DREAM

1212 Words
"Nakakabwisit ka talaga! naiirita ko pang sambit. “Hoy! Ateng?” Bungad pa akin ni Kevs ng makarating ako sa meeting place namin. “Bakit ang haba ng nguso mo d'yan?” natatawa pa nyang puna sa akin. “Asan na si Janice?” Tanong ko kay Kevs. “Wala pa Ateng, baka na trapik ang bruha.” “Anong klaseng tingin 'yan Kevin Francisco?” Tanong ko pa sa kanya nang mapansin ko na parang may kakaibang tingin syang ipinupukol sa akin. “Friendship! Kevs!” Sigaw ni Janice. Tumakbo pa papunta sa pwesto namin. “Sorry. Late ko, late kasi natapos ang raket ko today.” “Ateng ? Ang Haggard mo ngayon!” puna ni Kevin kay Janice. “Ganyan talaga pagkulang sa dilig.” biro pa ni Janice. “Ikaw naman. Dior Grace Solomon! Baka gusto mong magkwento o ako na ang mag chika kay Janice,” banta pa ni Kevs sa akin. “Hoy! Ano 'yon?” Usisa pa ni Janice. “Janice,si K-” "Ateng! si Papa Kurt lang naman ang isa sa may ari ng GRACE,”dere deretso na wika ni Kevs. Binatukan ko naman ito. Dahil sa kadaldalan nito. “Aray! Ateng,” reklamo nito. “Sasabibin ko na nga diba? Excited ka? May lakad?” Banat ko pa sa kanya. Mukha naman hindi makapaniwala si Janice sa sinabi ni Kevs. Nagpalipat lipat pa ito ng tingin sa amin. Sabay pa kaming tumango ni Kevs para kompirmahin ang narinig ni Janice. “O M G!” Bulalas ni Janice. "Kevs, kanino ang pusta mo?" Tanong pa ni Janice. "Hmmm. Team Hayden muna ako," "Walanghiya kayo! Anong akala n'yo sa kanila manok?" Pinandilatan ko pa sila dahil sa kalokohan nilang dalawa. "Hindi sila, manok Ateng, pero parehas may itlog!" Tumatawa pang sambit ni Kurt. Maging kami ni Janice ay natawa na lang din. "Pero... friendship, anong nararamdaman mo?" "W-wala Janice," tipid kong sagot. "Sigurado ka Ateng? Siguro subukan mong ituon sa iba ang atensyon mo. Nakikita ko may kakaibang pagtingin si Chef Hayden sa'yo," "Sinong Hayden Kevs?" Tanong pa no Janice dito. "Kaibigan at kasosyo ni Sir Kurt, na may lihim rin pagtingin kay Ms. Tangled," sabay nguso pa nito sa akin. "Friendship! Sana okay ka lang. Paano 'yan? Mukhang maiipit ka pa yata." 'Ano ba kayo! Hayaan n'yo silang dalawa. Wala akong karelasyon sa kanila!" "Umorder na nga tayo! Gutom lang 'yan."Pagkatapos namin kumain nunuod rin kami ng sine. Saka naglakadlakad rin namiss ko talaga ang ganito namin bonding nagkataon lang na sabay ang day off namin ni Kevs. Si Janice magiging busy na rin. Pag isa na syang Nurse. Umalis na si Kevs may dadaanan pa raw sya si Janice naman may biglang raket. Kaya naman naiwan akong mag isa. Nagpalipas lang ako saglit saka nagdesisyon umuwi na rin. Nang makauwi sa bahay inisip ko pa ang sinabi ni Janice. Bahala na nga saka ako nagtalakbong ng kumot para matulog. Pipikit pa lang ako mukha ni Kurt ang nakikita ko!" Pagdating ko sa trabaho kinabukasan naabutan ko pa na nag uusap ang mga marites kaya hindi nila namalayan ang pagdating ko. “Hoy! Anong pustahan?” Tanong ko pa sa kanila. “Ay! Chef !” Gulat pa nilang sagot. “Pinagpupustahan namin Chef, kung Team Hayden o Team Kurt?” Kinilig pang sabi ni Leyana. Kumunot pa ang noo ko buhat sa narinig. “Anong Team mga pinagsasabi nyo? Tumigil kayo!” Saway ko pa sa kanila. Tumawa lang ang mga ito saka naglakad palayo. Ako ang head Chef ngayon. Wala si Chef Hayden may inaasikaso. Naging busy ang buong kitchen. May biglaan pang event. "Chef...! Tawag ni Dehl sa akin. "Yes?" "Chef D! Kakayanin mo ba? Biglaan lang ito na. Walk in reservation. Gusto nila dito sa GRACE ang reception ng kasal nila. May bagong kasal nasa labas kasama ang mga bisita nila." "What? As in now?" Gulat ko pang tanong. Tumango naman si Dehl. Tumingin muna ako sa kusina. Wala pa naman si Chef Hayden ngayon. "Hold on. I will call Chef Hayden," kinuha ko ang cellphone ko. "Hello. Chef Hayden?" "Yes, Chef D? Napatawag ka? May problema ba?" Tanong n'ya sa akin. "Chef Hayden biglaan lang. Baka hindi namin kayanin. Kulang kahit isa man lang Chef Tayo ngayon. Masyadong madami ang diner," "Dont worry. I will call someone." saka nito binaba ang tawag. Nang masabi ko ang problema dito. Sinabi n'ya na parating na ang isang Chef. Sinabi ko na rin kay Dehl na okay na. Masyado ngang madami ang mga ito. Nagsimula na kaming magluto. Maya- maya dumating si Kurt. Sa kusina ito nagtuloy. Naghugas muna ito ng kamay saka lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" Sita ko pa sa kanya. "Magluluto." Nakangiti pa nitong sagot habang nilililis ang manggas ng polo nito. Kinuha rin n'ya ang apron na nakasabit saka sinuot. Napatingin pa kaming lahat sa kanya. Nagulat pa ako ng mag umpisa na itong magbasa ng order. Kinuha nito ang kutsilyo at Chopping board saka nag umpisang maghiwa. Napaawang pa ang labi ko ng makita ko kung paano ito maghiwa para s'yang isang professional Chef. "Chef D! Move!" Sita pa nito sa akin saka ngumisi. Bigla naman akong natauhan ng sumigaw ito. Kaya naman nag focus na ako sa pagluluto. Panaka naka ko pa s'yang sinusulyapan kung tama ba ang ginagawa n'ya. Madalas pa ako nitong mahuli. Ngingiti lang naman s'ya. Wala kaming imikan dahil sa daming orders na dapat namin tapusin. Nagmamadali pa akong tumakbo sa storage room ng maubosan ako ng paprika. Pagbukas ko nagulat pa ako nasa loob si Kurt na tila may hinahanap pa sa loob. "May kukuhanin lang ako," sambit ko pa. Dahil medyo may kasikipan dito kailangan kong dumaan sa harapan nito. Halos di ako nahinga dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Hindi ko pa maabot ang dapat kong kukunin. Pilit ko pang inaabot ang paprika na medyo malayo. Naramdaman ko na lang na nasa likod ko na si Kurt saka inabot ang kinukuha ko. Ramdam ko pa ang init ng katawan n'ya maging ang pabango nito langhap na langhap ko pa. "Here!" Sabay abot nito sa akin. "Thanks." Tipid kong sagot saka nagmadali nang lumabas. "Hoy! Ateng anong ginawa n'yo 'don? Bakit sabay pa kayong lumabas? " Usisa pa ni Kevs. "Pwede bang tantanan mo ako!" Balik 'don," taboy ko pa dito. Halos ilang oras rin. Non stop ang pagluluto namin. Kaya naman nang makatapos kanya- kanya kami ng pwesto. Maging si Kurt ganon rin ang ginawa. Sa tabi ko pa ito umupo. Saka ako iabotan ng bottled water. Ayaw ko pa sanang tanggapin, pero naisip ko baka anong isipin ng mga Marites. "Sir Kurt, Chef ka rin ba?" Tanong ni Leyana dito. Tumawa pa ng mahina si Kurt bago sumagot. "Nope! But i, know. How to cook."nakangiti pa n'yang sagot. "Saan ka natuto sir?" Tanong naman ni Kevs. Habang nakikinig lang ako sa kanila. Maging ako interesado rin na malaman 'yon. "Pangarap ko, talaga na maging Chef bata pa lang. Actually pangarap naming dalawa ng babaeng, mahalaga sa akin." seryoso pa nitong sagot. Saka tumingin sa gawi ko. Napatigil naman ako sa pag inom ng tubig napatingin pa ako sa kanya kaya naman nagtama pa ang mga paningin namin. Hindi ko inaasahan ang naging sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD