Chapter 9

2163 Words
CHAPTER 9 -------------- GWEN POV -------------- Nung una hindi pa ako sigurado pero dahil malapit na kami sa may gawing market at medyo mabagal na rin yung usad ng jeep due to traffic ay parang slow motion na natutok yung paningin ko sa kanila. Confirm! Si kuya Jeff nga ang walangya! Ang kapal ng mukha nya para makipag harutan sa ibang babae sa lansangan! "Nakakainis! Ang dami ko na ngang iniisip ay dumadagdag pa yung loko na yon," ngitngit ko sa sarili ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko pero naiinis nya talaga ako. Kung hindi ko sya sisitahin ngayon ay siguradong itatanggi nya ang pangyayaring ito kapag nagsumbong na ako. Kaya dali dali akong nagdesisyon na sundan nalang ang taksil na lalaking yon. "Mama para na po sa tabi!" "Sorry ha, binabawi ko na to! May paggagamitan lang ako," rush na sabi ko sa lalaking katabi ko sabay kuha ko nung boquet na hawak nya. Sa bilis ng pangyayari ay wala na syang nagawa kundi ang magtaka. At bago pa mawala si kuya Jeff sa paningin ko ay bumaba na agad ako sa jeep kahit hindi pa yon tuluyang nakakatabi. "Hoy san ka pupunta?" Narinig kong tanong sa akin nung lalaking katabi ko kasi nabosesan ko sya. Hindi ko na sya nilingon at nagtatakbo na ko. Nag apura ako para masundan ko yung hinahabol ko. "Kakainis naman!" Sabi ko nung biglang nawala si kuya Jeff at yung babaeng kayapos nya. Kaya naghanap pa ko ng bahagya. Lakad takbo ako at palinga linga. Salamat nalang at malinaw talaga ang mata ko kaya natanawan ko sila sa malayo. Kaya pala sila biglang nawala kasi ay lumiko sila don sa eskinita at pumasok sa motel na nakatago. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag dial ako. Tinawagan ko agad yung pinaka malapit na kaibigan ng ate Gigi ko. "Oo naman Gwen. Magkasama pa nga sila kagabi eh. Bakit? May problema ba ha?" Sagot nito sa tanong ko kung mag on pa ba si ate at yung syota nya. "Wala naman po. Salamat po ah!" Sabi ko sabay end call. Nanginig yata ang katawan ko sa inis. Ngayong na confirm ko na ang totoo ay giyera na talaga to! Dali dali akong humabol sa kanila don sa loob ng motel. Nakita ko pa silang naglalampungan sa harap nung receptionist. Lalong kumulo ang dugo ko kay kuya Jeff. Hindi ko akalain na ganito sya kawalanghiya! Samantalang sabi pa naman ni nanay ay sobrang bait at galang nyang bata. My ass! "Kuya Jeff!" Tawag ko sa kanya. Pero dahil sobrang occupied sya sa kinakalantari nya ay hindi nya ako pinansin. Kaya kinailangan ko pa syang tapikin sa balikat nung makalapit na ko sa gawi nilang dalawa. Bali naabutan ko na sila don sa gawing hallway pababa ng hagdan yata yon. "Bakit ba?" Tanong ni kuya Jeff sa akin habang paharap sya. Akala nya siguro ay kung sino lang na istorbo sa pakikipag harutan nya. Nung makita nya ko ay hindi na nya naituloy ang reklamo nya at halatang halata ko ang pamumutla ng mukha nya. "Bakit honey? Sino ba tong babae na to?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin nung kasama nya. Tinignan pa nga ako from head to foot nung bruha. "E-ewan ko diyan!" Kandabulol na sabi ni kuya Jeff na hindi makatingin sa akin. "Sino ka ba?" Tanong pa nyang leche sya. "Anong sino ko?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. "Parang nung isang gabi lang nakikikain ka sa amin ah? Ngayon hindi mo na ko matandahan ha kuya?" Panununton ko sa kanya. Maang maangan pa syang echos sya! Hindi naman sana sya ka gwapuhan. "Honey! Sino ba yang babae na yan?" Nag alala at naiinis na tanong nung babaeng kasama nya. Nasa mukha nito ang pagkainip nya. Siguro dahil nabitin ang pagroromansahan nila. "Hindi ko nga alam eh," sagot ulit ni kuya Jeff. Nag iwas sya ng tingin sa akin pero halatang halata ko na nagtitimpi nalang din sya sa akin. "Halika na, hayaan mo nalang sya!" Narinig kong sabi pa nya at niyaya na nya ang babae nya at tumalikod na sila. Ang wawalangya talaga! "San kayo pupunta?" Harang ko sa dadaanan nila. "Hoy babae, baka hindi mo alam na may girlfriend na yang nilalandi mo?" Sita ko kay ate girl na agad na nanlaki ang mga mata sa gulat nya. "Totoo ba yon ha?" Masama ang loob na tanong nya kay kuya Jeff. Actually ay galit na galit sya. "Hindi totoo yon! Ikaw lang naman ang girlfriend ko eh," paliwanag ni kuya Jeff pero di na nakinig yung babae nya. "Walangya ka talaga! Babaero ka! Gago!" Mura pa nya sabay sampal kay kuya Jeff ng ubod ng lakas. As in kumalapak talaga yon sa mukha nya. Tapos non ay nag dirty finger sya, inirapan nya ako then rumampa na sya palabas. Sa shock yata ni kuya Jeff ay nasundan nalang nya ng tingin yung babae nya. "Tignan mong ginawa mo Gwen!" Galit na baling pa nya sa akin habang hinihimas nya yung nasaktan nyang mukha. "Ang hilig mong makialam eh ala ka namang alam!" Singhal pa nya sa akin. "Wala na akong paki alam kung ano yung sinasabi mo na wala akong pakialam. Basta ang alam ko kuya Jeff niloloko mo si ate!" Sa inis ko ay tinaasan ko na rin sya ng boses. "Gago kayo ng ate mo! tanungin mo sya mamaya kung ano yung sinasabi ko para magliwanag yang kokote mo!" "Hindi ko na sya tatanungin dahil I'm sure pagkatapos ng pangyayaring to ay break na kayo!" "Oo! Talagang break na kami. Sabihin mo sa kanya na ayaw ko na sa kanya kaya huwag na syang hahabol habol pa ha!" "Hahabol habol? Anong sinasabi mo diyan ha?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Ibig ba nyang sabihin ay si ate Gigi ko pa ngayon ang patay na patay sa kanya? Nagpapatawa ba syang leche sya? Panget nyang gumanap ha? "Edi itanong mo sa kanya!" Hamon pa nya sa akin at ngumisi pa sya. Sa inis ko sa kanya ay tinalikuran ko na sya. Kaya nga nagulat pa ako nung bigla nya akong pigilan sa braso ko. "Saan ka pupunta? Kala mo ba hahayaan pa kitang umalis dito ng walang nangyayari sa atin ha?" Puno ng malisya na sabi nya sa akin sabay lick pa ng mga labi nya. Ang manyak talaga! "Anong sinasabi mo dyan?" "Gago! Pinaalis mo yung ikakama ko tapos aalis ka din? What the f**k di ba?" Sabi nya sa akin then hinigpitan nya ang kapit sa braso ko. "Ano ba?! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" Inis na sabi ko sa kanya sabay bawi ko sa braso ko. Pero dahil nga maghipit ang kapit nya sa akin ay hindi ko nabawi yon. "Bitiwan mo sabi ko eh! Kung hindi sisigaw ako!" Galit na sabi ko sa kanya at nag warning look na ko. Nakakainis lang at kung bakit wala akong makitang ibang tao. Kung nasa loob na sila ng kwartong lahat ay hindi ko alam. Pati guwardya ay hindi ko matanawan. Kaya malakas ang loob ng mokong na to na harassin ako eh. "Bitiwan mo ko!" Singhal ko ulit sa kanya pero hindi sya natinag sa ginawa ko bagkus ay hinatak nya ko sa braso ko sabay yakap sa akin. "Tara na sa kwarto! Huwag na natin patagalin to. Tignan ko nga kung sino ng mas masarap sa inyo ng ate mo," sabi pa nya sa gawing tenga ko tapos ay suminghot sya na parang sinisimsim ang bango ko. "Ang bastos mo talaga! Wala kang kwenta!" Galit na sabi ko sa kanya at pinilit kong makawala sa pagkakayapos nya. "Ang kapal mo! Ang kapal mo!" Bwisit na bwisit na sabi ko sabay hambalos ko sa kanya ng boquet na dala ko. Actually ay eto talaga ang purpose nito kaya ko binawi to. "Manloloko ka na! Manyak ka pa!" Sigaw ko sa kanya tapos ay pinagpapalo ko talaga sya. Actually ay talagang hiningal ako sa ginawa kong yon. Sa bigat ba naman ng boquet na yon di ba? Pero sa totoo ay mas higit na naawa ako sa mga roses na halos magkalagasan na sa tigas at kapal ng mukha ni kuya Jeff. "Nakakarami ka na ha!" Gigil na bulyaw nya sa akin after nyang alisin ang pagdedepensa nya ng mga kamay nya sa mukha nya. Kitang kita ko nga na wala na syang pasensya. Kaya talagang kinabahan ako nung padaskol nyang inagaw sa kamay ko yung boquet na hawak ko at iamba sa akin yon. I mean di lang pala nya ia-amba dahil sure ako na gaganti sya at ihahampas nya rin sa akin yon para makaganti sya. As in unat kili kili yon ha. Sa takot ko nga na saktan nya ako ay napapikit nalang ako. Kaya nagulat pa ako na after ng ilang segundo ay wala namang boquet ang tumama sa mukha o katawan ko. "Anong ginagawa mo? Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na masama ang manakit ng babae?" Narinig kong sabi ng pamilyar na boses. Nung idilat ko yung mga mata ko ay nakita ko yung lalaki na kasama ko sa waiting shed kanina. Bali sinangga nya ng kamay nya yung boquet kaya hindi na tumama sa akin. Hindi ko akalain na sinundan pala nya ko. Is he for real? Parang si superman kasi ang tingin ko sa kanya ngayon. "Sino ka namang paki alamero ka?" Galit na tanong ni kuya Jeff sa kanya at sa inis nya ay ibinalibag nya sa pader yung mga bulaklak na hawak nya. Pobreng mga bulaklak at tuluyang nagkalagas lagas na. "Hindi na importante kung sino ko. Basta pare lagi mong tatandaan na ang mga babae hindi sinasaktan. Minamahal yung mga yan at iginagalang," seryosong pangaral pa nya kay kuya Jeff. Ako naman medyo bumilib sa kanya. Hindi ko akalain na magda dialog pa sya na parang nasa isang pelikula. "Ang dami mong sinasabi! Gago!" Inis na sabi ni kuya Jeff at walang anu ano ay sinugod nya ng suntok yung lalaking katabi ko. Nagulat ako at medyo natakot dahil di ba syempre nag aaway na nga sila. Alangan naman na tumunganga ako at manood nalang sa laban nilang dalawa. O kaya ay sumigaw nalang basta. So ang ginawa ko tumawag ako ng gwardya. Swerte naman at nakita ko na nag yoyosi sya at pabalik na sa pwesto nya. Si manong guard dali dali naman silang binawal at pinigilan nung makalapit sya. Kaya walang nagawa yung dalawang lalaki na nagkakainitan kundi ay ang maghiwalay. Si kuya Jeff na maangas ay walang nagawa kundi umalis nalang habang mura sya ng mura. Tapos bago sya tuluyang lumayas ay nag iwan pa sya ng dirty look with dirty finger sa amin. Nung hindi ko na sya matanawan ay parang nabunutan na ako ng tinik sa lalamunan. Yung parang nakahinga ako ng maluwag. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nya?" Agad na tanong sa akin nung lalaki kanina. Basta bakas sa tono ng boses nya yung pag aalala nya. As in ako pa talaga yung tinanong nya samantalang sya yung nakipaglaban di ba? "O-okay lang ako. Salamat sayo ha," nahihiyang sagot ko. After ng kasungitan ko kanina nakuha pa rin nya akong tulungan. "Ikaw, okay kalang ba? Hindi ka ba tinamaan?" "Hindi ah. Pag ganon lang ang kalaban, hindi tatama sa akin yon," proud na proud na sagot nya. "Ah," Okay na sana, medyo mayabang lang sya. Haha. "Sino nga pala yung kulokoy na sinugod mo kanina dito?" Maya maya ay tanong nya sa akin. "Ah yon? Si kuya Jeff yon, boyfriend ng ate ko. Nakita ko kasi syang may ibang kasamang babae kaya nagdilim talaga yung paningin ko," kwento ko. At habang sinasabi ko yon ay nabuhay na naman yung inis na nararamdaman ko don sa lalaking yon. "Kala ko boyfriend mo na eh," medyo may halong birong sabi nya. "Anyway ang mahalaga naturuan mo sya ng leksyon ng hindi na sya umulit pa." Sasagot pa sana ako sa sinabi nya kaso naman naunahan na ako ni kuya guard sa eksena. "Ma'am/sir eto po nga po pala yung susi nyo. Kung mawawala ito, hindi kayo makakapasok sa kwarto nyo," pilyong sabi sa amin nung guard sabay abot nga nung susi na may kahoy na keychain. Syempre automatic na napatingin kami don tapos ay nagtatakang nagkatinginan kaming dalawa nung kasama kong lalaki. Siguro ay yun yung susi sa motel room na inupahan ni kuya Jeff at nung babae nya. Motel room? Ha ano? Motel room??? Ngayon lang parang nag sink in sa utak ko kung nasaan kami ngayon. Nasa motel nga pala kami. Paano kung may makakita sa amin dito? Edi patay ako! Tapos timing pa na may bumukas na pinto nung isang room tapos ay may lumabas na mag syota na sobrang saya. As in ay magkapulupot talaga sila. Napatingin din kami don pareho tapos nahihiyang yumuko nalang ako. "Ah, sige sir sayo nalang yan. Paalis na rin kami eh," baliwalang sagot nung lalaking kasama ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD