CHAPTER 106 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ Matalino naman sya kaya mapi-figure out din nya ang ibig kong sabihin pag dating ng tamang panahon. So after ng nakakahiyang pagsugod sa akin ng asawa ni Mayor sa school ay natural na hindi na ko pumasok. Nagdrama ako kay Mayor na gustuhin ko mang mahalin sya at manatili sa piling nya ay hindi na pwede dahil sobra ang trauma na idinulot sa akin ng pang aaway ng asawa nya. Kahit ang totoo ay modus ko lang yon para makipag kalas sa kanya. Nabalitaan ko kasi na masyadong possessive si Mayor at mahilig magbuhat ng kamay pag nagtagal na. Kaya bago pa kami umabot sa ganoon ay gumawa na ko ng isang drama. Drama na sobrang effective. Sa awa nga sa akin ni Mayor ay hinayaan na nya akong lumaya. Binigyan pa

