"Guys! Thank you for today," sambit ni Hayden ng dumating s'ya sa restaurant kahit late na s'ya.
"You did a great job!" Nakangiti pa n'yang saad.
"Let's go, outside my treat!"
"Yesssss!" Sabay-sabay pa, nila na sambit habang napapailing na lang ako.
"Chef D, join us," Alok ni Hayden. Hind muna ako sumagot.
Nang mabaling ang tingin ko sa gawi ni Kurt hindi maipinta ang mukha nito.
"Problema n'ya," bulong ko pa sa isip.
"Chef D, sige na." pangungumbinsi pa nila sa akin
"Fine! Sasama na." nakangiti ko pang sagot.
"Bro, let's go!" Anyaya naman ni Hayden kay Kurt.
"Sir Kurt, sige na po!" Susog pa ng mga Marites.
"Sure!" Nakangiti pa nitong sagot .
"Ateng, magsasanib pwersa yata." bulong pa ni Kevs sa akin.
"Dior..." Sabay pa tawag ni Kurt at Hayden sa akin. Kaya naman nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Samantala impit na tili naman ang narinig ko mula sa mga Marites halatang kinikilig sa mga nangyayari ngayon.
"Sumabay ka sa akin..." sabay pa nilang alok nagkatinginan pa silang dalawa na para bang may kompetisyon sa pagitan nilang dalawa.
"Masaya ito Ateng!" Mahinang sambit ni Kevs.
Kinurot ko naman ito at pinandilat ng mata sinenyasan ko rin na tumahimik s'ya.
"Chef D, kay Sir Hayden, ka na lang sumabay ayieeee!" Kinikilig pang mungkahi ni MD.
Tinignan naman ako ni Hayden, sa magiging sagot ko, tahimik lang si Kurt sa tabi nito.
Sa huli kay Hayden ko napili na sumabay.
Narito kami ngayon sa isang bar kaya naman tuwang- tuwa ang mga Marites.
Mga ses! Boys hunting tayo!" Malanding sambit pa ni Kristine.
"Go, ako d'yan!" Sagot ni Kevs.
"Magagalit ang ML ko, seloso pa naman s'ya," kinikilig na wika pa ni Emelda.
"Wala na may nanalo na!" Buska pa ni Luzminda.
"Pumasok na nga kayo! Ang gulo n'yo!" Utos ko pa sa mga ito.
Habang naglalakad papasok sa loob, nasa unahan si Hayden. Samantalang nasa likuran ko naman si Kurt kaya naman naiilang ako na maglakad dahil sa presensya n'ya.
Naramdaman ko na lang na may kamay sa buhok ko. Saka hinila ang pababa ang ponytail ko, na s'yang naging dahilan para bumagsak ang buhok ko. Kaya naman nagpalingon ako saka galit na hinarap si Kurt.
"Anong problema mo, huh?" Angil ko sa kanya. Inilang hakbang pa nito ang pagitan namin dalawa saka tumingin sa akin. Nagulat pa ako ng ilapit n'ya pa ang mukha n'ya sa mukha ko. Bago nagsalita, dahil sa gulat hindi ko nagawang umatras man lang kaya naman halos gahibla lang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Kanina pa ako nagpipigil baka, mamaya hindi ko na kayanin. Masyadong sexy ang batok mo," mahinang sambit nito. Hinagod pa nito ng tingin ang mukha ko, saka naglakad palayo. Samantalang naiwan naman ako na nakaawang ang labi dahil sa tinuran nito.
Nang makabawi sa pagkabigla inayos ko ang buhok ko. Wala pa naman akong extra ponytail.
"Nakakaasar talaga ang lalaking yon!" Inis na inis ko pang sambit.
Nang makarating sa table wala nang ibang space kundi sa pagitan ni Hayden at Kurt halatang plano talaga ng mga Marites. Kaya naman tinignan ko sila ng masama! Ang mga walanghiya patay malisya lang.
"Chef D, have a seat." sambit pa ni Leyana ngumisi pa ito. Wala akong nagawa kundi umupo na lang sa gitna ng mga ito. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kung pwede lang umuwi na ako ginawa ko na.
"Sige guys! Mag-order na kayo," sambit pa ni Hayden.
"Ikaw Chef D, anong gusto mong inumin?" Tanong ni Hayden ng balingan n'ya ako.
"Hindi s'ya umiinom ng alak," sagot ni Kurt sa tanong ni Hayden.
"How did you know bro? Magkakilala ba kayo?"
"No!" Mariin ko pang tanggi sa tanong ni Hayden.
"Uminom ako ng alak Sir Kurt! Mali kayo ng inaakala!" Inis ko pang sagot sa kanya. Saka ako bumaling kay Hayden.
"Isang beer ang sa akin Hayden," ngumiti pa ako sa kanya. Tumango naman s'ya sa akin.
"Ateng? Sure ka ba? Iinom ka? Diba mababa ang alcohol tolerance- "
"Oo naman Kevs! Marunong akong uminom." mayabang ko pang sagot.
"Go Chef D!" Cheer pa nila sa akin.
Kita ko pa sa gilid nang mata ko ang galit na mukha ni Kurt.
"Cheers!" Sambit ni Hayden. Sabay-sabay pa namin itinaas ang mga hawak namin na alak.
Unang lapat pa lang ng alak sa bibig ko. Napangiwi pa ako masyado itong mapait sa panlasa ko. Nakita ko pa ang ngisi ni Kurt sa akin, tila nang aasar pa.
Inirapan ko naman s'ya. Saka ako sumubo ng chicharon para mabawasan ang pait ng beer sa bibig ko.
Wala pa rin imik si Kurt. Minsan ko pa s'yang nanahuli na masama ang tingin sa akin sa tuwing iinom ako ng beer.
Maya- maya pa nagyaya si Emelda sa dance floor sumunod naman sina Leyana, MD, Kristine at Luzminda. Nagtaka pa kami kung bakit wala si Lyn Joy. Laglag ang panga namin ng makita namin na may kasayaw na pala ito sa gitna.
"Chef Hayden! Sir Kurt! Tara! Sayaw po tayo," sambit pa ni Kevs.
"Kayo na lang Kevs," natatawa pang tanggi ni Hayden.
"Ateng! Matagal na rin tayong hindi nakakapagsayaw kaya tayo na!" Sambit pa ni Kevin.
"Chef D, you know how to dance?" Manghang tanong pa sa akin ni Hayden.
Tumango lang ako bilang sagot ko sa tanong n'ya.
Palagi akong panlaban sa dance contest ng section namin 'non. Elementary hanggang College ako.
"Chef D, Tara na!" Tawag pa ni MD sa akin. Tatayo na sana ako ng may humawak sa braso ko. Dahil medyo madilim sa pwesto namin hindi 'yon mapapansin basta. Kaya naman napatingin ako dito. Nagulat ako ng makita ko kamay ni Kurt sa braso ko. Pilit kong inaalis 'yon. Hindi man lang ito natinag.
"Kevs, susunod ako, pupunta lang muna ako ng powder room,"
"Sige Ateng! Bilisan mo huh!"
"Chef D, gusto mo ba samahan kita papunta sa toilet?" Tanong pa ni Hayden sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"I'm okay Hayden. Thanks." nakangiti ko pang sagot. Pero kanina pa akong naiirita sa katabi ko.
"Let me go!" Mahina ngunit mariin ko pang sambit kay Kurt.
Naramdaman ko naman na lumuwag ang pagkakahawak n'ya sa akin.
Kaya naman tumayo ako kaagad para makaalis sa tabi n'ya.
"Nakaka inis talaga s'ya! Kung umakto s'ya parang walang nangyari 'non!" Naiinis ko pang kausap sa sarili.
Medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo. Tama si Kevs, mababa ang alcohol tolerance ko. Naglalakad ako papunta ng powder room nang biglang may bumangga sa balikat ko. Mukhang lasing na ito base sa itsura nito at susuray suray nang maglakad. Lalagpasan ko na sana ito ng bigla nya akong hilahin sa kamay. Nagulat pa ako sa ginawa nito.
“H-hi m-miss beautiful, b-baka gusto mong sumama sa akin,” nakangisi pa nitong tanong.
“Bitiwan mo ako!” pilit ko pang inalis ang kamay nito.
“Ang arte mo n-naman. Papaligayahin lang naman kita,” saad pa nito habang tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa, nilabas pa nito ang dila para basain ang labi.
Nangilabot pa ako sa inasta nito. Masyadong maingay baka walang makarinig sa amin, inalihan ako ng matinding takot. Ngunit mas lalo pa akong nagulat sa sumunod na eksena nakahandusay na sa sahig ang lalaking humarang sa akin. Nag angat ako ng tingin galit na mukha ni Kurt ang tumambad sa harapan ko. Susugurin pa sana nito ng suntok ang lalaking nasa sahig. Hinawakan ko ang kamay n'ya upang pigilan s'ya. Tumigil naman s'ya saka tumingin sa akin, hinila ako palayo. Sa isang sulok n'ya ako sinandal. Kitang kita ko ang pag igting ng panga nya sa sobrang galit.
“Sinabi ko sa'yo wag kang uminom! Ang tigas ng ulo mo! Paano kung hindi ako dumating? Kaya mo ba nga sarili mo!” Bulyaw nya pa sa akin.
“Bakit sinabi ko bang tulungan mo ako! Salamat na lang sa tulong mo-”
Namilog ang mga mata ko ng walang babalang angkinin ni Kurt ang labi ko. Hindi ako, halos makagalaw sa kinakatayuan ko, dala ng labis na pagkagulat.