Chapter 10

2190 Words
CHAPTER 10 --------------- GWEN POV --------------- Anyway ano man ang reason nya ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil nga hindi sya nag dalawang isip na sundan ako at tulungan. "Ah ano kasi." Hindi ko maituloy yung sasabihin ko kasi di ko malaman kung paano ko sasabihin na mauna na sya. Kasi baka may makakita pa sa aming magkasama at magka isyu pa. Parang naunawaan naman nya yung gusto kong mangyari kaya sya na mismo ang nag initiate na mauna na syang aalis. Tapos ay hihintayin nalang daw nya ako sa labas para if ever na bumalik nga yung si kuya Jeff eh maprotektahan daw nya ko. Ang sweet noh? Para daw ma protektahan nya ko. Parang gusto ko tuloy kiligin. "Ay nako Gwen arte mo! Huwag ka ngang ano diyan! Remember hindi ka na available kaya don't act like one!" Saway ko sa sarili ko. So ganon nga ang nangyari. Nauna syang lumabas tapos after ng ilang minuto ay sumunod ako. Oh juice ko! Salamat naman at nakalabas na ko sa lugar na yon. Ang totoo ay kinabahan ako dahil baka nga may makakita sa akin. Mabalitaan pa ng jowa ko at akalain nitong nagtataksil ako or worst ay may mag chismis pa kila nanay. Tiyak na patay ako oo! Paglabas ko ng "Ban Atan Motel" ay natanawan ko nga na hinihintay ako nung lalaki kanina. Nasa kalapit na kanto lang sya. Nung makita nya ko ay kumaway pa nga sya. "Salamat ulit sa pag tulong sa akin kanina ha at sa paghihintay sa akin dito. Sobrang naabala na kita," nahihiyang sabi ko. Naglalakad na kami non pabalik sa may main road. "Okay lang yon Ms.Gwendolyn," nakangiting sagot nya. Tapos lumabas na naman yung biloy sa pisngi nya. Masasabi kong bagay na bagay talaga yon sa itsura nya. Teka Ms.Gwendolyn ba ang sabi nya? Nakakatuwa naman at natatandaan pa pala nya yung pangalan ko nung nag deliver sya kanina. "Lahat ba ng pangalan ng customer mo natatandaan mo?" Naisipan ko tuloy itanong. Wala lang curious lang ako. "Hindi naman. Yung pangalan mo lang," sagot nya na talagang ibinitin pa nya yung statement nya. "Bakit naman? Nagandahan ka ba sa pangalan ko?" Biro ko. "Oo tsaka remarkable kasi yung bulaklak na pinadala sayo. Pinaka malaki at pinaka mahal sa lahat ng napag deliver-an ko ngayong Valentines day," honest na sagot nya tapos ay itinaas pa nga nya yung boquet na bitbit pa rin nya. Halos kalahati na lang yung natira sa mga rosas don tapos lanta na nga yung iba. "Ah," disappointed na sabi ko. Sabi na nga ba at yung boquet talaga yung habol nya. "Sorry, nasira ko na yan. Ibinigay ko na nga sayo kanina binawi ko pa at ginamit kong sandata," natatawa pero apologetic na sabi ko sa kanya. Sabay action ko kung pano ko ginawang pamalo yung boquet na hawak nya. Ewan ko ba naman at bakit natawa sya. Hindi naman sana ako nagjo-joke. "Okay lang. Nanghinayang lang naman ako dito kasi itatapon mo kako. Tsaka ang totoo kaya ko natandaan ang pangalan mo kasi bukod sa pinaka maganda yung bulaklak na para sayo, ikaw din yung pinaka maganda sa mga naging customer ko," natatawang sabi nya pero deep down inside me ay parang naramdaman ko na seryoso sya. Feeling ko nga ay tinablan ako nung papuri nya kasi balak ko pa yatang mag blush. "Ayos sa dialog ah, pak na pak," natatawang biro ko. Pilit kong pinagtakpan ang totoong naramdaman ko kaya yung usapan namin pilit ko nalang binago. "Ano na ngang pangalan mo?" Naisipan ko tuloy itanong. Kanina ko pa sya kasama at kausap ay wala man lang akong idea kung ano. "Ron, short for Roniel," pakilala nya sa akin at ipinahid pa nya sa damit nya yung kamay nya bago sya makipag shakehands sa akin. Syempre tinanggap ko yung pakikipag kamay nya. Ngayon pa ba ako magsusungit eh iniligtas na nya ko sa tiyak na kapahamakan kanina. "Gwen, short for Gwendolyn," nakangiting gaya ko sa introduction nya kanina. Kaya napangiti talaga sya. "Paano nga pala ako makakabawi sayo? Sa pagtulong mo sa akin kanina at sa pagsusungit ko?" Maya maya ay nahihiyang tanong ko. Nakita ko na nag iisip sya tapos maya maya ay napangiti na sya. "Bakit hindi mo nalang kaya ako i-libre ng meal?" Tanong nya sa akin. Medyo nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nagpahalata. Syempre ine-expect ko na sasabihin nyang hindi na o kaya ay okay lang di ba? "Okay lang naman. Gusto mo ba ngayon na?