CHAPTER 107 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ "Here, transfer na," naka ngiting ipinakita nya sa akin yung bank confirmation. Nung makita ko kung ilang million yung pinapawaldas nya sa akin ay halos kuminang yung mga mata ko. "Bakit sweetheart? Kulang ba ito?" Tanong nya sa akin na hinawakan pa ako sa may baba ko tapos ay umangat ang mukha nya para halikan ako sa labi. Dahil nga may dalang wine ang pareho kong kamay ay hindi ko tuloy sya maitulak. Buti na nga lang at nagawa kong ipaling yung pisngi ko. Kaya imbis na sa labi ko tumama yung nguso nya ay sa pisngi ko yon lumanding. "Ang laki nga nyan sweetheart. Pero ewan ko ba at kung bakit hindi ako maging masaya. Siguro kasi alam ko na hindi naman kita makakasama," malungkot na sabi ko. Halo

