grapes

721 Words
"Thank you, sa paghatid Kuya Allan, Drake Malungkot na paalam ko nang makababa na ako ng sasakyan. Janice naman kasi tigilan mo si Drake, yan tuloy di ka pa nililigawan basted ka na agad. Kausap ko sa sarili. Habang naglalakad pauwi sa bahay. "Nay, narito na po ako," sambit ko nang makapasok ako ng bahay namin. "Ate, wala pa si Nanay, nasa taniman pa" sagot ni Janus. "Nasaan nga pala sina Jake at James? Tanong ko dito. "Nasa kwarto Ate, naglalaro." sagot nito sa akin habang natutok sa pinapanuod nito. "Ate!" Sigaw ng mga ito nang makita ako. "Ate, may pasalubong ka?" Sabay pa nilang tanong sa akin. "Syempre, naman ako pa ba!" sabay labas ko ng fishball na tinago ko sa bag ko. "Yehey!" Tuwang tuwa pa ang mga ito. "Oh! Wait Lang. Kukuha lang ako ng bowl sa kusina," Naglakad ako papuntang kusina para ilagay ang fishball at ang sauce sa bowl. "Kumain na kayo," tawag ko sa kanila Agad naman naglapitan ang mga ito sa sakin. "Ate, sabi nga po pala ni Ate Marisol, kailan daw tayo magbabayad ng utang? Kasi mahaba na daw ang listahan natin," pag babalita pa sa akin ni Janus. "Sabihin mo kay Marisol, magbabayad tayo, pagkasing haba na kamo ng trapik sa Edsa ang listahan natin. Saka pagnatapos na ang Probinsyano," sagot ko dito habang sumusubo ng fishball. "Ate, naman eh, kelan ba 'yon matatapos? Tanong pa nito. " Basta antayin n'ya, sabihin mo sabi ko." Napapaling na lang ito sa sinabi ko. "Ate may babayaran sa school," singit naman ni Jake. "Talaga Jake ? Hayaan mo na sila. Basta tayo chill 'wag tayo'ng makisali sa kanila," sagot ko pa sa kanya. Napakamot pa ito ng ulo sa sinabi ko. "Patapos na ang klase may babayaran pa rin? "Anong pangalan ng teacher nyo, huh? Kakausapin ko," sambit ko pa sa kanila "Ate, naman. Hindi naman kasi tayo nagbabayad pa noon pa." Nakanguso pang reklamo ni Jake sa akin. Napatawa na lang ako sa sinabi nito may point nga naman. "Magkano ba ang babayaran nyo?" Tanong ko sa kanila. "Sa akin Ate 200 peso daw po sabi ni teacher" sambit ni Jake. "Para saan daw?" Kunot noo ko pang tanong sa kanya. "Sa cleaners daw po" sagot nito. "Sabihin mo sa teacher, mo. Ako, na lang ang maglilinis. Wala akong pasok bukas." Napatigil pa sa pagsubo ng fishball ito nang marinig ang sinabi ko. "Ikaw James? Magkano ang babayaran mo? "Wala naman Ate, sabi ko kasi kay teacher. A Public school system to provide free education to every child. Public schools are government-runs schools regulated by federal, state and local law." saad pa nito at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa. Halos matuyuan ako ng utak sa sinabi nito. Hindi ko lubos maisip na nasa kindergarten pa lang ito. Kakaiba talaga ang pamilya namin. Kinuha ko ang bag ko para kumuha ng pera. May naitago naman ako galing sa pag sideline ko bilang taga iyak sa lamay ng patay na Chinese. Pamahiin nila daw ito pag namatay ka. Mas malakas na iyak. Mas mabilis daw makakarating ang kaluluwa nila sa langit. "Jake, bayaran mo bukas ang teacher mo," Sabay abot ko dito ng pera. "Ate, salamat" sabay halik sa akin. "Papasok muna ako kwarto, ubusin n'yo na 'yan," paalam ko sa kanila. Ang daming bayarin minsan naisip ko na lang maghukay at mamumuhay bilang isang patatas. Hays napabuntong hininga pa ako. Mag bibihis na dapat ako ng mapatingin ako sa salamin. Lumapit pa ako dito para suriin ang dibdib ko. Lanzones ka ba? Tanong ko pa sa mga ito. Janice hindi 'yan Lanzones,ubas yan. Napatawa pa ako sa sinabi ko. Nahiga ako saglit. Napayakap pa ako, sa unan ko na may picture pa ni Drake. Regalo ni Kurt ito sa akin. Kaya naman sa tuwing nalulungkot ako kinakausap ko s'ya na akala mo naman sasagot sa akin. Bumangon ako saglit para kausapin ang unan ko. Hoy! drake umamin ka nga sa akin. Takot ka ba sa FIFI kaya ayaw mong magka jowa? "Anong FIFi Janice?" Nagulat pa ako ng may magsalita sa likuran ko. Dumating na pala si Nanay. "P.E po ang sabi ko," pagsisinungaling ko pa. "A-ah akala ko naman anong FIFI" ulit pa ni Nanay sa sinabi ko. Paglabas ni Nanay ng kwarto nakahinga ako ng maluwag. Janice muntik ka na tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD