LOVE LETTER

2275 Words
Matapos ang exam namin. Kaagad kong nilapitan si Dior na busy sa pag aayos ng gamit nito. “Dior! Dior! Dior!" Paulit ulit ko pang tawag sa kanya. Hindi pa rin ako nito pinapansin. Nakatuon pa din ang atensyon sa mga gamit nito. “Grasyaaaaa!" Malakas na tawag ko ulit sa kanya. Kaagad naman n'yang binababa ang mga libro nitong hawak. Kasabay ng pagtaas ng kamay at pinadapo nito sa ulo ko. “Sabi ko syo, wag na wag, mo kong tatawagin sa palayaw ko!” Inis na wika nito. Alam na alam ko talaga paano sya asarin. Ayaw na ayaw nyang tinatawag ko s'ya, sa palayaw n'ya. “Ayaw mo kasi akong pansinin eh” turan ko habang hinihimas ang ulo ko. “Ano ba kasi yun? Naiiritang tanong nya sa akin. “Oh!" Saboy abot ko ng chocolate dito. Napatingin ako sa inaabot ni Kurt, kinilig ako ng very light. Sign na yata Ito. Lord, kunin mo na ako now! bulong ko sa isip. “Ano yan ?” Tanong ko para lang matakpan ang kilig na umabot hanggang sakong ko. “Baka sampalok Dior,” pilosopo kong sagot sa kanya. Kaya naman halos patayin n'ya ako sa titig nang tumingin ako sa kanya. Nginitian ko s'ya sabay nag peace sign. “Kanino naman galing?" Asa pa Dior, bulong ko sa isip. “Hindi ko kilala” walang gana kong sagot. Dahil sa totoo lang naasar pa din ako sa isiping ginawa akong tulay ni Paul . Kaagad naman kinuha ni Dior ang chocolate na binigay ko. Binuksan n'ya at nag umpisang kainin Ito. Napanganga pa ako sa ginawa nito. Paano kung may lason pala yon, edi patay s'ya. "Tsk! Dior, gutom ka?" Tanong ko pa sa kanya na abalang abala sa pagkain ng chocolate. "Alam mo naman Kurt, basta chocolate. Kahit ipagpalit ko pa si Janice gagawin ko," “Dior may sasabihin pala ako sayo” seryosong wika ni Kurt. Napatigil naman ako sa pag nguya sa sinabi ni Kurt. Itinabi ko muna ang kinakain ko na chocolate. OMG! Dior, ito na talaga. Kapit pantyliner bulong ko sa isip. “A–ah ano yun Kurt?” Pabebe kong tugon. " May chocolate, ka sa ngipin.Oh! Tissue punasan mo muna." sambit nito sa akin. Dior, chocolate lang pala kakahiya ka balahura ka, kastigo ko sa isip. Kinuha ko ang tissue na inaabot ni Kurt. "Anong sasabihin mo Kurt?" Muli kong tanong sa kanya matapos kong punasan ang ngipin ko. “P–pwede bang? Ano kasi..” pautal utal na sagot ni Kurt sa sakin. "Pwede bang ano Kurt?" Dior mag p–propose na yata. It's a YES sambit ko sa isip. “Dior, pwede mo ba akong ipagsulat ng love letter.” tuloy tuloy n'yang sambit. Halos malaglag ako sa upuan sa gulat sa sinabi nito. “Ha!” Nagulat pa si Kurt, sa taas ng boses ko. “Ano ka ba Dior, kakagulat ka naman.” reklamo pa nito napakamot pa sa ulo. “Ano ulit 'yon love letter ba?” Tanong ko dito nagkunware ako'ng busy sa pag aayos ng gamit ko. “Para kanino ba Kurt?" “Basta malalaman mo din." sagot pa nito habang nakangiti sa akin. “Friendship ano yan ha?” Sabay pa kaming nagulat ni Kurt, sa pag dating ni Janice. “Kurt, last game n'yo na ba mamaya?” Tanong pa nito. “Yeah. I know manunuod ka. Pero Janice quite please. ” natatawa pa nyang sambit dito. “Aray! Nagbago ka na talaga sa akin hindi na ikaw, ang kaibigan namin diba Dior," baling ni Janice, sa akin. “Asus! Nagtampo ka pa. Sige hindi kita ilakad kay Drake,” pang ba-blackmail naman ni Kurt sa sinabi ni Janice. Bigla naman nagliwanag ang mukha ni Janice, sa sinabi ni Kurt. “Sige na Kurt, lumayas ka na.” taboy ko dito. “See you, later." Nang makaalis na si Kurt lumapit ako kay Janice at umarteng nahihimatay agad naman n'ya akong sinalo. “Saan ako nagkulang? Hindi ba pwedeng ako, na lang? Ako, na lang ulit?” Madamdamin kong turan. "Ay! Friendship. Bea, ka d'yan," “Talaga ba Janice? Bea Alonzo?” “Bea Bunda Friendship. HAHAHA." Natatawang sagot nya sakin. "TSE!” Sabay ingos ko dito. “Anong drama yan friendship?" Tanong pa nito sa akin. Habang kinakain ang chocolate, nabinigay ni Kurt. “Nagpapagawa s'ya, ng love letter. Friendship, mesheket dalahin mo ko sa clinic hindi ko kakayanin ito." Madamdamin ko pang turan. Samantalang halos maluha luha naman sa kakatawa si Janice. “May nanalo na !” Sigaw pa ni Janice, habang tawa pa din ito ng tawa. “Laban! Japan. Friendship, itaas mo ang bandera,” sigaw pa ulit nito habang hinawakan pa ang kanang kamay ko at Itinaas pa Ito. “Loka!” Napatawa na lang ako sa tinuran nito. "Weather na lang talaga ngayon ang may PAG ASA,” Malungkot kong pang sambit. “What if umamin ka na lang friendship? Malay mo may himala seryosong wika nito sa akin. Tinitigan ko lang s'ya. Habang nakangisi ito na akala mo ang ganda ng idea n'ya. “TSE! Igaya mo pa ako sayo,halos buong building yata. Alam na patay na patay ka kay Drake," bulalas ko pa dito. “Friendship, alam mo naman na lahat kaya kong gawin para kay Drake, saka feeling ko, may gusto din sy'a sakin.” Kinikilig pa nitong sambit. “Janice, anong plywood ang ginamit mo? Masyado yatang makapal,” pang aalaska ko pa dito. Sandaling katahimik ang namayani sa amin ni Janice. Tunog ng Cellphone ni Janice ang pumukaw sa aming pagmumuni muni. “FRIENDSHIPPPPPPP! Tumatawag na sya. Oh my! Hindi ko ito kaya. Lord pwde mo na akong kunin as in now na!" Nagtatalon pa ito habang tumitili. “Ano ba? Ang ingay mo. Sino bang natawag Janice?” “Friendship wag ka munang maingay. Bigyan mo ako ng moment. Ito na 'yun." saway pa nito sa akin. “Sino ba ka....” hindi ko na natapos ang iba ko pang dapat sabihin dito. Nang bigla nitong ipatong ang kamay n'ya sa bibig ko upang pigilan akong magsalita pa. “Drake, ehe nepeteweg ke ,kailangan mo ba ako? Este anong kelengen mo?” Gusto kong manakit ng mga oras na yon dahil sa uri nang pakikipag usap ni Janice, kay Drake, na animo'y may sapi ng sampung duwende. Nag mamasid lang ako sa kaartehan nito. Nang mapansin ko na biglang maglabo ang ngiti sa labi nito. “Basag trip ka talaga! Akala ko si drake,” sagot nito sa kausap. “Friendship, si Kurt may sasabihin daw” sabay abot sakin ng Cellphone n'ya. “Hello. Kurt, yes sige dadalhin ko na lang d'yan. Nang matapos ang tawag agad kong binalingan si Janice, para iabot ang phone nito. “Hopia ka ba?” Tanong ko