CHAPTER 101 --------------------------- GWEN POV ----------------------------- Noong mga panahon na iyon, ang usapan lang nilang dalawa ay dudukutin ako at tatakutin para layuan ko na sya. Bagay na pinayagan na rin nya kapalit ng masamang pagtatangka sa buhay ng libo libong empleyado sa opisina. Kaya nga daw ganon nalang ang panlulumo nya nung ibalita nito sa kanya na patay na ko at inilibing sa malayo. Matagal daw nyang ipinagluksa ang inaakala nyang pagkamatay ko. Noong mawala daw ako ay parang nawalan na din ang gana nyang magmahal muli. Nawalan daw sya ng amor kay Ms.Rina hanggang sa tuluyan na silang nag away. Dahil sa napuno na sya at nasusuklam ay iniwan na nya ito ng tuluyan. Pero dahil may sira na nga daw ito sa ulo ay nagtangka itong bawiin ang sarili nitong buhay.

