STELLA POV
Sa darating na linggo, kailangang operahan ang nanay ko pero wala pa rin akong pera. Ang gastos sa pamumuhay, kasama na ang aming pagkain, renta, at pagpapanatili ng aking ina ay sakop ng aking suweldo. Wala akong ibang maililigtas kundi sila. Paano ako kukuha ng pera bago pa huli ang lahat?
If we don't bring the money, baka biglang bawian ng buhay si Mama. Ang tanging hiling ko lang naman ay masaksihan niya ang kasal ko. Gosh! Sobrang sakit nito sa bangs. Pero wala akong mapapala kung nakatunganga lang ako sa mga problema, kailangan kong gumawa ng paraan.
Should I ask Lovely for her advice on what to do since I cannot do it alone? Para na akong pinag sasakluban ng langit at lupa sa mga nangyayari sa akin. The telephone rings again, pulling me out of my deep thoughts. Si boss Tyler ba yun? Akala ko marami pa siyang nakabinbing trabaho.
Nang makita ko na siya ang tumatawag, napaisip ako kung tatanggalin na ba niya ako dahil sa ni reject ko ang offer niya? Hindi ko mapigilang manginig nang sagutin ko ang tawag niya.
"Yes Sir... napatawag po kayo?"
Patuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib ko. Kung tatanggalin niya ako, hindi ka ako naniniwala na mayroon pa akong pag-asa.
"Pwede ka nang mag out sa work," seryosong sabi niya.
"What?" Ang aking paghinga ay nagiging pilit at ang aking t***k ng aking puso ay bumibilis, sana talaga ay hindi niya ako maisipang alisin sa trabahong ito. "Tatanggalin niyo na ba ako sa trabaho?"
"I instructed you to return to home di ba?" pag uulit niya sa sinabi niya. "Ayaw ko ng paulit ulit!"
Talagang hindi siya ganito. Dapat ba akong sumuko sa halip na magtrabaho? Tuluyan na ba niya akong pinaalis sa trabaho o para lang ngayong araw? Bago ko pa siya matanong kung ano ang ibig niyang sabihin ay ibinaba na niya ang telepono.
Sa sandaling ito, nadagdagan ang aking pagdududa. Hindi pa rin ako sigurado sa gusto niyang gawin ko. Nakaka inis, ang hirap basahin ng tumatakbo sa isipan niya.
Wala na ba akong ibang magagawa pa? Makaka balik pa ba ako sa office sa ibang araw? When my phone rang, akala ko ay si Boss Tyler ang tumatawag subalit si Lovely pala ito. Sakto at pinauwi na rin ako ni ng masungit kong boss. Pag out ko sa work, tsaka ko sinagot ang tawag niya.
Ngayon, mayroon na akong pagkakataon para sabihin sa kanya ang tungkol sa trabaho ko at ang mga benepisyong iniaalok sa akin ni boss Tyler. Curious ako kung ano ang iniisip niya tungkol dito. Kung siya ang nasa sitwasyon ko, tatanggapin ba niya o tatanggihan?
"Let us meet in the bar shortly."
I stared at my phone and I continued my stalking on Boss Tyler's social media account. Grabe, napaka gwapo talaga niya kahit saang anggulo ko pa siya tingnan. Nawala ang kilig sa katawan ko nang maalala ko kung paano niya ako tratuhin.
"Sayang talaga, gwapo ka sanang boss pero masama ang ugali mo."
Napansin ko kaagad na matagal na pa lang walang dine date itong si Sir Tyler. At tsaka ko napag tanto na kahit isang babae, walang lumapit sa kanya sa office. Ang nabalitaan ko lang sa chismis, mayroon siyang naging asawa dati pero namatay ito.
Nang magpahinga na ang mga mata ko, tumigil na ako sa pag-stalk sa kanya. Kahit na alam kong alam ko ang kanyang nakakabaliw na kapalaran, hindi ko alam na ganito siya kayaman. Mayroon siyang mga aktibidad sa buong kontinente at isang bilyonaryo. Nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit habang nanginginig ang mga kamay ko.
I must see my best friend, Lovely. Kailangan kong malaman kung ano ang kanyang opinyon tungkol dito dahil mas matanda siya sa akin at marami na ring pinagdaanan sa buhay.
-----------------------------------------
-----------------------------------------
TYLER POV
Agad na napuno ang tenga ko ng malakas na musika pagkapasok ko pa lang sa club. Bihira akong bumisita sa lokasyong ito mula nang mamatay si Coleen. Pumupunta lang ako dito kung may business deal ako sa mga kliyente ko na kalaunan ay naging kaibigan ko lalo na si Carlo na nanatili kong kaibigan pagkatapos mamatay ni Coleen.
Pagbalik ko sa lugar na ito pagkatapos ng mahabang panahon, nakaramdam ako ng matinding nostalgia habang inaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin ng aking yumaong asawa- dancing on the disco ball while having wines on our hands. Dahil parehas kaming manginginom ni Coleen at nangako kami sa isa't isa na magiging kami hanggang sa huli.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa itaas habang papasok ako sa club, ini-scan ko si Carlo sa lugar. Sinadya naming magkita dito para matulungan niya akong pumili ng babaeng kakausapin tungkol sa mga tuntunin ng kasunduan. Sana lang maging maayos ang lahat at hindi ko na kailangan pang harapin si Stella.
Sa totoo lang, medyo nalungkot ako nang tanggihan ni Stella ang alok ko. Bagama't gusto ko siyang tanggalin, ang dami ng trabaho ko ngayon ay pumipigil sa akin na maghanap ng ibang Personal Assistant. Si Stella ay medyo matalinong tao na dedikado sa kanyang trabaho. Bukod dito, seksi pa siya at sobrang ganda ng mukha.
Pero I swear, kapag nakahanap ako ng magiging contracted wife ko, tatanggalin ko siya kung mas mahusay ito kaysa sa kanya.
Nakita ko na rin sa wakas si Carlo- nakaupo siya sa isang sulok kung saan kami dati madalas na magkita. I sighed as I go up to Carlo's desk. I saw two ladies laughing and drinking between him. Kilala ko ang babae sa kanan, ito si Rachel- ang kanyang asawa. Pero ang babae sa kaliwa, bago ito sa paningin ko.
Nginitian ako ni Carlo nang makita niya akong papalapit. Nagsimula ring magtinginan ang mga babaeng kasama niya. I greet his wife and the other woman with a smile bago ak naupo. Medyo komportable ako sa mga nangyayari ngayong gabi at sana ay ito na talaga ang hinihintay kong mangyari.
"Bakit ka na late bro?" malakas na tanong ni Carlo, masyado kasing maingay ang music kaya ito nakapag taas ng boses