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman ako hahanapin sa amin kahit medyo gabi na kasi alam naman ni nanay na gagabihin ako ngayon dahil baka kako mag ayang gumimik yung mga kaibigan ko. Bagay na hindi nangyari dahil bukod sa home buddy lang ang dalawang yon ay atat na atat pang manood ng Kdrama si Juvy. "Siguro next time nalang Ms.Gwen," sagot ni Ron after nyang tignan yung wristwatch nya. "Ang totoo kasi may klase pa ako ng alas otso," pag amin nya at napakamot pa sya sa ulo nya. Tama nga ako sa iniisip ko kanina, working student nga pala sya. Nung tignan ko yung orasan ko ay 7:30pm na nga pala. "Nako male-late ka na. Pasensya ka na talaga ha," nahihiyang sabi ko ulit sa kanya. "Sige na, mauna kana sa pagsakay. Malapit nalang naman yung sa amin," taboy ko pa sa kanya. Pero syempre hindi naman sya pumayag na hindi muna ako makasakay bago sya umalis. Bali hinatid nalang nya ko sa pila ng mga tricycle. "Ano to?" Nagtatakang tanong ko kay Ron nung inilagay nya sa kandungan ko yung 1 pc red rose boquet na nakita kong dala nya kanina. Nakasakay na ako sa loob ng tricycle tapos ay sumilip lang sya. "Bakit sa akin mo to ibibigay huy!" Sabi ko at isinosoli ko yung inabot nya. "Basta kasi!" Natatawang sagot nya. "Yung libre mo sa akin ha! Ingat!" Nakangiting paalala pa nya. Tapos binalingan nya yung tricycle driver at pinaalalahanan na dahan dahan lang sa pagpapatakbo nya. Basta napaka caring nya, kung ganon ba talaga ang personality nya o pa fall lang talaga sya ay hindi ko alam. Basta ang alam ko, blessing na rin na nakilala ko sya ngayon. Wala sa sariling inamoy ko yung rose na bigay nya tapos ay napangiti ako. "Yown! Ganon sana! Happy na! Valentines pa!" Narinig kong biro sa akin nung tricycle driver. Hindi ko alam na nakita pala nya yung ginawa kong yon. Nanudyo na nga sya ay napakanta pa sya nung kanta ni James Reid at Nadine Lustre. Medyo bata pa kasi si kuyang driver kaya maloko talaga. Napatawa nya talaga ako don sa banat nya. So ayon nga, naging safe naman ako sa buong byahe hanggang sa makauwi ako sa bahay namin. Iyon nga lang nung maisip ko yung tungkol sa kataksilan ni kuya Jeff kanina ay bigla nalang akong binundol ng kaba. Syempre kailangan kong sabihin sa ate ko yung mga nangyari kanina. Kasi kahit hindi kami close na dalawa ay nakakatandang kapatid ko pa rin sya at concern ako sa kanya. Napabuntong hininga ko. Alam ko kasi na hindi kadali ang i-approach sya. Anyway, naisip ko ay bahala na. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay hindi ko nadatnat si nanay at si lolo sa may sala. Kaya agad kong naisip na marahil ay hindi pa sila nakakauwi galing sa pagsisimba. "Nandito na pala ang pabida!" Narinig kong sigaw ni ate Gigi kaya napalingon ako sa kanya. Nakita ko syang pababa sa may hagdan at kumakain ng kung ano. "Nandito ka pala ate," nakangiting bati ko sa kanya kaya nagulat pa ako nung ibatukal nya sa akin ang kung anu mang kinakain nya. Nagulat talaga ako sa ginawa nyang iyon dahil kung hindi ako nakaiwas ay siguradong tinamaan ako non. Sa kaba ko ay nasundan ko pa ng tingin yung bagay na malakas na tumama sa pintuan at nagpagulong gulong ulit pabalik sa kanya na parang isang turuan. "Tsk! Sayang hindi ka pa tinamaan!" Narinig kong napalatak pa sya sa panghihinayang nya. Yumukod pa nga sya para pulutin ulit yung mansanas na kinakain nya kanina. "Ate bakit mo naman ginawa yon? Muntik mo na kong tamaan ah?" sabi ko na may hinampo sa boses ko. "Ano naman ngayon sa akin? Dapat nga tinamaan ka na eh," Walang kangiti ngiting sagot nya sa akin tapos ay pinagkrus pa nya ang mga bisig nya sa gawing dibdib nya sabay irap nya sa akin. Hay nako! May bago ba sa pangyayaring ito? Kailan ba naman natuwa ang kapatid kong to sa akin? Hindi ko na matandaan kung may pangyayari ngang ganon sa buhay namin. Simula't sapol kasi ay nararamdaman ko na ang disgusto nya sa akin. Hindi ko nga malaman kung anong kasalanan ang ginawa ko sa kanya para makaramdam sya ng galit sa akin. "Ate bakit na naman ba? May nagawa na naman ba akong mali sayo?" Hindi ko tuloy naiwasan ang magtanong dahil kung iiwasan ko sya ay lalo lang syang magagalit sa akin. "Anong bakit ba?" Naniningkit ang mga matang singhal nya sa akin. "Alam mo kung anong kapalpakan ang ginawa mo kanina tapos ngayon nagmamaang maangan ka pa!" "Alam ko na ang mga pakikialam na ginawa mo Gwen. So anong tingin mong magiging reaction ko? Tingin mo ba matutuwa ako ha?" Nakataas ang kilay na tanong nya. "Ate Gigi naman," maang na natawag ko nalang ang pangalan nya. Nalito kasi akong bigla. Kung alam na pala nya ang ginawang kataksilan ng boyfriend nya ay bakit nagkaka ganito sya? Bakit parang ako pa yata ang may kasalanan? Samantalang nagmamalasakit lang naman ako sa kanya. "Ah alam ko na," sabi ni ate na parang naka isip sya ng magandang idea. "Siguro iniisip mo na after ng nangyari ay iiyak ako at malulungkot ako. Syempre makikisimpatya ka sa akin at magkaka utang na loob ako sayo. Then feeling bida ka na naman eh hano? Ano ba ang mga ine-expect mo na sabihin ko sayo? Salamat Gwen? Ang bait mo talaga Gwen? Maasahan ka talaga Gwen? The best ka talaga Gwen? Ano pa ba Gwen? " Sarcastic na tanong nya sa akin. Nakita ko pa nga na tumaas ang gilid ng labi nya. Yung talagang nang iinsulto sya. "Ate Gi wala akong intensyong masama sa ginawa ko. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na papupurihan mo ko dahil sa pang aaway ko sa boyfriend mo," masama ng loob na sabi ko. "Nakita ko kasi na niloloko ka nya kaya bilang kapatid mo tama lang naman na ipagtanggol kita di ba?" "Nandon na nga tayo sa pagtulong mo. Kaso tingin mo ba natulungan mo talaga ko?" Sabi niya na hindi na itinago ang inis nya. Actually ay lumapit pa nga sya sa akin tapos namewang sya. "Alam mong hirap sayo? Feeling mo kasi sobra mong talino. Feeling mo lagi kang tama at hindi ka nagkakamali. Eh ang totoo wala ka naman talagang alam so bakit ka makiki alam di ba?" Umuusok ang ilong na sita pa nya sa akin. For a moment ay nalito ko sa komprontasyon namin. Hindi ko na kasi alam kung anong tinatakbo ng usapan namin. Di ba ang isyu lang dito ay nambabae yung boyfriend nya? Eh bakit ngayon ako yung iginigisa nya? "Nalilito ka ba? Sorry ha. Hindi mo talaga mapi-pick up ang sinabi ko dahil wala ka ngang alam! Gwen wala kang alam!" Inis na sabi nya sa akin at talagang tumaas na ang boses nya. So ako that time, hindi lang ako basta nagtaka kundi ay nagulat. "Teka lang ate, ano bang masamang ginawa ko?" "Shut up! Huwag kang magsalita dahil talagang naiinis mo ko!" Sigaw nya sa mukha ko. Syempre bilang pag galang ko sa kanya dahil ate ko sya ay tumahimik nalang ako. "Sige! Sasabihin ko sayo kung anong sitwasyon ko kaya makinig kang mabuti. Para malaman mo kung ano talaga yung pagkakamali mo. Una sa lahat si Jeff, hindi nya ko niligawan. Gustong gusto ko lang sya kaya pumayag ako kahit pangalawang babae lang nya basta maging syota ko sya. Gets mo na ba ha?" Explain nya na parang ang bobo nung kausap nya. Syempre hindi na ako nakakibo sa rebelasyon nya. Mukhang tama nga sya, mali ako sa ginawa kong pakiki alam. Pero wala naman kasi akong ideya na ganon yung sitwasyon nila. "So yung babaeng sinugod mo kagabi sya talaga yung original na girlfriend nya. Kung tutuusin wala naman talaga kaming problema ni Jeff kung hindi ka lang talaga umeksena. O syempre hindi mo ko naiintindihan di ba? Kasi Santa ka, hindi ka papayag ng pangalawa ka lang di ba?" Naiinis pa ring sabi nya sa akin. Nung narinig ko yung sinabi ni ate ay may parte ng pagkatao ko ang nasaling. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan ako sa paraan ng pagkakatingin nya sa akin. I mean kahit sarcastic ang pagkakasabi nya, mataas pa rin yung tingin nya sa akin. Hindi nya alam pareho lang kami ng sitwasyon na dalawa. Kung masasabi ko lang sana sa kanya na wala naman kaming pinagkaiba. Kung masasabi ko lang sana na mas masahol pa ko sa kanya. Kung masasabi ko lang talaga. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD