TYLER POV
Three years have already passed! Three years ng simulan akong iwan ni Coleen na buntis sa una naming anak. Sariwa pa rin ang alaala ng pagtatalo namin bago siya mamatay.
Puno ng galit ang puso at isipan ko hanggang ngayon dahil sa nangyari. Siguro kung nakinig lang ako sa kanya at sumuko sa mapanganib na negosyo ng pamilya, gaya ng sabi niya noon, baka magkasama pa rin kami at magkaroon ng anak.
Hindi ko ginawa, gayunpaman. Ang tatay ko ang Mafia lord at naging sunod sunuran ako sa kanya na parang aso, at ito ang pinaka malaking pag sisisi ko. Itinulak niya ako na wakasan ang mga pakikipagsosyo subalit umiral ang takot ko sa tatay ko.
I found it difficult, kung maibabalik ko lang ang kahapon, mas nanaisin kong makinig sa kanya. After she died, I've cut ties with my father whom I no longer see more than a decade, umalis siya at iniwan kaming dalawa ng nanay ko na walang ibang bukambibig kung di mag asawa na ako at magkaroon ng anak.
Ito raw ang tanging paraan para makalimot ako sa sakit. Pero alam ko naman na wala na akong babaeng kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko kay Coleen at nangako ako na wala akong ibang mamahalin kung di siya. Dahil naririndi at napapagod na ako sa bunganga ng nanay ko, kailangan ko ng mag asawa.
Pero siguro naman sapat na ang six months para mapatunayan ko ang sarili ko sa nanay ko. At dahil saktong maganda at sexy si Stella, pwede na siguro siya. And since mayroon siyang problema, I guess wala siyang ibang choice kung di ang pumayag sa contract marriage na inaalok ko sa kanya.
Masunuring babae naman si Stella at maasikasong babae kaya nasisigurado kong magiging maayos ang pagsasama naming dalawa.
"What? A contract marriage?" gumuhit ang pagkagulat sa kanyang noo, marahil ay sobra siyang nabibigla sa mga pangyayari.
Bumalik ako sa pwesto ko at nginitian ko siya kahit na seryoso ang tingin niya sa akin.
"This contract marriage will have legal consequences. I want you to be my wife for 6 months. Pagkatapos noon, bibigyan pa kita ng isang milyon at tapos na ang pagpapanggap nating dalawa. For instance, tutulungan kita sa down payment pero para makasigurado ako, ibibigay ko ang remaining sa mga susunod na buwan. And ang one million, ibibigay ko kapag tapos na ang kontrata natin."
Ang buong akala ko ay matutuwa si Stella sa offer ko pero nagsimula itong yumuko at kumunot ang noo dahil sa lungkot.
"Oh bakit? May problema ba?" tanong ko.
Nagsimula siyang umiyak sa harapan ko pero hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na awa sa kanya.
"And why the f**k are you crying na para kang bata?"
"Ba-bakit sa dinami rami ng babae dito sa office, ako pa po ang napili ninyo?"
Nayamot akong bigla sa kanya. Ayaw ko pa naman ng maraming tanong kapag mayroon akong offer. And I take no for an answer.
"I told, isa itong contract marriage between the two of us. Papakasalan mo ako kapalit ng perang hinihiling mo, mayroon naman tayong legal contract and you can read the terms and conditions. You should be grateful dahil tinutulungan kita sa problema ng nanay mo."
"I am sorry Sir... i-offer niyo na lang po 'yan sa ibang babae."
Halos mapalunok ako sa naging tugon niya sa proposal ko, "And why would you decline my offer? Kung gusto mo ay gagawin kong 2 million ang deal nating dalawa."
"Dahil ang sabi ng nanay ko, sacred po ang marriage at hindi ito dapat gawing isang negosyo."
Nagsimula akong matawa sa narinig ko sa kanya. Seriously, halatang makaluma na ang paniniwala niya.
"Are you kidding me? Sa panahon ngayon, kailangan maging praktikal ka na. Uulitin ko ang tanong, at wala nang bawian ang sagot, papayag ka ba na maging asawa ko sa loob ng six months?"
"Sir I am sorry, hindi ko po talaga gustong magpakasal sa inyo kung wala po tayong nararamdaman para sa isa't isa."
I clenched my fist in anger, sobrang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Stella. I sincerely regret asking her about this damn proposal. Pinahiya ko lang ang sarili ko.
"f**k! Kalimutan mo na ang tungkol sa fake marriage proposal na alok ko. Pwede ka nang bumalik sa pwesto mo."
Sa unang pagkakataon, nagtaas ako ng boses kay Stella pero wala akong pakialam sa kung ano ang mararamdaman niya.
Tumayo siya at dahan dahang naglakad papunta sa pintuan. Still, umaasa ako na lilingon siya sa akin at tatanggapin niya ang alok kong proposal. At sa bawat hakbang niya papalayo, unti unti rin akong nawawalan ng pag asa. Nang maglaho siya sa paningin ko, sinuntok ko ang lamesa ko sa galit.
Dapat pala nagpunta na lang ako sa bar at nag hanap ng babae na pwedeng pumayag sa marriage proposal ko. And I should not waste my time talking to Stella.
-----------------------------
-----------------------------
STELLA POV
Wala sa isip ko ang ganitong uri ng self-image. Sa kabila ng pagiging single, hindi ko naisip na pumasok sa isang contract marriage. At ipinagmamalaki kong virgin ako. Buong araw akong umiiyak, nagmumura, at nagnanais ng imposible habang nagtatrabaho sa opisina.
Paano ko inaasahang ikakasal ang aking malamig na pusong amo? At sa loob lang ng anim na buwan? Paano ito kahit na maiisip? Ang katotohanan ba na makakasama ko siya sa bahay o ang maikling tagal ng aming relasyon ang problema?
Wala akong maisip na specific na dahilan kung bakit ako naiinis. Kinakabahan ako ng mahina kong puso, at cold hearted talaga ang amo ko. Sinigawan niya ako dahil lang hindi ako pumayag sa contract marriage proposal niya. Noong unang linggo ko, sobra ko siyang ina adore dahil sa akala ko ay mayroon siyang malasakit na boss. Pero mali ako!
Nawala ang paghanga ko sa kanya habang ipinakita niya sa akin ang kanyang tunay na kulay sa pamamagitan ng pagsigaw sa akin, pagbibigay sa akin ng mga utos. Kabaliktaran ng hitsura niya ang totoo niyang ugali na nakaka suka. Sayang dapat sa ibang lalaki na lang binigay ang ka gwapuhan niya.