"Good morning! Nanay bati ko sa magulang ni Dior naabutan ko silang nag aalmusal.
Maaga ako na pumunta sa bahay ni Dior, nagkayayaan kami na mag jogging ngayon.
"Ikaw pala Kurt, tuloy ka. Maaga ka yata anak,? Tanong ni Tatay Fred sa akin.
"May usapan pa po kasi kami ni Dior, na mag jogging ngayon."
Sabay pa silang natawa sa sinabi ko.
"Naku! anak, naghihilik pa ang bestfriend mo," Natatawa pang saad ni Nanay Millet."
"Aba! Himala yata na pumayag mag jogging si Dior, utusan ko nga lang na bumili dyan labas ayaw at napapagod daw sya," Napapa iling na saad ni Tatay Fred.
"Aakyat muna ako Kurt. Gigisingin ko muna si Dior, naku! ang bata talaga na yon inabala ka pa."
Nang umakyat si Nanay Millet. Naiwan kami ni Tatay Fred.
"Dito ka na mag almusal anak," alok ni Tatay Fred sa akin.
"Sige po Tatay Fred, namiss ko na din po ang luto ni Nanay Millet," Nakangiti kong turan.
"Tamang tama. Nagluto si Millet ng paborito n'yo ni Dior, na Champorado. Saka alam ko hindi matutuloy ang jogging n'yo," tumawa pa ito.
Maging ako ay natawa na din sa sinabi nito.
Nakita ko na pababa na si Nanay Millet, pero walang Dior, na kasama.
"Naku! Kurt, ayaw bumangon ni Dior. At maaga pa daw. Tsk!" Napapailing na saad ni Nanay Millet.
"Hayaan n'yo po muna Nanay. Baka mayamaya po gigising na din po si Dior. Maaga pa naman po sabay tingin sa orasan ko.
"Ikaw ang bahala anak,"
"Millet ang salakot ko? Tanong ni Tatay Fred Lumapit naman si Nanay Millet para ibigay ang hinahanap ni Tatay Fred.
"Paano yan anak? Kailangan na namin umalis ng Tatay Fred mo maaga kami ngayon sa hacienda," baling ni Nanay Millet sa akin.
"Hihintayin ko na lang po s'yang gumising"
"Oh! s'ya. Aalis na kami, maiwan ka na namin dito," paalam pa nila sa akin.
"Sige po."
Nang makaalis na si Nanay Millet at Tatay Fred. Naglakadlakad ako sa loob ng bahay. Nang matuon ang atensyon ko sa isang litrato namin ni Dior. Kuha pa 'yon nang bata pa kami. Napangiti pa ako ng makita ko 'yon. Ang taba pa ni Dior at ako naman ang payat.
Hindi ko namalayan na nakababa na pala si Dior.
"Nay... anong oras na po? Tanong nito na halata sa boses na inaantok.
Para naman akong na engkanto nang makita ko ayos nito. Wala s'yang suot na short tanging puti na sando at panty lang nagkatitigan pa Kaming dalawa.
"Waaaaaaaaahhhhhh!!" Malakas na sigaw ni Dior.
Kaya naman nataranta ako sa sigaw n'ya hindi ko alam ang dapat gawin nakatingin lang ako sa kanya.
"Bastossss!!" muling sigaw nito.
"Tumalikod ka wag kang haharap bubulagin kita!! banta n'ya sa akin habang nakatulala ako sa kanya.
"H-ha O-oo" nauutal ko pang sagot. Naglakad pa ako palapit sa kanya.
"Waaaaaaaaahhhhhh!! muli na naman s'yang sumigaw.
"Tumalikod ka! Bastossss Ka!!
"H-Ha? O-Oo nataranta ko pang sagot kay Dior. Kaagad naman akong tumalikod sa kanya.
Nang tumalikod na si kurt, tumakbo na ako paakyat ng kwarto.
Nang marinig ko ang yabag ni Dior palayo saka lang ako humarap.
"Whoaaa!" naibulalas ko pa habang napahawak pa ako dibdib. Biglang nag init ang pakiramdaman ko nang maalala ko ang itsura ni Dior.
Kurt kalma lang wag kang manyak kausap ko pa sasarili. Habang naglalakad ako papunta sa kusina para uminom ng tubig.
Pagpasok ko sa kwarto kaagad kong tinignan ang sarili ko. Hindi ko naiwasang hindi mapasigaw ulit dahil sa kahihiyan na inabot ko kay Kurt. Nayyy... bakit mo ako iniwan kasi tawag ko pa Kay Nanay. Mas lalo pa akong napasigaw nang makita ko ang suot kong panty kulay pink na may Hello kitty design pa. Kurt Jimenez..!!
Naririnig ko pa ang sigaw ni Dior dito sa kusina. Hindi ko na rin nabilang kung ilang baso na ng tubig ang nainom ko habang inaantay si Dior na bumaba.
Kukuha pa sana ako ng tubig. Nang mapansin ko na may nakatingin sa akin. Nakababa na pala si Dior. Nang tignan ko s'ya halos patayin n'ya ako nang tingin.
"Good morning! bestfriend," bati ko sa kanya pero nanatili pa rin ito na walang imik. Nakatingin lang ng masama sa akin. Habang naglalakad palapit sa akin ng inangat nito ang kamay n'ya para abutin ang tenga ko.
"A-arayy! Dior," reklamo ko habang pinipingot ako nito.
"Wala kang nakita!" Nang gigil na tanong pa nito sa akin.
"Wala, wala akong nakita Dior,"
"May nakita ka? O wala!" Muli n'yang tanong sa akin.
"Wala! Wala! Wala!"
"Dior matatanggal na talaga ang tenga ko sayo," Nakanguso ko pang reklamo.
"Isusumbong, talaga kita kay Nanay Millet," pananakot ko pa sa kanya. Pinandilat lang ako nito ng mata habang nag susuot ng sapatos.
"Tara na! Dior" tawag ko sa kanya.
"Oo na, lalabas na ako sigaw nito.
"Ang tagal mo talaga. Tsk!" Reklamo ko sa kanya ng makalabas na s'ya ng bahay.
"Oo na, wait ikakandado ko muna itong pinto,"
"Dior?"
"Oh?
"Dior ?"
"Ano nga? Inis na sagot nito.
"Nice panty. Hello kitty rawr! Nakangisi ko pang sambit sabay takbo palayo. Rinig na rinig ko pa ang sigaw nito.
Habang tawa ako ng tawa. Hindi ko akalain na kahit pala highschool na si Dior. Hello kitty pa rin ang sinusuot nito.
"Kurt, pagod na pagod na ako magpahinga naman tayo. Ang layo na nang natakbo natin" reklamo ko habang habol ko ang hininga ko dala nang matinding pagod dahil sa pagtakbo.
Pagapang na akong pumunta sa ilalim ng puno ng santol upang magpahinga. Halos 2hrs. na kaming tumatakbo. Kaagad din naman sumunod si Kurt sa akin at umupo sa tabi ko.
"Dior, may tubig ka pa ba?
"Oo Kurt, bakit?"
"Painom nga" sabay hila nito sa hawak ko na bottled water. Binili namin sa nadaanan namin na tindahan.
"Wait may laway ko na yan-" mahina kong sambit habang nakatingin kay Kurt na umiinom.
Minsan pa sa buhay ko nahiling ko na sana bottled water na Lang ako bulong ko sarili.
"Dior, Let's Go"
"Ayaw ko na talaga, napapagod na ako. Masakit na din ang paa ko," daing ko kay kurt.
"Dior, malapit na tayo, sa bahay nyo oh! sige na." Hila pa sa akin ni Kurt.
Pinilit ko pang tumayo pero feeling ko bibigay na ang mga tuhod ko. Kaya napaupo ulit ako.
"Pumasan ka na sa likod ko," alok ni Kurt.
Kaagad naman akong tumayo at pumunta sa likuran nito para pumasan sa kanya.
"Whoa! ang bigat." Dinig ko pang reklamo nito.
"TSE! kasalanan mo kasi niyaya mo ako. Banat ko sa kanya.
"Dior, mas malala pa pala ito kesa sa nakita ko kanina sambit nito.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?
"Alam mo Dior, naaawa ako sa magiging anak mo, wala silang makukuha sayo."
Dahil sa narinig ko napatingin ako bigla sa dibdib ko. Kaagad akong namula sa sinabi nito.
Bastooos!!
"Bastos ka talaga!!" sigaw ko pa sa kanya. Habang hinahampas ko ito sa balikat.
"Dior wag kang malikot, mahuhulog ka sa akin este sa lupa."
"Ibaba mo ako! Walanghiya ka talaga! Mag kaibigan talaga kayo ni Drake! Ibaba mo, ako lagot ka sa akin!" Malakas na sigaw ko sa kanya.
Masamang tingin ang pinupukol sa akin ni Dior habang naglalakad kami pabalik bahay.
"Bakit ka sumunod sa akin? Tanong ni Dior.
"Sa bahay n'yo ako, kakain ng almusal."
"Sinong may sabi sayo na pwede kang kumain sa bahay namin Aber?
"Si Tatay Fred bakit? Sagot ko sa kanya. Nakita ko natahimik si Dior. Napangisi pa ako akala mo huh bulong ko sa isip.
Paborito namin ni Dior ang Champorado ni Nanay Millet. Kaya naman nang dumating kami sa bahay pumunta agad ng kusina si Dior para initin ang Champorado.
"Hoy! Kurt, kumain ka na nang makalayas ka na dito.
Pagdating ko kusina nakalagay na sa bowl ang Champorado nasa tabi na rin nito ang gatas.
Nagtimpla din ng kape si Dior.
"Oh! Sabay abot nito ng kape.
"Thank you bestfriend."
Si Dior lang yata ang kilala ko na uminom ng kape habang kumakain ng chocolate.
"Weird ka talaga." komento ko pa sa kanya.
"So?" Sabay irap ko pa kay Kurt. Akala n'ya nakalimutan ko na ang sinabi n'ya about sa kawawa ang magiging anak ko.
Bakit hindi naman ito Lanzones. Kagaya ng sinabi daw ni Drake kay Janice.
Kagabi tumawag sa akin si Janice para ikwento ang mga pinagsasabi ni Drake sa kanya.
Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa may itanong si Kurt sa akin.
"Dior wala ka bang crush sa school natin?
Naubo pa ako sa tanong ni Kurt.
"Ikaw."
"Ako? Gulat na tanong ko pa nito sa akin.
"Oo ikaw, ba may crush ka sa school natin? balik na tanong ko kay Kurt.
"Meron, matagal ko na nga s'yang crush." sagot ko dito habang nasa pagkain ang atensyon ko.
"Maganda ba s'ya? Matalino ? Mabait? sunod sunod ko pang tanong kay Kurt.
"Hindi s'ya maganda saka mas lalong hindi s'ya mabait," sagot nito sa akin.
"S'ya ba ang pagbibigyan mo ng love letter?
"Yeah, teka bakit ba tanong ka ng tanong Dior?"
"Wala! Bilisan mo nang kumain lumayas ka na dito!"
Nang maihatid ko si Kurt sa pinto. Kaagad ko itong sinarado napasandal pa ako sa pinto at dahan dahan nagpadausdos pababa. Habang nag e- emote.
Ako pa talaga ang pinag sulat mo ha Kurt, durog na durog na ang puso, atay, balunbalunan ko pati na na din pancreass ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat ng biglang tumunog ang cellphone ko kaagad ko naman tinignan kong kanino galing ang chat.
Kurt: Hoy! tapos na ba? Kailangan ko na yan bukas, gandahan mo ha! pag ako binasted nya, salamat na lang sa lahat
Agad kumunot ang noo ko pagkatapos kong basahin ang chat niya. Aba! demanding ang loko kung kasama mo ako, baka nabatukan pa kita, sa loob loob ko.
Me:Papangitan ko, talaga ito.Para wala kang maloko. TSE! kawawa naman ang liligawan mo, if ever.Goodnigh
Kurt: Good night Hello kitty.
ME: Bastossss!! ka talaga Kurt Jimenez.
Bukas na bukas talaga itatapon ko na ang isang dosena kong panty na Hello kitty bulong ko sa sarili.