dito. Tinitigan lang ako nito ng masama habang ako naman ay tawang tawa. “Next time sabihin mo kay Kurt, na i-charge ang cellphone n'ya," Nakasimangot pa nitong sambit sa akin. “Hoy! Janice Cruz, next time din wag kang excited nalaglag ka tuloy” banat ko sa kanya sabay tawa ng malakas. “Tara na! May dadaan pa ako sa locker ni Kurt. Naiwan nya ang kanyang tumbler. Padabog pa nang lumapit si Janice, hindi ko mapigilang matawa. Sa naging reaction nito nang malaman na si kurt, ang tumawag gamit ang phone ni Drake. “Friendship, dapat siguro talaga.Tigilan ko na si Drake,” malungkot nitong saad. Bigla akong napahinto sa pag lalakad. Sinalat ang kanyang noo. “Janice, may sakit ka ba? Need ko na bang tumawag ng medic?” Kunot noo ko pang tanong sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Bata pa lang kami crush na nito si Drake. “Gaga! Naisip ko kasi ang tagal ko nang naghahabol sa kanya. Siguro time para tigilan ko na s'ya, ” Malungkot pa nitong litanya. Tinitigan ko muna s'ya kita ko ang lungkot sa mga mata nito. “Janice, sure ka ba talaga?” “Yes friendship, saka malapit ko na s'yang hindi makita. Kaya mas mabuti pang mag move on na ako,” “Janice, sana ok ka lang? Anong move on? Teka naging kayo ba?” “Aray...! Bakit may hampas pa? Reklamo ko dito. “Ikaw, kontrabida ka talaga eh, nag e–emote ako dito basag trip ka din!" “Sorry, naman” sabay nag finger heart pa ako dito. “Go! Janice, support kita dyan. Halika ka nga dito. Niyakap ko pa sya. “Yes! kakalimutan ko na s'ya no more Drake,”saba taas pa ng kaliwang kamay tanda ng pagsumpa n'ya. "Hoy! Janice, baliktad" sita ko pa sa kanya. "Ay! Kanan pala sabay taas nito ng kanang kamay. “Tara na, ibibigay ko pa ito kay Kurt," Pagdating namin sa gym halos mag uumpisa na ang laro. Naglakad ako papunta sa pwesto nina Kurt. “Kurt,” sabay abot ng tumbler sa kanya. “Thanks, bestfriend. Himala yata malungkot at tahimik si Janice, ngayon? “Napansin mo rin? Nag m–move on daw.” Sabay pa kaming natawa ni Kurt. “Balik na ako 'don wala bang goodluck kiss d'yan?” Ngumuso pa ito sa akin. “ Suntok gusto mo?" Itinaas ko pa ang kamay ko. “Layas na, Goodluck!" Natawa na lang si Kurt. “Friendship, dito na tayo umupo.” Sigaw ni Janice, sa akin. Pinili n'yang umupo sa 4th row. Mag sisimula na ang laro nang mapansin ko na may inilabas na kung ano mula sa bag si Janice. Tumayo ito bigla habang hawak ang banner na may nakasulat pa na GO! DRAKE MY SEXY LOVE! Namilog ang mga mata ko sa nasaksihan ko. Halos panawan ako ng ulirat sa sunod pa n'yang ginawa. Bumababa pa ito para 'don mag cheer. Buong laro nag cheer ito sa baba malapit pa pwesto ng team nina Drake. Nang matapos ang laro bumalik muli ito sa pwesto namin. “Hoy! Janice, ano yan? Akala ko ba move on ha?” singhal ko sa kanya. “May pa move on, move on, ka pang nalalaman 'yon pala may pasabog ka pa? “Sorry, friendship pero mahal ko s'ya, enebe yen” habang niyayakap pa ang sarli habang nakatingin sa pwesto pa ni Drake na ngayon ay namamahinga. Ang buong team nito. Kakatapos