawang pangako ko sa kanila. Natatawa kasi ako sa paraan ng pag irap nya sa akin kanina kasi ang panget nya. "Promises! Kakaloka ka!" Sabat naman ni Annie na kadarating lang at ready to go na naman. "Magsa-sideline muna ako para sa ekonomiya. Pandagdag ng anda!" Natatawang dahilan ko sa kanya. So ayon nga, konting bully-han pa ay umalis na ang mga ito tapos ako ay nagpunta na don sa condo ni Ms.Rina. Pagdating ko don ay bukas yung pintuan nya kaya naman nagtaka talaga ako. Datirati kasi ay sasalubong na agad sya sa akin sa may gawing pintuan palang. Pero ngayon ay nakapasok na ko't lahat ay wala pa rin sya. "Ms.Rina?" Kinakabahang tawag ko sa kanya. Ayaw kong mag isip ng masama pero ayaw ko namang isipin na kaya nya lang ako pinapunta dito ay dahil nabuking na nya ako sa kagagahan ko. Kaya eto nga at ready na nya akong i-ambush. "Ms.Rina?" Tawag ko ulit sa kanya ng paulit ulit pero wala talaga sya. Kaya nga nagulat pa ako nung pag punta ko sa gawing massage room ay si Rael ang nakita ko at hindi sya. "Hi Love! Ang aga mo yata?" Casual na bati sa akin ni Rael habang nagpupunas sya ng basang buhok nya. Obviously ay kakalabas lang nya ng CR dahil nakatapis lang sya ng puting tuwalya sa gawing bewang nya. Pagkakita ko sa kanya ay hindi agad ako nakakibo. Bukod kasi na nagulat talaga ko sa pagkakakita ko sa kanya ngayon dito ay panandalian akong napatitig sa hubad na katawan nya. Grabe! Nakaka uhm naman kasi ang upper body nya. Parang ang sarap hawakan ng abs nya. "Bakit ba nandito ka?" Kunyari ay galit na tanong ko sa kanya sabay baling ng tingin ko sa kabilang side. Just to cover up yung pagkapahiya ko kasi alam ko na alam nya na natakam ako sa hot body nya. "Bakit? Masama bang nandito ako? Ako naman ang bumili ng lugar na to ah," pagyayabang pa nya tapos nakalapit na pala sya. Hinawakan nya ako sa baba ko para piliting lingunin sya. "May session ako ng masahe kay Ms.Rina ngayon dito. Kaya kung pwede umalis ka na muna dahil nao-awkward ako," honest na sagot ko sa kanya sabay tampal ng kamay nya na nakahawak sa baba ko. Nung maisip ko kasi na magkasama silang dalawa kaya ganito ang itsura nya ay hindi lang basta sumama ang pakiramdam ko kung hindi nainis talaga ako. "Wala naman dito si Rina, nasa Macau pa sya hanggang ngayon at next week pa po uuwi," inform nya sa akin nang nakangiti. "Ano kamo?" Gulat na sabi ko. "Kung ganon sino ang?" Hindi ko na itinuloy ang tanong ko na sino ang nagtext sa akin gamit ang number nya dahil nakita ko nga na kay Rael ang cellphone nya. "Iniwan nya sa akin to dahil ibang cellphone naman ang dala nya. And to answer your question, yes! Ako nga yung nag message sayo. At ako ang customer mo," sabi nya sa akin habang naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi nya. "Kung ganon, ayoko na!" Inis na sabi ko sa kanya at agad akong tumalikod para layasan sya. "Hey love naman!" Pigil nya sa braso ko. "Magpapamasahe lang naman ako sayo, may masama ba don?" "Ang sakit kasi ng katawan ko, hindi ka ba naawa sa akin?" Paawa effect pa nya. "Promise, magbabayad din naman ako, dadagdagan ko din ang tip mo." Alanganing tinignan ko sya. Hindi naman talaga kasi yon ang concern ko. Iniisip ko kasi na baka malaman to ni Ms.Rina ay nakakahiya pa. Hindi lang pala basta nakakahiya pero nakaka iskandalo pa di ba? "Please? Masahe lang," sabi nya na nagpapa cute pa. "Ang sakit talaga kasi ng likod ko eh, over worked yata," daing pa nya at nag stretch strech pa sya sa harapan ko. Kaya nga mas iniwas ko pa ang tingin ko sa kanya kasi baka kako nakakalimutan nya na halos hubad na sya. Napabuntong hininga ako at napipilitang tumango. "O sya! Sige na!" Pagpayag ko na ikinasaya nya. "Isang oras lang ha. Tsaka pag namilyo ka, iiwan talaga kita," sabi ko na parang batang paslit ang kausap ko. "Good boy ako!" Nakataas pa ang mga kamay na sabi nya tapos ay napangiti pa sya. Then lumakad na sya papunta don sa massage bed at sumunod ako sa kanya. Habang nakatalikod tuloy sya ay napag masdan ko ang gawing behind nya. Grabe ang nice talaga ng body nya. Napaka fit at wala man lang fat. Alagang alaga talaga sa workout. "Game!" Nakangiting sabi pa nya sa akin at humiga na sya sa bed ng padapa at hinintay ang pagmamasahe ko. "Gusto ko nang malaman kung gaano talaga kagaling ang Love ko," namimilyong sabi pa nya sa akin bago ako magsimula. Ewan ko ba naman at kung anong "kagaling" ang sinsabi nya. Ang pilyo pilyo talaga! "Kung hindi ka titigil sa kaka salita mo sir, iiwan talaga kita dito," kunyari ay pagsusungit ko. "Sorry ma'am! Di na mauulit," sagot naman nya na bahagyang natatawa tapos ay tumahimik na rin sya. Ako naman ay nag concentrate na sa ginagawa ko. Kahit ang totoo ay distructed talaga ako dahil sa hot body ng lokong ito. Ewan ko ba naman kasi at kung anu anong kagagahan ang pumapasok sa isip ko. Tsaka isa pa, hindi ako mapakali ng kaming dalawa lang talaga ang nasa lugar na ito. Pagkaraan ko syang masahihin sa gawing likuran ay humarap naman sya sa akin. At doon sa front part ng body ko naman sya sinimulang masahihin. Napabuntong hininga ako ng palihim. Saglit nalang naman ay matatapos ko na ang ginagawa ko kaya maalis din siguro yung kaba na nararamdaman ko. Kailangan ko lang na maging professional sa ginagawa ko at magiging ayos din ang lahat. Hindi ko man kasi aminin ay kanina pa ako parang natutunaw sa mga titig ni Rael sa akin. Habang minamasahe ko kasi sya ay pinagmamasdan lang naman nya ang bawat ginagawa ko. Kakainis naman! Bakit kasi hindi nalang sya pumikit at matulog di ba? Kailangan ba talagang panoorin nya ko sa mga ginagawa ko? "Love, nasan nga pala yung kiss ko kanina?" Maya maya ay parang naglalambing na tanong nya sa akin tapos ay ngumuso pa sya. At talagang naalala pa nya yon ha. "Anong kiss ka diyan?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya "Mamaya nalang bago ako umalis," pagsusungit ko pa sa kanya. "Gusto ko ngayon na sana," himutok pa nya na parang isang bata. Gusto ko nga sana na pagbigyan sya sa hiling nya ng tumahimik na ulit sya. Kaso naman ay natatakot ako na gumawa ng ganoong bagay lalo na kung may cctv pa sa lugar na ito. Ayaw kong maging viral at lalong ayaw ko ng iskandalo. Kaya ang ginawa ko ay hindi nalang ako kumibo at ipinagpatuloy ko nalang ginagawa ko. Kaya nagulat pa ako nung biglang bumangon si Rael sa pagkakahiga nya at naupo nalang sa kama. Tapos ay hinuli pa nya ang mga kamay ko na nagmamasahe sa kanya. "Love, yung kiss ko," paalala nya ulit sa akin tapos ay nag lean forward sya para halikan ako sa labi. Agad akong umiwas kaya naman nung tignan ko sya ay nagtatanong ang mga mata nya. "Huwag dito please," seryosong sabi ko sa kanya. "Baka kasi may cctv," pag amin ko. Sukat doon ay natawa sya sa sinabi ko. "Walang cctv dito. I assure you Love," nakangiting sabi nya sa akin at pinisil pa ang pisngi ko. "Basta ayoko," nakabusangot na sagot ko. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD