CHAPTER 102 ------------------------------ GWEN POV ------------------------------- Napabuntong hininga ako nung maisip ko na naman ang mga sinabi na iyon ni Roxanne sa akin. Siya yung tipo ng tao na parang walang pakialam pero ang totoo ay sya ang pinaka affected sa lahat. Mukha lang talaga syang easy go lucky pero deep in side ay emosyonal. Mas mataas ang grades ko sa kanya sa school pero sya talaga ang totoong matalino at diretso mag isip sa aming dalawa. Most of the time sya ang life savior ko kahit mas matigas ang ulo nya. Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga syang bigyan ng problema. Kaya lang ano ngang magagawa ko? Ito na ang final phase ng paghihiganti ko. At kailangan kong tapusin ang mga bagay na nasimulan ko. Kung hindi ay parang mauuwi lang sa wala ang lahat ng pa

