Chapter 8

2253 Words
CHAPTER 8 -------------- GWEN POV --------------- "You turn me on sa galing ng masahe mo tapos isang kiss lang hindi mo pa maibigay?" Nung titigan ko naman sya ay parang naawa naman ako sa kanya kaya pinagbigyan ko na rin sya. Isang mabilis na halik sa labi ang pinagkaloob ko sa kanya. Pero agad nyang nahuli ang mukha ko at sya naman ang humalik sa akin. "Rael naman," pigil ko sa ginagawa nya at marahan ko syang itinulak. Sa totoo lang ay natatakot kasi ako na lumalim ang halikan namin. Dahil baka ipagkanulo ako ng sarili kong katawan at biglang may mangyari na sa amin. "Gwen please," paki usap nya sa akin sa boses na parang hirap na hirap sya. I know naman kung ano talaga ang pakay nya kaya nga hindi matanggal tanggal ang kaba sa dibdib ko. "Hindi pa ko handa sa ganito. Tsaka isa pa, si Ms.Rina," nag aalalang sagot ko sa kanya sabay iwas ko ng tingin sa mga mata nya. Narinig kong bumuntong hininga sya tapos ay natahimik sya. "Pag uwi nya makiki paghiwalay na ko sa kanya. Pangako ko yan and then pwede na tayong maging legal di ba? Sandali nalang naman iyon Love," Maya maya ay seryosong sabi nya sa akin tapos ay nilambing lambing nya ako. "Sandali nalang naman talaga iyon, bakit hindi pa natin hintayin?" "Gwen naman," tutol nya sa sinabi ko. Kinuha nga nya ang mga kamay ko at inilapat yon sa matipunong dibdib nya. Hindi ko man aminin ay may parte ng katawan ko ang halos gusto ng bumigay sa kung ano man ang gusto nyang mangyari. "Rael naman," ako naman yung tumutol. "Please?" Hopeful na sabi nya habang hinihimas ang mga braso ko. Ewan ko ba naman at kung bakit tila na hook na naman ako sa charm nya kung kaya't nung tinangka nya akong halikan ay hindi na ako tumutol. Naglapat ang mga labi namin at tulad din noon ay nadarang na nya ako sa gusto nyang mangyari. Lumalim ang halikan naming dalawa hanggang sa magdikit na ang katawan naming dalawa. Nangunyapit ako sa leeg nya na parang sa paraan na iyon ay hindi ako makakasamang matupok sa nagbabagang pagnanasa namin sa isa't isa. "Rael huwag dito," bawal ko sa kanya sa kahuli hulihang katinuan na natitira sa isip ko. "Paano si Ms.Rina? Magagalit talaga sya pag nalaman nya to," nag aalalang sabi ko pero halos mamungay ang mga mata ko sa masarap na sensasyong dulot ng mga halik nya sa gawing leeg ko. "Hindi nya malalaman," sagot lang nya sa pagitan ng paghalik nya sa akin. "Pero kasi ano," nag aalala pa ring sabi ko. "Sigurado ka ba sa gagawin nating ito?" Sukat sa sinabi kong yon ay panandalian nyang itinigil ang ginagawa nya at hinarap nya ako. "Gwen, mahal kita," seryosong sagot nya sa akin at ikinulong pa nya sa dalawang palad nya ang mukha ko. "Papanagutan ko kung ano naman ang mangyari sa atin ngayon. Hindi kita iiwan kaya please magtiwala ka sa akin kung talagang mahal mo rin ako," sabi pa nya na pinakatitigan ako. "I love you Gwen," nasisiyahang sabi nya nung tumango ako bilang pagsang ayon sa sinabi nya kanina. "I love you too, Rael," sagot ko naman sa kanya. Natatakot man ako sa pwedeng mangyari ay buong puso ko nalang inialay ang pagtitiwala ko kay Rael. Mahal ko kasi sya at naniniwala ako na hindi naman nya ako pababayaan. Pagkatapos ng sumpaan naming iyon ay muli nya akong hinalikan sa labi. At tinugunan ko naman ang halik nya ng may pantay na intensidad. Muling lumalim ang halikan naming dalawa hanggang sa maramdaman ko nalang na umangat ang mga paa ko sa lupa. Binuhat pala nya ako na parang isang papel habang magkahinang pa rin ang aming mga labi. Tapos ang sumunod na naramdaman ko nalang ay ang pagsayad ng likod ko sa malambot na kama. Halos lumubog nga ako sa lambot non lalo na at naka ibabaw pa sa akin si Rael habang walang kasawaang sinisimsim ang bibig ko. "Uhhmmm," hindi ko naiwasan ang mapaungol nung dumako ang halik nya sa punong tainga ko. Ang mainit na hininga nya na tumatama doon ay nagdadala ng kakaibang sensasyon sa sistema ko. Lalo na at damang dama ko sa gawing hita ko ang matigas na bagay na nasa katawan ng nobyo ko. "Gwen," tawag ni Rael sa pangalan ko bago pa nya ibaba ang halik nya sa gawing leeg ko. Habang ang bihasa nyang mga kamay ay parehong busy sa pagdama ng iba't ibang