TYLER POV
Walang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko lalo na ng makabalik ako sa aking sasakyan. At tamang stalk na rin sa social media account ni Stella. Natatawa ako dahil masyado talagang makaluma ang paniniwala niya. Medyo may pag ka introvert siya at health conscious.
Saktong sakto dahil masarap na rin ang magiging kape ko sa weekend sapagkat ang magiging asawa ko ay masarap mag timpla ng kape. At ang mas nakakatuwa pa, gustong gusto ni Mama ng mga babaeng makaluma kagaya ni Stella. Parehas sila na naniniwala pa rin sa marriage.
Medyo liberated kasi ang dati kong asawa kaya medyo dumidistansya rin ito kay Mama. Palagi niya sa akin sinasabi ang sama niya ng loob. As I continue to scroll down on Stella's social media account, I noticed additional images of Stella na gumagawa ng community service.
Mabuti na lamang at parang bukas na libro ang social media ni Stella kaya kahit hindi kami friend, nakikita ko ang buhay niya. Pero napalitan ng awa ang aking tawa nang makita ko ang larawan ni Stella kasama ang kanyang nanay na may sakit.
I don't regret giving her money. Wala akong sama ng loob na bigyan siya ng higit pa sa inaasahan niya. Sa sandaling huminto ang sasakyan, ang aking kasambahay ay huminto sa garahe at bumaba para pagbuksan ako ng pinto. I give her face one more glance, shut the laptop, and give it to the maid before getting out of the vehicle with my briefcase.
Today was a lengthy day at work together since we are going to be married, but after nang kontrata namin, tatanggalin ko na ng tuluyan si Stella sa company ko. Masaya ako ngayon dahil finally, mayroon na akong ihaharap sa nanay ko- ang babaeng matagal na niyang hinahanap para ibigin ko.
My mother is a strict, desperate lady who will stop nagging not unless she sees that I am married again. She told me that I was not getting any younger and nobody was going to take care of me once I got old. Kaya lang, I don't believe in deadlines pero naniniwala ako sa perfect timing.
Pero si Mama, advance mag isip at gustong magkaanak ako kaagad pagkatapos kong ikasal. Sa totoo lang, wala na akong planong magkaroon ng anak sa ibang babae bukod kay Coleen. However, I can't tell my mom mom about this.
Iniabot ko ang briefcase ko sa kasambahay kasama ng iba ko pang mga dala. Bago pa ako makarating sa kwarto ko, dumating si Mila, ang kasambahay ko sa loob ng 10 years sa mansyon.
"Magandang araw po sa inyo Sir, nandito po pala ang nanay ninyo," nakangiti niyang sabi sa akin.
Binigyan ko siya ng maaliwalas na ngiti. Mabuti na lang talaga at nandito si Mama dahil mayroon akong magandang ibabalita sa kanya. Although I am sure she would be happy, I will look over it and go forward with my plan. I must demonstrate to her that I am ready to become a f*****g husband again even though it is against my will.
I don't really want to force myself to be married again, now or in a million years. Pero I need to pretend that I am. In a marriage, there will be ups and downs, and difficulties na kakaharapin ng marriage.
Ika nga nila, ang marriage ay sa umpisa lang masarap. At habang tumatagal ang marriage, nawawala na ang spark ng magkasintahan. Sa panahon ngayon, ang marriage ay for legality na lang ng mag asawa para kung sakaling mag hiwalay sila, mayroong isang papel na ilalaban sa korte ang biktimang asawa.
Ganyan naman ang panahon ngayon, maraming tukso sa paligid at ang mga ahas ay wala na sa gubat. As I made my way upstairs, nakita ko ang nanay ko na nakatayo. Nakapalupot sa kanyang leeg ang napakaraming alahas na minana niya pa raw sa nanay niya.
Mabuti na lang din pala at maaga akong naging independent dahil natitiyak kong tuturuan ako ni Mama na maging maluho kung nagtagal ang stay ko sa mansyon namin.
"Kamusta ka Tyler?" miss na miss ko ang tanong niyang ito, minsan na lang kasi kami mag usap dahil sa busy ako sa trabaho.
Umakyat ako at nag mano ako sa kanya. Pagkatapos kong kumalas sa kanyang kamay, napatingin ako sa kanya. Dahil sa dami ng plastic sugery ni Mama, hindi ko talaga mahalata na siya ay isang 70 years old na.
"Mabuti naman ako," sagot ko sa kanya, "Pero bakit po kayo nandito?" tanong ko pa.
"Bakit? Bawal na bang dumalaw sa kaisa isa kong anak? I came here because I missed you so much and I would like to see how your life is going so far."
"Ma..." napabuntong hininga ako sa mga titig niya sa akin, basang basa ko kaagad kung ano ang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling ito. "Okay naman po, sobrang busy ko lang din kasi sa trabaho kaya hindi na ako nakaka dalawa."
"Well, you are really hardworking like your father. Pero baka naman nakakalimutan mo na ang palagi kong bilin sayo? Lahat halos ng mga amiga ko ay mayroon nang apo, ako na lang ang wala pa! Nakakairita kasi pinagtatakpan kita sa kanila. Wag mo sabihin sa akin na wala ka pa ring nakikitang papalit kay Coleen?"
Hays! Bakit parang ang dali lang kay Mama na sabihin ang mga bagay na ito? Palitan si Coleen? I don't even think of that ever since mamatay siya. Kung pwede ko lang sabihin ang totoong nararamdaman ko, sasabihin ko sa kanya ang totoo. Pero ang nanay ko, never did she understand my situation so kahit paano ko pa i-explain, balewala rin sa kanya.
Pero mabuti na lamang at mayroon talaga akong plan B. But I need to take her downstairs and talk about it habang nag di-dinner kaming dalawa.
"Ma, baka pwedeng mag dinner muna tayong dalawa bago ko ibigay sayo ang good news?"
"Siguraduhin mo lang na talagang good news ang ibibigay mo sa akin Tyler. I am so tired of having to defend you in my Amigas' because you don't have a wife yet."