Kanina pa akong nakahiga sa kama pero. Hindi pa rin ako, dalawin ng antok.
Lahat na yata ng posisyon ginawa ko na. Para lang makatulog. Kinakabahan at excited ang nararamdaman ko ngayon. Bukas na ang araw nang pagtatapat ko kay Dior. Graduation na namin bukas. Araw na pinakahihintay ko.
Maging ang mga sasabihin ko para sa kanya kinakabisado ko na rin. Bumangon ako sa kama at binuksan ko ang ang drawer sa tabi ng kama ko.
Kinuha ko ang maliit na box doon, regalo ko para kay Dior. Tinignan ko muna ito. Bago ko muling ibinalik sa drawer.
Wala nang atrasan 'to, kausap ko sa sarili.
Gising pa kaya si Dior chat ko nga s'ya.
ME: Tapos na ba? gandahan mo yan ha! Bilisan mo din. Ayaw ko na mapahiya. Pag ako nabasted talaga salamat na lang sa lahat!!
GRASYA: Papangitan ko, talaga 'to! Para wala kang maloko. TSE! Kawawa naman ang liligawan mo, if ever.Goodnight.
ME: Goodnight Hello kitty.
GRASYA: Bastossss!! ka talaga Kurt Jimenez.
Natatawa pa ako pag na i- imagine ko ang reaction ngayon ni Dior. For sure salubong na naman ang kilay n'ya.
Tumayo ako at naglakad papunta sa salamin.
Naisip ko na mag practice ng mga sasabihin ko kay Dior para bukas.
Kurt relax take a deep breath kausap ko pa sa sarili.
Ehhmm tumikim muna ako.
Dior may sasabihin nga pala ako sayo pwede bang... whoa!
One more try Kurt sambit ko pa
Dior ma...
Dior alam mo una pa lang gusto kita pero nata...
Dior gusto kita, pero...
Napangiwi pa ako sa salamin dahil sa hindi ko masambit ang mga salita na gusto ko sanang sabihin para sa kanya bukas.
What the F!! Kurt simple lang nang sasabihin mo hindi mo pa magawa kausap ko sa sarili.
Naka ilang ulit pa ako bago tuluyang nahiga.
Dahil sa sobrang excited mas nauna pa akong nagising sa alarm c**k ko este clock.
Pakanta kanta pa akong pumasok sa toilet.
Pababa na ako para mag almusal ngunit may isang tao na hindi ko inaasahan na makita. Si Dad, dumating s'ya. Kumurap pa ako ng ilang ulit hindi ako mapaniwala na umuwi s'ya sa araw pa mismo ng graduation ko.
Walang salitang namutawi sa aking mga labi nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad palapit sa mesa.
Hindi ko na matandaan ang huling beses na nakita ko s'ya. Umuwi man s'ya o hindi sanay na ako na wala sya.
"Good morning! Abuela," bati ko lumapit pa ako dito para humalik. Habang nakatingin ako kay Dad na nasa dyaryo ang atensyon.
"Abuela, may bisita pala tayo? I have no idea na uuwi ka today Dad, anong meron ? May business ka dito? Malamig ko pang tanong sa kanya.
Mayamaya binaba nito ang binabasa, tinignan n'ya ako hindi pa din nagbabago ito nakakatakot pa rin tignan si Dad.
"Are you not glad to see me Kurt?" Tanong nito sa akin.
"Naalala mo pala na may anak ka pa?" Tanong ko pa sa kanya habang kumukuha ng tocino.
"Ganyan ka na ba bumati sa tatay, mo!" Bulyaw nya sa akin.
"Paano ba ang tamang pagbati Dad? Hindi mo kasi naituro sa akin," Pabalang na tanong ko pa sa kanya.
"Lahat ng meron ka ngayon sa akin galing yan. Bear in your mind little man. Kaya wag kang magmalaki" Pang uuyam pa nito.
"Sorry. Dad, hindi ko hinihingi ang lahat ng ito. I'm done." tatayo na sana ako nang muling magsalita ulit si Dad.
"Stay there!!" Sigaw nito.
Naikuyom ko ang aking kamay sa labis galit na nararamdaman. Bumalik lahat ng sakit at hinanakit ko sa kanila ni Mom. Naaalala ko pa na umiiyak ako noon kay Dad para isama na n'ya ako pabalik sa L.A.
Lumalaki ako na may inggit sa iba kong classmates na kasama ang parents nila sa mga events sa school like family day.
Si Abuela lang ang palagi kong nakakasama. Maging si Mom kinalimutan ko na din s'ya. Para sa akin isa na lang s'yang alala. Sa mahabang panahon na iniwan n'ya ako never na s'yang nagparamdam sa akin.
"Hindi kita binigyan ng karapatan para bastosin lang ako!" Muling sambit ni Dad.
"Albert, Kurt, calm down please, nasa hapag-kainan tayo," pakiusap ni Abuela.
"I'm sorry. Abuela," Hinging paumanhin ko.
"Pack your important things sasama ka na, pabalik sa L.A this afternoon ang flight natin after your graduation!"
"What?? Me? L.A? No way Dad," Mariin ko pang tanggi dito.
"I, will not going with you Dad. Hayaan mo na ako,masaya na ako dito without you and Mom" buong diin kong sambit.
"I am, your father! Remember that! Sasama ka sa ayaw at gusto mo is that clear?"
Tumayo na si Dad, sinundan ko lang nang tingin ito habang naglalakad palayo.
Naiwan kami ni Abuela sa hapagkainan lumapit ako dito at niyakap ko s'ya.
Hindi ko gustong malayo sa kanya s'ya ang nagpalaki sa akin nag aalaga kapag may sakit ako. S'ya palagi ang karamay ko sa lahat ng bagay.
"Abuela, No! please, ayaw kitang iwanan wala kang makakasama dito. Masaya naman tayo dito diba? pangungumbinsi ko pa sa kanya.
Ngumiti si Abuela habang hinahaplos ang mukha ko.
"Napakabilis ng panahon ang laki na ng apo ko at napakagwapo na bata. kamukhang kamukha mo ang Daddy mo" Nakangiting wika nito.
"Apo ayos lang si Abuela, dito. Dadalawin mo naman ako pag bakasyon diba? O si Abuela, ang dadalaw sayo gusto mo ba 'yon? Kurt, apo makinig ka 'wag mong isarado ang puso mo. Bigyan mo ng pag kakataon makabawi ang Daddy, mo sayo. 'Wag mong hayaan, na kainin ka ng galit. Para na lang kay Abuela, gawin mo apo, magiging masaya si Abuela, pagnakita ko na maayos na kayo ng Daddy mo," Madamdamin pa nitong litanya.
Niyakap ko nang mahigpit si Abuela alam ko na malulungkot s'ya sa pag alis ko.
Wala akong magawa sa mga pangyayari. Paano si Dior?
Paano kami? Bakit ngayon pa? kung kelan magtatapat na ako sa kanya ng nararamdaman ko.
Ito na pala ang araw na magkakalayo kami. Ngayon pa lang nasasaktan na ako. Bakit ngayon pa? Mga tanong na bumabagabag sa aking isipan sa mga oras na ito.