parte ng katawan ko. Hindi ako kumontra at nagpaubaya nalang ako. Nung tinanggal nya ang blouse at pants ko ay nakaramdam ako ng pagkapahiya. "You're so sexy," puri nya sa akin kahit pa ng ba halos mamilipit ako sa pagtabing ng katawan ko na panloob nalang ang suot. Hinalikan ako ulit ni Rael sa labi. Pero saglit lang yon dahil pumunta na talaga sya sa pakay nya. Hinalikan nya ako sa leeg at unti unting bumaba yon sa gawing dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at bigla nalang natanggal ang suot kong bra kaya natambad na sa kanya ang boobs ko na hindi naman kalakihan. "Rael!" Natawag ko ang pangalan nya nung maramdaman ko na dumako na ang halik nya sa kanang dibdib ko habang parang minamasahe naman nya yung kabila. Nung sipsipin nya ang munting korona na nasa tuktok non ay halos mapa ungol ako sa banyagang pakiramdam na ipinaranas nya sa akin. "Tama na! Tama na!" Pigil ko sa kanya kasabay ang pag ungol ko. Hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko sa sarap ng pakiramdam na yon. Halos masabunutan ko pa nga sya sa ginagawa nya para tumigil na sya pero imbis na ihinto nya ang ginagawa nya ay mas pinaghusayan pa nya. Nanatiling ganon ang ginagawa nya sa akin hanggang sa parang nagsawa na sya. Bumalik sya sa paghalik sa bibig ko pero this time ay mas mapusok. Kasabay pa non ay ang paglalakbay ng isng kamay nya sa gawing hita ko hanggang sa ipasok nya yon sa loob ng maliit na saplot na nandon. Napaungol ako ulit sa ginawa nyang iyon. Gusto kong tumutol pero wala akong sapat na lakas ng loob para gawin yon. Para kasing naging alipin na nya ang katawan ko dahil sa masarap na sensasyong pinaparamdam nya sa akin. Unti unting nahubad ang kahuli hulihang saplot na tumatakip sa maselang bahagi ng katawan ko. Tapos ay nakita kong tumayo muna si Rael para hubarin din ang brief na suot nya. Nahihiya ako kaya hindi ko na sya tinignan kaya napangiti tuloy sya. Nung bumalik sya sa pwesto nya kanina ay muling naglapat ang mga hubad naming katawan. At sa init ng pakiramdam non ay walang nagawa ang lamig ng aircondition sa kwarto nila. "You're so beautiful," puri nya sa akin sa pagitan ng paghalik nya. "God knows how much I want you Gwen," bulong pa nya sa akin n nagdulot ng ibayong kilabot sa buong pagkatao ko. "Gusto kitang angkinin ng paulit ulit at walang makakapigil sa akin," dagdag pa nya sa pagde-declare nya ng pagnanasa nya. Tapos ay muli nya akong hinalikan ng hinalikan habang hinahaplos nya ang hiyas ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong napaungol sa ginagawa nyang yon. Hanggang nga sa dumating na ang time na pumorma na sya sa paghahanda nya na pasukin ako. "I want you Gwen,"bulong nya ulit sa akin na parang humihingi sya ng pahintulot. Nung tumango ako ay isinagawa na nya ang bagay na gusto nya. "I'll be gentle," sabi pa nya. Maya maya lang ay naramdaman ko ang pag bundol ng kung anong bagay na yon sa bukana ng p********e ko. Nung una ay halos makiliti ako sa sensasyong iyon tapos ay biglang naging mahapdi. Pero hindi ko na napigilan pa si Rael sa ginagawa nya at ipinagpatuloy pa rin nya yon kahit ang sabi ko ay masakit na. Dahil punong puno ng pag aalala ang mukha nya sa kakaibang sakit na nararamdaman ko ay hinalikan nalang nya ako habang patuloy pa rin ang panghihimasok ng alaga nya. Halos bumaon ang ang mga kuko ko sa likod nya. Basta masakit kasi sya pero nung tumagal na ay unti unti ng nawala ang pakiramdam na yon at ang pumalit ay kakaibang sensayon. Sensasyon na hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. -END OF FLASHBACK -------------- "Sorry galit ka ba?" Narinig kong tanong ulit sa akin nung lalaki sa tabi ko. Actually ay narinig ko na sya nung unang beses nyang tinanong yon. Pero dahil nga naging occupied ang isip ko sa pagbabalik tanaw ay hindi ko na sya nagawang pansinin pa. "Kung gusto mo hahabulin ko si manong para mag explain sa kanya na hindi naman talaga tayo mag syota," narinig kong sabi pa nya. Nung tignan ko sya ay mukha namang sincere yung pagmumukha nya like na bothered talaga sya. So para matahimik na sya ay napilitan na tuloy akong pansinin sya. "Huwag na! Okay lang. Sana kanina mo pa yan