STELLA POV
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo boss ko 'yung lalaki na yun."
Hindi ko pa pala nasabi kay Lovely ang tungkol kay Sir Tyler kaya ganito na lamang kung tuksuhin niya ako.
"Sus! Boss mo lang? Sure ka na wala kang crush sa kanya sa gwapo niyang 'yun? Partida, madilim ang lugar na ito pero nagawa ko pa ring makita ang hitsura niya. Kilala kita Stella, ganong lalaki ang gusto mo."
Napahawak na lang ako sa pisngi ko sa sinabi niya at pinigilan kong kiligin dahil alam kong pusong bato ang lalaking tinitibok ng puso ko.
"Okay fine, so ano ang chika mo ngayon?" she stares at me, naghihintay na sabihin ko ang dahilan ng pagkikita naming dalawa.
Napabuntong hininga ako ng malalim, "Ang boss ko na nakita mo kanina, gusto niya akong pakasalan."
Napatingin siyang bigla sa kamay ko, "Talaga ba? Kailan siya nag propose? Bakit wala ka naman yatang engagement ring?" sunod sunod niyang tanong.
"Walang ganu'n, it was a fake contractual marriage for six months," paliwanag ko.
"Ha? Ano 'to teh? Parang trabaho lang na six months tapos end of contract na? Bakit naman six months lang?"
Hindi na ako nagtaka sa tanong ni Lovely, kahit naman ako ay puno rin ng curiosity sa gustong mangyari ni Tyler.
"Yes," Nakakunot ang noo ko habang ipinapahayag ang hindi ko pagsang-ayon sa buong sitwasyon. “Sinabi niya na gusto niyang pakasalan ko siya sa loob lamang ng anim na buwan at ang ideya ay parang katawa-tawa."
She takes a moment bago siya muling magsalita. "At ano naman ang mapapala mo kung sakaling pumayag ka sa six month contract marriage na ito?"
"Tutulungan niya ang nanay kong may sakit kapalit ng 10 million."
"So papayag ka ba? 10 million is already a big deal. Mahirap kumita ng ganyang kalaking pera."
"Siyempre hindi ako pumayag! Bakit ako magpapakasal sa lalaking masama ang ugali kagaya niya? He looks so handsome pero in reality, sobrang pangit ng ugali niya."
Kumulo ang dugo ko bigla lalo na ng maalala ko kung paano ako tratuhin ni Sir Tyler. It was like a nightmare sa tuwing kasama ko siya sa office.
"Teka lang? What's holding you back from marrying him kung ang nanay mo na ang may kailangan ng tulong mo? Alalahanin mo, ikaw lang ang inaasahan niyang tutulong sa kanya."
"Because I believe na sacred ang marriage at magpapakasal lang ako kung mahal ko talaga ang lalak
Kinuha niya bigla ang cellphone niya sa bulsa.
"Anong gagawin mo?" pagtataka ko sa kanya.
"Akin na ang number ng boss mo, irereto ko ang kapatid ko sa kanya. Sure ako na gaganda ang buhay namin kapag nireto ko ang kapatid ko."
"Seryoso ka na sa sinasabi mo?" Tiningnan ko siya ng seryoso, hindi ko na mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
"Ha? Anong pinagsasabi mo? Sobrang seryoso ako sis! Akin na ang number niya para mareto ko na ang kapatid ko."
"I swear, kahit ang kapatid mo ay hindi makakatagal kay Sir Tyler. Sobrang sama kaya ng ugali ng lalaking 'yun, kahit nga siguro mga hayop matatakot sa kanya eh."
"Nako! Nakatagal ka nga sa kanya so ibig sabihin kaya mo rin maging asawa niya. Teh, mabilis lang ang six months kung tutuusin, siguro ako na kaya mong makatagal sa kanya. Chance mo na ito para mapagamot ang nanay mo. Mag iinarte ka pa ba kung palay na ang lumalapit sa manok?"
"At talagang gusto mo akong itulak sa kapahamakan? Kung alam mo lang, gustong gusto ko nang mag resign kaya lang mataas na ang posisyon ko sa kumpanyang ito."
"Ano ka ba Stella, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. Alam kong sobrang mahal na mahal mo ang pamilya mo, kaya ka nga nagtatrabaho kahit na masama ang employer mo kasi nakakatulong ka sa pamilya mo. Maging ka nga sa katotohanan, nabubuhay na tayo sa modern world kung saan ang new palda ay maiksing shorts."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Lovely. Tama ang sinabi niya, ginagawa ko ito para sa pamilya ko. Natagalan ko rin naman ang ugali ni Sir Tyler sa loob ng dalawang taon bilang Personal Assistant niya.
"Okay, mukhang nababagabag ka talaga at ayaw mo itong gawin. Akin na ang phone number niya, sayang ang 10 million, sure ako na walang keme keme ang kapatid ko. Papayag siya kasi mana siya sa akin mukhang pera, kung wala nga lang akong jowa ngayon, pinatos ko na 'yang boss mo eh. Imagine, gwapo ang makakatabi mo sa kama, pwede kang maging wild everyday."
"By the way, isa sa mga agreement ng contract marriage ay no s*x," pahabol na sabi ko pa.
"What the f**k? Seryoso ka ba jan? Bakla ba 'yang boss mo at ayaw niya ng s*x AFTER MARRIAGE?"
Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Lovely sa sinabi ko. Pero hindi ako naniniwalang beki ang boss ko. Tindig pa lang niya, sigurado akong totoong lalaki siya. So just this time, I defended my cold-hearted boss.
"Actually, totoong lalaki siya. Ang sabi niya kasi sa akin, pinangako niya na sa asawa lang niya ibibigay ang sarili niya kaya ayaw niyang makipag s*x sa iba. Kaya lang, kinukulit pa rin kasi siya ng nanay niya na mag asawa kasi iniisip daw nu'n na hindi pa rin siya maka move on."
"Well... sayang lang ang offer-"
Biglang tumugtog ulit ang music- guess what? Yung kanta ni Ed Sheeran na shape of you, sobrang favorite pa naman namin 'yung dalawa. Kinuha niyang bigla ang kamay ko.
"Huy, tara sayaw na tayo!" pag iimbita niya sa akin, "Ang tagal na rin since huli tayong sumayaw sa bar. Sure akong mag e-enjoy tayong dalawa."
"Wala ako sa mood," nakasimangot na sabi ko sa kanya, "mas maigi pa sigurong umuwi na tayong dalawa."
Bigla niya akong hinila sa dance floor, "Alam mo wag kang pabebe jan. Lahat ng tao maraming problema, kaya nga tayo nandito para maging masaya. Actually, advance celebration ito para sa inyong dalawa ni Boss Tyler dahil magiging future wife ka na niya."
"Ha?" gulat kong sabi.
"ANG SABI KO, MAGIGING FUTURE WIFE KA NA NI BOSS TYLER!" sigaw niya, na overcome niya nga halos ang speaker sa bar. Nahihiya tuloy ako na kasama ko siya.