"Hey! Bro. Ano nasabi mo na ba may Dior, about sa feelings mo for her?" Tanong ni Drake, habang naglalakad kami papunta sa Gym.
"Hindi pa Bro, baka mamaalam ako bigla dito sa mundo pag pag ginawa ko 'yon"
Natatawa kong sagot sa kanya.
Alam ni Drake,na matagal ko nang crush si Dior.
Saksi din sya paano ko pinigilan ang iba naming teammates na wag yayain si Dior, na maging date ng mga ito 'nong JS. Prom namin. Sinabi ko sa kanila na hindi pupunta si Dior, kaya wag na lang nila yayain.
Halos lahat ng teammates ko may crush yata kay Dior. Agaw atensyon talaga ito bukod sa maganda, matalino, may ka amazona nga lang sa loob loob ko.
Napangiti pa ako, nang maalala ko s'ya.
Hindi ko akalain na tatamaan ako sa bestfriend ko.
Akala ko simpleng paghanga lang ito. But one day na feel ko na lang na naiinis ako, everytime na may nalapit kay Dior o di kaya may nag aabot ng sulat dito.
Madalas pa nga ako, ang ginagawa ng mga ito na taga bigay ng sulat kay Dior.
Madami na rin ako na naitapon na sulat, bulaklak, pagkain at kong anu-ano pa galing sa mga gustong manligaw Kay Dior, mga duwag naman.
"Hey, nakikinig ka ba?" untag ni Drake, sa akin.
Bigla naman naputol ang pag babalik-tanaw ko nang magsalita si Drake.
"H-Ha? Y-Yes" pautal utal kong sagot.
Napailing na lang ito sa tinuran ko.
"You know what? Bro, aminin mo na kasi kay Dior, na gusto mo s'ya sige ka maunahan ka pa ni Paul," Pananakot pa nito sa akin.
Napalis ang ngiti ko sa sinabi nito. Lalo na about kay Paul, teammates namin isa sa may crush kay Dior.
" Balita ko, mag tatapat na s'ya kay Dior, well GWAPO, mayaman at matalino din naman ang loko kahit sino atang babae mapapa oo nito" pagpapatuloy pa ni Drake, at idiin pa ang salitang GWAPO.
Bumaling ako ng tingin sa kanya at nag dirty finger pa.
" F*ck you!" mura ko sa kanya natawa pa ito sa sinabi ko.
"Di hamak na mas gwapo ako 'don saka sino ba ang kaibigan mo ? Tanong ko sa kanya.
"Hahaha! Of course sayo ang boto ko Bro,"
Tinapik pa ako nito sa balikat.
" Kaya nga, Bro. Umamin ka na." Natatawa pa din nitong sambit.
Dahil sa mga sinabi ni Drake, bigla akong na alarma. Kaya naman nabuo sa isipan ko na aamin na ako kay Dior. Sa araw mismo ng Graduation namin.
Next week na iyon bahala na. Tama nga si Drake, baka maunahan pa ako ni Paul.
"What if kaya Bro, mag pagawa ako ng love letter kay Dior ? Pero hindi nya alam para sa kanya 'yon. What do you think? Tanong ko pa kay Drake.
Tinignan pa ako nito na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
" Bro, are you serious? Hindi makapaniwalang tanong n'ya sakin.
"Why not?" Segunda ko naman dito.
" Well, not bad idea" sang ayon nito sa sinabi ko.
"Pakibilisan Bro. Maraming nag aabang sa bestfriend mo," seryosong wika pa nito.
" Thank you, Bro. I Love you," Akma pa akong lalapit dito upang halikan s'ya. Bigla n'ya akong tinulak.
" G*GO!" Natatawa pa nitong mura sa akin.
" Ikaw Drake, nasabi mo na ba kay Janice. Ang lihim mong pag tingin?" Pang aasar ko naman dito.
"What the F! Bro, hindi ko naging crush ang kaibigan nyo. Na sobrang ingay." Iritado pa nitong saad.
"Teka. Bakit ba ang sungit mo kay Janice?
"Drake, naniwala ka ba sa kasabihan na The more you hate the more you love? Asar ko pa lalo dito.
" HINDI." Madiin pa nitong tanggi.
"No, thanks Bro. Ayaw ko sa babaeng maingay," Iling pa ito.
" Bakit Drake? Maganda , matalino at mabait naman si Janice," pambubuyo ko pa sa kanya lalo
.
"Wag ko lang talaga, mababalitaan na pinopormahan mo si Janice, Drake Sean Marcel," tawag ko buong pangalan pa nito.
"Bakit mo pala binigay ang number ko sa kanya ? Araw-araw tuloy text ng text" reklamo ni Drake sa akin.
Pagdating talaga kay Janice pikon na pikon si Drake.
"Good morning Coach" sabay naming bati ni Drake Ng makarating kami sa Gym.
"Morning boys" nakangiting baling ni Coach.
"Buti naman kompleto na kayo,"
"Alam nyo naman last game na ng team n'yo, mamaya give your best Boys, kaya natin 'to tiwala lang" pang palakas loob nitong turan samin.
"YES, COACH!" sabay -sabay namin na sagot dito.
Nang matapos ang meeting pabalik na kami sa room nang bigla akong tinawag ni Paul.
"Kurt..." sigaw pa nito.
Agad naman akong nag baling ng tingin dito.
"Ano na naman kayang problema nito? Tanong ko pa kay Drake,"
Nagkibit balikat lang si Drake.
Nang makalapit si Paul alam ko na agad ang sasabihin n'ya base sa nakita ko na hawak nito.
"Hey! Bro. Pabalik ka na ba ng room? Pwede bang paki bigay nito kay Dior?" Tanong nito.
Napatingin ako sa hawak nito na chocolate. Hndi ko maiwasan di ma-badtrip.l
Samantalang napapa ngiti lang si Drake sa tabi ko kaya naman siniko ko s'ya.
" Hindi sya, nakain ng chocolate," walang kabuhay buhay ko na sagot ko dito.
"Ha? Di ba last time sinabi mo ito sa akin. Ito favourite n'ya na flavour ng chocolate," Naguguluhan na tanong pa nito sa akin.
" Nagbago na ulit, saka nag babawas s'ya, ng timbang. Ayaw n'ya na ng matatamis"
Seryoso ko pang sagot dito.
Lumapit sa akin si Drake, at may ibinulong.
"Bro, kelan ba tumangi sa chocolate si Dior? kahit yata expired kakainin 'non" Tawang tawa pa ito ng balingan ko s'ya.
Tinignan ko lang ito ng masama at binalik muli ang atensyon kay Paul.
" Pero baka gusto n'ya, pa din Ito? Baka naman pwedeng mo naman na ibigay ito sa kanya? Sige na Bro,"pakiusap pa n'ya sa akin.
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang mga ito.
" Thanks Kurt, wala na kasi akong time para ibigay ito sa kanya. Sige una na ako," paalam nito.
Nang makaalis si Paul. Katakot takot na pang aasar ang natanggap ko kay Drake.
"Tulay ka na ngayon Bro?" Nakakalokong tanong pa ni Drake.
"Shut up! Bro," Napipikon ko pang turan.
Sa lahat naman ako pa talaga ang nautusan. Itapon ko na lang kaya ito? Sa loob loob ko.