naiisip nung nandito sya," mataray na sagot ko sa kanya. "Sorry akala ko kasi mas okay kung less talk, less mistake eh," pagdadahilan nya tapos ay sa gilid ng vision ko ay nakita kong napakamot pa sya sa batok nya. "Baka kasi mamaya nyan," "Sabi ko okay lang. Huwag na natin pag usapan," putol ko sa mga sasabihin pa nya. Sa totoo lang ay hindi naman ganito kasama ang ugali ko. May pinagdaraan lang talaga ako. Gusto ko kasing manahimik nalang muna ng makapag isip isip ako. Kaso napaka istorbo naman nitong kumag sa tabi ko kaya sobrang nakaka istorbo. Buti nga at tumahimik na sya. Siguro ay tinablan na sya sa pagsusungit ko. So ayon, ilang minuto pa ang lumipas bago may dumaang jeepney. "Sakay na kayo dito. Walang mga bus ngayon at nasa arkilahan," sigaw sa amin nung driver ng jeep. Iyon pala ang explanation kung bakit mamumuti na ang mata ko sa kakahintay ay wala talagang bus na dadaan. Syempre kaysa abutan na ako ng dilim sa byahe ay sumakay na rin ako. Bali dalawa nalang yung bakanteng upuan kaya pinili ko nalang yung nasa malapit. Kaya nga nagulat nalang ako nung automatic na nagdasugan yung nasa kabilang upuan at biglang nagka space yung ungas na kasunod ko. At sa mismong sa tapat ko pa talaga ha. "Kuya ang laki naman ng flowers mo, muntik nang tumama sa mukha ko," narinig kong reklamo nung katabi nung katapat ko. "Sorry," narinig ko namang sagot nya tapos automatic na ibinaba nalang nya yung boquet na hawak hawak nya kanina. Sa moves nga nya na yon ay hindi sinasadyang nagkatinginan kami. Ewan ko ba naman at bakit kailangan pa nyang ngumiti medyo na shy tuloy ako. Syempre di ba? Alangan namang ngitian ko din sya. Ang jahe naman non. So ang ginawa ko nagpanggap nalang ako na hindi ko nakita yung pag smile nya kahit aminado naman ako na ang cute nya. Ipinaling ko nalang yung mukha ko sa kabilang direksyon at pinili ko nalang ang magmuni muni. May kailangan pa kasi akong isipin na bumabagabag sa akin. Yung sinabi ni Roxanne kanina, yung pagkakakita ko dito kay Ms. Rina at kung sino yung babae sa phone call kanina. Ayaw ko naman kasi isipin na nagsisinungaling sa akin si Rael. Naniniwala naman ako sa lahat ng sinabi nya at sa mga pangako nya. Na ako naman talaga ang gusto nya at makikipag split na sya kay Ms.Rina, tuma-timing lang sya. Nasa moment na iniisip ko yung problema ko nung marinig ko na nagpaabot ng bayad yung lalaki. Napalingon ako sa kanya nung sabi nya ay dalawa, syempre dahil nakatingin sya sa akin ay in-assume ko nang ako yung ini-upa nya. Pero syempre nag panggap ako na wala akong nakita kaya kumuha rin ako ng pambayad ko at nagbayad pa ako ng iba. Tapos ayon nga at sinabi nya sa akin na okay na. "Hindi okay lang. Thank you nalang," sabi ko sa kanya. "Manong sa terminal po yan," baling ko don sa may driver tapos tumahimik nalang ako ulit. Maya maya ay pumara na yung babaeng katabi ko. Nagulat pa nga ako kasi nag speech pa talaga sya bago sya bumaba. "Hijo dito ka na umupo sa tabi ng girlfriend mo at mainit yata ang ulo, kulang sa dilig" natatawang biro nito sa lalaking nasa tapat ko tapos ay bumaba na sya ng jeep. Sukat sa sinabi nung babae ay nagtawanan yung mga pasahero. Ako naman, automatic na namula yung mukha ko. Bakit may ganong factor? Ibang klase na talaga ang mga utak ng tao ngayon. Sobrang advance nila mag isip! "Doon ka na bro!" Narinig kong follow up pang sabi nung katabi naman nya. Aba! Talagang mga nang aano nga ha. At eto namang kumag, sumunod nga! Tumabi pa talaga sa akin. Sa moves nyang yon ay nakarinig pa kami ng "ayiee" sa paligid. Daplis ko ng itirik ang mga mata ko sa inis. Ang mga pabebe naman ng mga ito oo. Gusto ko nga sanang magalit at magpaliwanag. Kaso naman pagod na ang isip ko at baka sayang lang ang laway ko kaya naman nanahimik nalang ako. Bahala nga sila sa gusto nilang isipin, as if naman na ikamamatay ko kung mali yung inaakala nila di ba? So ayon, nasa kalagitnaan na ako ng pananahimik ko nung di sinasadyang mapatingin ako sa gawing bintana. Ewan ko ba naman at sa linaw ng mata ko kahit medyo madilim na ay may natanawan na naman akong kakilala. "Pucha!" Mura ko sa isip ko. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD