TYLER POV
Bukas ng umaga, buong pananabik kong hinihintay na bumukas ang pinto ng elevator bago tinapik ang aking mga paa sa makinis at matigas na sahig at umalis dala ang aking bag.
Gumawa ako ng mahaba, sabik na mga hakbang patungo sa aking opisina at may balak na tawagan si Stella upang makipag usap sa kanya ng masinsinan ulit. Siya ay aking empleyado at hindi ko siya tatantanan para lang mapapayag sa contract marriage na inaalok ko sa kanya.
Wala na akong ibang gusto kung di si Stella. I want her only for 6 months. She is the nicest girl na alam kong makakatagal sa ugali ko. I enter inside my f*****g office, ignoring the greetings of my employees na nakakasalubong ko.
I go up to the office chair at napa sandal kaagad ako sa upuan. I immediately called Stella na mabilis sumagot sa tawag ko.
"Halika sa opisina ko ngayon din!" I said with an authoritative voice para sumunod siya kaagad.
Alam kong hindi ito ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos pagkatapos bitawan ang telepono nang hindi naghihintay ng kanyang response. But this time, magiging mas friendly ang approach ko sa kanya at bibigyan ko siya ng chance para makapag salita. Sa lahat ng babaeng nakilala ko so far, siya ang PINAKA QUALIFIED!
Pero paano kung i-decline ni Stella ulit ang offer ko? Bakit ba kasi masyado siyang makalumang babae? I'm startled out of my thought process when someone knocks on the door. Alam ko na si Stella ang kumakatok, sumandal ako sa upuan ko.
"Pasok!"
Nagbukas ang pinto at nakita ko si Stella na basa pa ang buhok. Damn! Ang ganda pa rin niya kahit na halatang puyat siya galing sa bar. Although I usually don't pay attention to my staff, iba pa rin si Stella. I really like how she dressed herself.
Ikinulong niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran at magiliw na yumuko, "Good morning Sir Tyler."
Nginitian ko siya, "Good morning din."
She nods without making eye contact with me and sits down in the chair across from my desk.
"Naisip mo na ba ang proposal ko kahapon?" Tanong ko habang pinagmamasdan siyang mabuti at inaabangan ang mga iniisip niya at hinihikayat siyang sumagot.
She shakes her head while I'm still looking at her and waits for a response.
"I am sorry sir."
Naiintindihan ko na kung ano ang pinanggagalingan niya, pero gusto ko pa ring malaman ang totoong dahilan kung bakit niya gustong tanggihan ang alok. Bumalik siya sa pagiging tahimik at hindi nagsasalita o gumagalaw.
"May boyfriend ka na ba?" I asked, slightly raising my voice.
"What?" she quickly looks up.
"Wala po."
Nang marinig ko ito, nakahinga ako ng maluwag.
"So bakit hindi mo gustong tanggapin ang offer ko?"
Mukhang okay naman pala kung masinsinang usapan lang ang gagawin namin ni Stella. I don't need to be harsh with her.
She eventually lifts her eyes to me, shaking her head, "Dahil hindi ito ang naisip ko para sa sarili ko. Ibang-iba ito sa buhay na pinapangarap ko."
Mukhang nabigla siya na humihiling ako ng impormasyon tungkol sa kanyang mga intensyon. Pero sa totoo lang, wala akong pakialam doon. All I care about is she gave me her yes.
"Di ba simple lang naman ang pinapagawa ko?"
Nanatiling tahimik si Stella ng ilang sandali pero pinag pasensyahan ko ito.
Kinuha ko ang aking portfolio sa gild ng aking lamesa at inilabas ko ang inihandang kontrata sa aking isinulat ko kagabi bago ako matulog. Isinulat ko ang anim na buwang kontrata ng kasal at gusto kong pumirma siya ngayong umaga dahil sigurado akong magtatagumpay ang bago kong plano, nagbabaka sakali pa rin akong makamit ang matamis na oo mula sa kanyang mapupulang labi.
I presented the contract to her, itinulak ko ito sa lamesa papunta sa kanya. Sana ay basahin niya ito para mabigyan ng konsiderasyon ang inaalok ko sa kanya.
I set my elbow on the desk, drop the briefcase, and addressed her.
"Gagawain kong 20 million ang offer bukod sa tulong na iaabot ko sa nanay mo," desperado kong sabi, medyo kinakabahan din ako sa pwedeng kahinatnan nito pero bahala na.
Umabot ng ilang sandali ulit si Stella. Mukhang pinag iisipan niya ng todo todo ang marriage contract na alok ko. Ito na ba ang solusyon para mapa payag ko siya?
Muli akong nagsalita upang mas lalo ko siyang mahikayat na pirmahan ito ngayon. Sa katunayan, titig na titig pa nga ako sa kanyang mukha.
"I know you need this money so I will advise you to take it now while I am in a good mood or else maghahanap ako ng iba para maging contractual bride ko."
Ang puso ko ay nagsimulang kumabog ng matinding kaba sa aking dibdib sa kawalan ng pag-asa habang patuloy niyang iniiling ang kanyang ulo, na labis kong ikinagulat.
"Sorry sir-"
"At bakit mo ako binibigyan ng sagot na hindi ko gusto? Dahil ba walang s*x na magaganap sa ating dalawa within contract duration?"
"Ha? Hindi po."
Her face turned pale after giving me an answer.
"Are you still a virgin?"
"Opo Sir..."
Grabe, abot langit ang ngiti ko ng malaman kong virgin siya.
"Kailangan mo ng pera, hindi ba?"
Muli ko siyang binigyan ng chance para mabasa ang laman ng kontrata.
"Sign the agreement at ibibigay ko ang mga ipinangako ko sayo."
Suddenly, she grabs the pen sitting on my desk.
Napangiti ako nang may pagmamalaki sa isang mahusay na trabaho habang sinusulyapan niya ang bawat pahina nang hindi ito binabasa nang lubusan at inilalagay ang kanyang pirma sa mga signature spot.
"Tapos na po sir," pilit ang ngiti niya sa akin nang iabot niya ang pinirmahan niyang documents.
Tinanggap ko ang kontrata at ni review ko ito. Napasandal ako muli sa upuan ko, nakangiti habang tinitingnan ko ang mga pirma niya sa marriage proposal ko. Sa ngayon, para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan.
"Magkakaroon po ba tayo ng nuptial?"
"Of course, pero ang dadalo lang ay ang piling tao para sa wedding nating dalawa. Pero next week pa naman ito, ako na ang bahala sa lahat."