lang ng game at panalo ang team nila ni Kurt. “Janice, tigilan mo na yan punasan mo ang laway mo tulo na" sita ko pa sa kanya. “Meron ba friendship?” Sabay punas sa dalawang gilid ng bibig nito. “Tsk! ewan ko sayo,” Nauna na akong bumababa na s'ya namang paglapit sa akin ni Paul. “Hi Dior,”bati nya sa akin. “Hello Paul," “Natanggap mo, ba ang mga chocolate? Sorry, hindi ko alam na ayaw mo ng sweets “Ha? anong chocolate? Gulat ko pang tanong sa kanya. “Pinadala ko kay K......” Hello po, Tatay Fred. hahanapin ko lang po si Dior, sige po uuwi na po s'ya. Napalingon ako sa pinang galingan ng boses. Obvious na nilakasan talaga ni Kurt, ang pakikipag usap upang mapukaw ang atensyon ko. Nang makalapit si Kurt, kaagad akong inakbayan nito. "Bro, una na kami ni Dior, hinahanap na s'ya ng Tatay nya," paalam nito kay Paul. "Paul, mauna kami," sambit ko pa dito. Wala akong nagawa kundi magpatianod palabas ng gym. "Teka nga lang!" Pilit kong kumakawala sa pagkakaakbay nito. "Bakit ka ba nagmamadali ha? Hindi pa ako nakakapag paalam kay Janice," sita ko Kay Kurt. "Nakaalis na si Janice, kasabay ni Drake,” Namilog ang mga mata ko sa huli n'yang sinabi. Hindi ako, makapaniwala si Janice at Drake magkasabay. “Kurt, tantanan mo ako sa joke mo!” Nagkibit balikat lang s'ya. Tumanggi akong sumabay dito. Pero nang makita nitong palabas na si Paul, kaagad n'ya akong hinila papasok ng sasakyan. Hanggang sa makapasok na ako sa kotse, kinukulit ko pa din si Kurt. About kay Janice at Drake. “Dior, kung tawagan mo kaya si Janice,para maniwala ka" suhesyon pa nito sa akin. “Sige nga, matawagan nga si Janice," Kukuhanin ko na dapat ang phone ko sa bag ng may maalala ako.Tumingin ako sa gawi nito parang nabasa naman nito ang nasa isip ko.Tinitigan ko s'ya ng masama. “Kurt Jimenez...!” Sigaw ko dito. “Paano mo nasagot ang tawag ni Tatay? Lowbat ang phone mo di ba?” Gigil na tanong ko dito. Nagpatay malisya lang s'ya, sabay turn on ng stereo ng sasakyan. Nilakasan pa lalo ang volume nito. Inabot ko ang tenga nya, at piningot ito. “Manloloko ka talaga!” “A-aray t-tama na masakit Dior,” awat ni Kurt pilit inaalis ang kamay ko. “Sa susunod hindi lang yan ang matitikman mo!” “ Ano pa Dior? Nakangisi pa nitong tanong sa akin. Kung Kaya naman mas lalo ko pang piningot ang tenga nito. "Ano uulitin mo pa? Tanong ko pa dito nang bitawan ko ang tenga n'ya. "Oo, na sorry na. Hindi ko na uulitin" Habang hinihamas nito ang namumula nyang tenga. Umayos ako ng upo at kinuha ko ang phone ko sa bag. Tinatawagan ko si Janice, naka ilang dial ako, hindi nito sinasagot. May natanggap akong chat galing dito. Janice: Friendship, konting respeto. Wag kang istorbo sa moment namin ni Drake. Manahimik ka d'yan. ME: Ang harot mo talaga!! "Bye Kurt, Kuya Danny, thank you sa pag hatid. “ Hoy! Dior, dont forget about sa love letter,” huling sigaw ni Kurt sa akin. Hays, ang swerte naman ng pag bibigyan n'ya. Tawag 'don Dior, SANA ALL mahinang sambit ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD