Missing in action

1287 Words
Nagising ako kinabukasan na may ngiti sa aking mga labi. Ngayon ang araw ng aming pagtatapos. Araw na pinakahihintay namin ni Janice. Bumangon na ako para maligo. Pagbaba ko naabutan ko sina Nanay at Tatay na abala sa pagluluto. May munting salo-salo silang inihanda para sa aking pagtatapos. “Good morning! Nanay, Tatay,” Nakangiting bati ko sa kanila. Habang abala si Nanay, sa pag hahalo. Habang si Tatay naman ay abala sa pag kakayod ng niyog. “Oh! Dior, gising ka na pala.” sambit ni Nanay. " Excited kasi ako Nay," sagot ko pa dito. " Ku! baka naman excited makita si Kurt," asar pa sa akin ni Tatay. "Nay... si Tatay po. Inaasar ako," Nakanguso ko pang sumbong kay Nanay. "Hoy! Fred, wag na wag mong maasar ang Hello kitty ko," saway ni Nanay kay Tatay. Kaya naman nagtawanan pa kami. "Nay...naman eh, ayaw ko na talaga ng Hello kitty na panty," reklamo ko pa kay Nanay. Nagpapadyak pa ako ng maalala ko na naman ang kahihiyan kong inabot kay Kurt. "Sige na, Anak maligo ka na muna ng makakain ka na" taboy ni Nanay sa akin. Hindi maitago sa mukha nila ang labis na galak. Pinaghusay ko, ang aking pag aaral Kung kaya naman ako ang nakakuha ng pinakamataas na parangal. Masaya ako na nakapagtaas na ako ng highschool sa tulong ng Jimenez Foundation kaya naman nakapag aral ako sa magandang paaralan. Wala na rin kaming magiging problema pa sa kolehiyo napili ulit kami na iskolar ng Jimenez Foundation. Kung kaya naman makakapagtuloy pa kami, ng pag aaral sa kolehiyo ni Janice. Culinary Arts ang kukuhanin ko. Samantalang Nursing si Janice. Nang makapagbihis na lumabas na ako upang kumain ng niluto ni Nanay na biko. "Kain na Dior," alok ni Nanay nang makababa na ako. "Sige po Nay." “Anak, alam mo ba? Masayang masaya kami ng Tatay mo,” Madamdamin pang turan ni Nanay. "Hindi namin akalain na makakapagtapos ka sa magandang paaralin pa. Ipagpatuloy mo lang yan anak," Bakas sa tono ng pananalita ni Nanay kung gaano sila ka proud sa akin. “Wala kaming yaman na maiiwan sayo anak, mahirap lang tayo. Kaya sisikapin namin na makapag tapos ka sa pag aaral.” segunda naman ni Tatay. “Para po sa inyo ni Tatay, magtatapos po ako Iaahon ko po kayo sa hirap." sambit ko pa kay Tatay. Lumapit pa sila upang yakapin ako. “Anak proud na proud si Tatay sayo, ikaw ang tanging yaman namin ng Nanay mo. Ikaw ang prinsesa ko, lahat ng magtatangka na manligaw sayo, dadaan muna sa gulok ni Tatay." Nagkatawan pa kami ni Nanay. "Tao po! Tao po! sigaw ng tao labas agad naman pinagbuksan ito ni Nanay. “Mother Universe, Good morning!” bati ng isang lalaki na nakasuot ng fitted spaghetti strap na kulay orange at maikling short. “Ursula! pasok ka. Ikaw na ang bahala sa anak ko huh! Mas lalo mo sya'ng pagandahin." “Mother Universe, ako na ang bahala.” Maarte pa nitong sagot. “Dior, si Ursula, nga pala. S'ya ang mag aayos sayo” baling ni Nanay sa akin. “Hello po” bati ko dito. “Millet, s'ya ba ang anak mo? Napakaganda naman. Pero hindi mo yata kamukha.” biro nito kay Nanay. “Gwapo ang Tatay, eh” ganting biro naman ni Nanay dito. “Maiwanan ko,muna kayo si Ursula,na ang bahala sayo anak”paalam pa nito. Tumango lang ako bilang sagot ko dito. “Ate Ursula, pwede po bang light make up lang. Ang gawin n'yo sa akin. Baka kasi kabogin ko ang Principal namin pag pak na pak ang make up ko, ”biro ko sa kanya. Natawa pa ito sa sinabi ko. “Wag ma Worry De Guzman. Ako ang bahala sa beauty mo. Saka sa ganda mo parang di na nga yata need ng make up." Makalipas ang ilang minuto natapos na din ang make up session namin ni Ate Ursula. “Wow! Ang ganda mo pa rin, simpleng make-up lang ang ginawa ko pero kabog silang lahat,” Manghang bulalas ni Ate Ursula nang matapos ang paglalagay n'ya ng make-up sa akin. Kahit ako hindi ko nakilala ang sarili ko sa salamin. S'yang pagpasok naman ni Tatay. “Aba! ang prinsesa ko ba yan?” Gulat ang rumihestro sa mukha ni Tatay ng makita n'ya ako. “Napakaganda diba Father," sambit ni ate Ursula. “Millet! Millet!” tawag ni Tatay kay Nanay. Nagkukumahog naman bumababa si Nanay sa hagdan. “Ano ba yon?” Napatingin si Nanay sa gawi ko pa. Kaagad naman s'yang naglakad palapit sa akin. “Napakaganda talaga ng Anak ko. Diba Fred manang mana sa akin” nagagalalak na sambit pa ni Nanay. "Anak tumayo ka nga." Tumayo naman ako agad at naglakad model pa. Kaya nagkatawanan pa kami. “Ursula, bumalik ka dito ha. May konteng salo -salo na inihanda kami” imbita pa ni Nanay dito. “Sure! libre lapang Mother. Go ang beauty ko." “Ate Ursula, salamat sa magic.” ani ko dito. “From now on ako na ang Fairy Godmother mo. Just call my beautiful name and i'll be there.” Malanding saad pa nito sabay pilantik ng kamay. Handa na kaming umalis ng may iabot si Nanay sa akin. Isang maliit na box ito. "Dior, regalo namin sa'yo ng Tatay mo. Sana magustuhan mo Anak," Nakangiti pang sambit ni Nanay sa akin. " Nay, Tay, nag abala pa po kayo. Salamat po." yumakap pa ako sa kanilang dalawa. “Buksan mo Anak," utos ni Tatay sa akin. Dahan dahan ko pang binuksan sa pagkakabalot nito. “Wow! ang ganda po. Nay, Tay, baka mahal po ito?” Tanong ko pa habang hindi ko inaalis ang tingin sa regalo nila sa akin. Isang pares ng hikaw na hugis puso. "Sige Dior, isusuot mo Anak," Nakangiting wika ni Nanay. "Basta Dior, ingatan mo ito." bilin pa n'ya sa akin. Tumango lang ako bilang pag sang ayon sa sinabi ni Nanay. Nang makarating kami sa school nag aantay na si Janice. Kasama ang Nanay nito at tatlo pa n'yang kapatid. “Hello po Nay, Tay,” Nakangiting bati nito sa magulang ko. Nang bumaling ito sa akin bahagya pa itong natigilan. "Friendship ikaw ba yan? Di makapaniwalang tanong pa ni Janice. “Anong magic ang ginawa sayo? Lalo kang naging d'yosa." Bulalas pa nito. “Sira! Ikaw din ang ganda mo ngayon. Sana palaging graduation." Natatawang biro ko pa dito. “Aray! Parang sinabi mo na ang pangit ko noon.” Nakangusong maktol pa nito. Nagkatawan na lang kaming lahat. Dahil sa sinabi ni Janice. Maya -maya pa narinig namin na nahikbi ang Nanay ni Janice. “Nay! ayos ka lang ba?” tanong pa ni Janice dito. “Wala anak masaya lang ako. Nakapagtapos ka na ng Highschool. At sa magandang paaralan pa. Kahit ang hirap ng buhay natin nagawa mo pa rin. Proud ako sayo ”naiiyak pa nitong sambit. Wala nang Tatay si Janice. Sabi n'ya sa akin sumama na ito sa iba. “Nay, pinapaiyak mo naman ako. Laban lang tayo iaahon ko kayo sa hirap, pag isa na akong ganap na Nurse" sagot pa ni Janice sa kanyang Nanay. “Tama na yan. Magkakaiyakan pa tayo dito Laura,” saway pa ni Nanay. " "Mabuti pa, pumasok na tayo sa loob." wika ni Tatay. “Friendship, sinong hinahanap mo?” tanong ni Janice nang makapasok na kami sa loob. “Si Kurt,nakita mo ba s'ya?” “Hindi pa friendship, baka na late lang nang gising. Tawagan mo Kaya? Kinuha ko ang aking phone at sinubukan na tawagan si Kurt naka ilang dial ako pero hindi n'ya sinasagot. Kurt nasaan ka na ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD